Chapter 8

43.4K 845 14
                                    

Chapter 8: Back in school



Samantha's Pov

Bulong-bulungan ang sumalubong sakin nang makatapak ako'ng muli sa University. But who cares? I don't care at all.

"Ba't ganon? Mukhang wala namang nagbago sa kanya. In fact, mas sumexy pa siya."

"Oo nga, mukha'ng hindi kagagaling sa panganganak.

Doon ako natigilan. Ano daw?Panganganak? What the hell? Who the fvck spread news about me getting preggy?

Napairap nalang ako, ano pa nga bang magagawa nito'ng mga to sa buhay kung hindi ang siraan ako dito sa school?

"Sam! Omg!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na yon. And there, I saw Yesh, Sandra, Thea, and Ash. Agad akong nanakbo palapit sa kanila at nakipag group hug sa kanila.

"We missed you! Kahit na dalawang linggo ka lang doon e namiss ka talaga namin!" si Ash.

"Paano ba naman e wala kaming kasama na mas wild pa sa wild kung mag bar!" si Sandra.

Natawa nalang ako sa mga sinabi nila. "Ako din naman no!Namiss ko kayo, pero mas namiss ko yung parties!"

"May pa-party yung pinsan ko mamayang 8 PM, ano?G?" singit ni Thea.

"G!" sabay sabay naming sabi. Nagkwentuhan pa kami habang naglalakad papunta sa room namin. Nabanggit din nila na ang akala pala ng mga tao dito e nabuntis ako kaya hindi na ako pumapasok.

Pero ano pa nga ba?Halos lahat ng tao dito sa school e sinisiraan ako because of my habit, yeah, bars, clubs, parties.But duh, I know my limits. Kahit ganito ako, I still have my V. Kaysa naman sa iba dyan na painosente pa, pero wasak na.

"Anyways, alam niyo ba?Nakita ko sa resort ni tita si Dale!Natatandaan niyo ba yung lalaki sa bar na nakausap ko?Argh, ang gwapo niya talaga!And guess what?May kapatid siya mga sis, gwapo din!Kaso kay Dale talaga ako." I chuckled and take my seat when we reached our room.

"Oh, edi sayang saya ka naman don?Kaya naman pala hindi ka man lang tumawag samin, malantod ka!" natatawang akusa sakin ni Yesha.

"Ano ka ba!I'm also busy there, okay?Trabaho naman ang ginawa ko don no. Pero may kasama din na kaunting landi" pagpapaliwanag ko at nagpeace sign pa sa kanya.

"Nagkasundo ba naman kayo nung Dale na yon?" tanong ni Ash habang may kinakain na agad na chitchirya.

"Actually, no. Napakasungit niya but I can handle him. Hindi din naman siya nagtagal doon sa resort. He stayed there 1 week, I guess."

Natigil lang ang pagdadaldalan namin nung pumasok na ang Prof namin.Si Sir Gordon.

"Good morning" bati niya sa amin at bumati rin kami sa kanya pabalik.

"So our lesson for today is.. Miss Cassandra, stop chewing that gum when I'm discussing here in front of the class." pamumuna ni Sir kay Sandra na ngayon ay umiirap lang.Siraulo talaga to.

"Fine" tanging sabi niya at tinapon ang chewing gum sa basurahan.Nagsimula na din'g magdiscuss si Sir Gordon.

•••

"Ano'ng gusto niyo'ng kainin?" tanong ko doon sa apat. Lunch break na namin kaya nandito kami ngayon sa cafeteria.

"Rice and chicken curry sakin. Tapos orange juice." si Yesha.

"I'm not actually hungry and I'm on a diet so, sandwich nalang sakin." si Sandra.

"Same with Sandra, nag heavy breakfast ako kanina." si Ash.

"Ganon nalang din ang sakin kay Yesh" si Thea.

Pumunta na ako sa counter, walang masyadong pila ngayon dahil medyo nalate ang pagpapalabas kanina samin ni Sir Gordon. Paano ba naman ay mas iniinis lang ni Sandra itong si Sir kaya ayon, damay pati kami.

Halos lahat na din ng estudyante ay kumakain kaya hindi ko alam kung may vacant table pa para samin.

"Whoa!Mis Beautiful!" gulat akong napalingon sa likod ko. At doon ko nakita si.. sino nga to?

