Chapter 3

58.5K 937 27
                                    

Chapter 3: First day of work



First day ng trabaho ko dito sa resort ni tita.

"Ito na po yung order niyo na Fish Fillet!" Masiglang sabi ko habang papalapit dun sa isang table, inilapag ko iyon sa table nung mag-asawa. Dito ako inassign ni tita, sa restaurant kung saan pagmamay-ari niya rin malapit sa hotel.

"Miss, hindi ito yung inorder namin. Inihaw na Bangus, hindi Fish Fillet," sabi nung babae, kunot noo naman akong napatingin sa paper na hawak ko.

"Pero 'yun po ang nakalagay dito eh, ito po oh,Fish Fillet -table nine"pinakita ko naman sa kanya yung listahan.

"Huh?eh hindi naman table nine itong samin e,table six kami, baliktad yang listahan mo miss"sabi niya at binaliktad yun.

Napakagat labi naman ako dahil doon.

"S-sorry po,ma'am.Bago lang po kase ako dito eh."sabi ko at yumuko.

Umayos ka nga Sam, kebago bago mo palpak ka agad!

"It's okay,paki assist nalang agad yung order namin"agad naman akong tumango at bumalik dun sa counter."Inihaw na Bangus!"sabi ko dun sa babaeng kasamahan ko din na agad naman yung inasikaso.

Pinapaypayan ko ang sarili ko dahil sa pagod at prenteng nakatayo lang dun nung may makita akong lalaki na pumasok sa restaurant.

"Good morning,Sir"bati sa kanya ni Karina, isang staff din dito sa resto.Tinanguan lamang siya ng lalaki at dumiretso sa isang table at naupo sa upuan dun.Agad din siyang inassist ng ibang staff na para bang vip siya.

"Kyaaah, si Sir Dale!Buti nalang at pumunta ulit siya dito!"rinig kong sabi ni Oli, isang staff din.

"Nako,wag mo ng pagpantasyahan yan no!Nabalitaan kong kaya siya pumunta dito e kase nandito daw sa resort yung fiancé niya!"sagot sa kanya ni Mae.

"Eh?Talaga?Pero malay mo naman diba?Ako pala yung fiancé niya"sabi niya at mahinang umirit dahil sa kilig.

Napailing iling nalang ako at tumingin na ulit kay Dale.Bakit ba sobrang gwapo niya?Ganito yung gusto ko e, yung silent type, mukhang bad boy pero may tinatagong kabaitan, masungit pero sa isang babae lang sweet.

Gusto niyo bang idescribe ko kung anong itsura niya?Ganito yan, mayroon siyang makapal na kilay, mahahabang pilik mata na parang pag-mamay-ari ng isang babae, kulay tsokolateng dalawang pares ng mata, matangos na ilong at ang labi niya..manipis lang, pinkish, and kissable.

Mukha palang yan, perfectionist na ang datingan.Paano pa kaya sa katawan?

Mula sa suot niyang polo na puti, halata sa katawan niya ang pagkatikas, may muscles.Siguro may abs din siya?Ilan kaya?

Matangkad din siya, at kung pagtatabihin kami, siguro ay hanggang kili-kili niya lang ako.

"Miss. Emanuel!" napapitlag ako nung may biglang tumawag sakin.

"P-po?"pagkalingon ko ay kaharap ko na si Mrs. Piero.Ang strict na manager dito sa resto.Kinabahan ako bigla, salubong na salubong ang kilay niya at ang noo ay kunot na kunot.Kulubot na din ang balat niya dahil sa katandaan.

"Anong ginagawa mo at tumutulala ka dyan?!Kanina pa kita'ng tinatawag!Mga kabataang ito!Puro kalandiaan ang nasa isip!Pumunta ka sa table 12 at asikasuhin mo siya ng maayos!" napapikit nalang ako ng makatikim ng sermon sa kanya. Mabilis akong tumango dahil sa takot at kinuha muna yung tray bago pumunta sa table 12.

Natigilan din agad ako nung makita kung sino yung nasa table 12.Si Dale.Napalunok na lamang ako at dahan dahang lumapit dun.