Tumawa ito. "Hindi mo na ba ako natatandaan?Blake is the name!" masigla niyang sabi.

"Oh!Blake!Right, yung sa bar?"

"Yeap!Dito ka din pala nag-aaral?" tanong nito at tumango lang ako.

"Oo, kasama ko nga yung friends ko e. Gusto mo ipakilala kita sa kanila?" aya ko at pumayag naman siya. Tinulungan niya din akong magdala ng mga pagkain, nung mahanap namin yung table ng mga kaibigan ko ay agad kaming lumapit doon.

"Guys, I want you to meet Blake.Blake, my friends, Ayesha, Ashley, Cassandra, and Thea."

"Hi! You can just call me Yesh or Yesha."

"You can call me Sandra."

"Hi, pogi!Pwede mo akong tawaging Ash or if ayaw mo, baby nalang" humagikhik si Ashley.

Mahinang tumawa si Blake. "Alright, baby" sabi nito at ngumisi. "Sige na, babalik na ako sa table namin. Baka naghuhumirantado na yung mga yon." aniya at umalis na.

Naupo na ako sa upuan at nagsimula ng kumain.

"Sino ba yung Blake na yon?May gusto ba yon sayo Sam?" tanong ni Yesha habang hinahalo ang sabaw ng chicken curry niya sa kanin.

"Hindi no. Friendly lang yata sadya yon. Mukha ngang si Ash ang kursonada e." natatawa kong sabi at tumingin kay Ashley na ngingisi ngisi

"Well, hindi naman imposible yan, Sam. Maganda naman ako at sexy." she chuckled.

Natawa na din kami don ngunit natigil kami nung may tumikhim.Si Sir Gordon!

"Miss Cassandra. My handkerchief?" buo ang boses na tanong nito sa kaibigan ko.

"A-ah, ito na Sir." dali daling kinuha ni Sandra ang isang panyo sa bulsa niya at inabot ito kay Sir Gordon. "Nilabhan ko na din yan." Tumango lamang si Sir at saka umalis.

"Hoy, anong meron sa inyo ni Sir Gordon?Ikaw ha!" nang-aasar kong sabi sa kanya.

"Huh?Wala no!Pinahiram niya lang ako ng panyo. Napakamalisyoso niyo. At saka, guro natin yun no." sabi niya pa pero hmm, who knows?

Nang matapos na kaming kumain ay nagkwentuhan pa muna kami bago bumalik sa room.Wala pa ang guro namin sa subject namin ngayon kaya malaya pa kaming nagdadaldalan tungkol sa kung ano ano at tungkol doon sa party.

Nagkakasiyahan kami doon nung may marinig kaming tilian ng mga babae mula sa katabing classroom namin. "Anong meron sa mga yon?" tanong ko at dahil sa kuryosidad ay agad kaming pumunta doon. Hindi pa kami makapasok noong una dahil puno ng mga estudyante ang room na iyon.May mga bulong-bulungan din na hindi ko naman maintindihan kaya hindi ko na pinagtuunan ng pansin yon.

Noong makarating ako sa pinagkukumpulan nila ay agad na nanlaki ang mata ko nang makita ang hindi ko inaasahang makita ngayon.

Si Dale!

"Uy, Miss Beautiful!Grabe, kahit dito pala at sikat kami?" tawag pansin sakin ni Blake na nakaupo sa tabi'ng upuan ni Dale.Sila pala ang pinagkakaguluhan ng mga babae dito.Kasama din nila ang tatlo pang lalaki na kaibigan din nila na nakalimutan ko na ang pangalan.

"Dito pala ang room mo?At.. kasama mo pala siya" bumagsak ang tingin ko kay Dale at napakagat labi nalang dahil sa hiya, nakatingin din kasi siya sakin at para akong nilulunod ng mga titig niya.

"Ah, oo. Sorry, nakalimutan ko nang sabihin sayo"

"Ayos lang no!Ahm.. sige ah?Babalik na kami sa room, doon lang yon sa kabila. Baka dumating na ang guro namin e."

"Sige, Miss Beautiful!Kitakits us mamaya!" pahabol pa ni Blake, ngumiti lang ako sa kanya at sinulyapan pa'ng muli si Dale na hindi man lang naaalis ang titig sa akin.

Binigyan ko na lamang siya ng isang matamis na ngiti bago lumabas sa room nila.

Forced Marriage ✓Où les histoires vivent. Découvrez maintenant