"G-Good morning, Sir. Can I have you--i mean, Can I have your order?"gusto kong batukan ang sarili ko ngayon din dahil sa sinabi ko.Pero pinigilan ko dahil baka isipin pa nitong gwapong to na baliw ako.

Ano ba tong nangyayare sakin?Hindi naman ako ganito dati e.Hindi naman ako ganitong umakto.Lalaki ang naghahabol sakin at sila ang laging dumadamoves.Pero bakit ngayon e parang naiba?Ano bang mayroon itong si Dale?Ginayuma niya ba ako?

Nagkacrush naman na ako dati, nagkafling, nagka boyfriend, pero hindi naman kasing lala ng nararamdaman ko ngayon yung naramdaman ko dati.

O baka naman dahil lang to sa malandi ako?Malantod ka,Samantha.

Pero hindi e, ako lang ba yung ganito?Yung unang kita ko palang sa kanya nung nasa bar kami.Feeling ko siya na yung magiging ama ng sampung anak ko sa future.

"Excuse me?Tss.You're not even listening." Nabalik lang ako sa reyalidad nung marinig kong magsalita siya.

"S-Sir?"

"Don't you know how to do your job properly?" seryosong sabi niya habang ang mata ay nakatitig sakin.Para akong matutunaw, bakit ba kase ang ganda ng mata niya?

"A-ah,I'm sorry,What's your order again,Sir?" Agad ko namang nilista yung mga pagkain na sinabi niya.

"That's all" sinabi niya na yun pero nanatili lang ako sa harap niya. "What?" kunot noong sabi niya nung mapansin na hindi ako umaalis dun.

"Your drinks,Sir?"

"Tss, I already said what I'll drink, stupid."sagot niya na ikinagulat ko.Tinitignan ko naman agad yung listahan ko at may nakalagay na nga dun na Pineapple juice.Parang gusto ko nalang lamunin ng lupa ngayon.

Dahil sa hiya ay nakayuko akong umalis dun, ngunit dahil nga nakayuko ako, hindi ko namalayang may makakasalubong ako.

"Aray!"daing ko.

"Ouch!"maarte namang daing nung nakabungguan ko.

"Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo?!"sigaw sakin nung babaeng maarte na bumunggo sakin.Gusto ko din sana siyang sigawan kaso naalala kong server nga pala ako dito sa resto.

"I'm sorry ma'am, hindi ko po sinasad--"

"No!Sinadya mo yon!And look!Nabuhos yung Milkshake ko sa sa suot kong dress!Ang mahal mahal nito!Mas mahal pa sa buhay mo!"sigaw niya ulit at dinuro duro pa ako.

Dahil sa sobrang inis ko ay hindi na ako nakapagtimpi.Hinawakan ko ang daliri niyang nakaturo sakin at inikot yun dahilan para mapadaing siya sa sakit.

"Shutanginamers.Hindi mo ko pinapalamon kaya wag mo kong maduro duro dyan."

"O-ouchie!Ouchie!Bitaw!Bitawan mo!"naiiyak niyang sabi kaya binitawan ko na din yun."Isusumbong kita sa manager mo!Manager!Manager!Where the heck is your manager?!"

"Anong problema dito?"biglang salita ng nasa likod ko, si Mrs. Piero. Patay.

"That bitch just almost killed me!I want you to fire her!Ngayon din!"utos niya sa matanda.Bakit ganon?Bawat salita niya ay may arte.Puro kaartehan lang yata ang alam ng babaeng ito.At saka,muntik ko na daw siyang napatay?Eh binali ko lang naman yung daliri niya.Tsh, napakaarte.

"I'm sorry, Miss. Zoey.Hindi na po ito mauulit."sagot ni Mrs.Piero ng magalang pero masama ang tingin nito sakin.

"Dapat lang no!Kung hindi e ipasasara ko ang resto na ito!"sabi niya pa at padabog na umalis.

"Sumunod ka sakin"matalim ang tingin na sabi sakin ni Mrs.Piero. Kailangan ko na yatang magdasal para sa kaluluwa ko.

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now