Chapter 28

29.5K 392 13
                                    

Chapter 28: Misunderstanding





Samantha's Pov

Sabay kami ni Dale na pumasok sa school kinabukasan.

Normal lang naman ang mga pangyayari. Aattend ng classes, lunch break, then attend ulit ng class tapos uwian na.

"Sam, later ah? Doon sa bahay, birthday ni Ate," paalala sa akin ni Sandra. Oo nga pala, may birthday party sa bahay nila mamaya dahil birthday ni Ate Caleigh. "Sinabihan ko na rin sila Ashley at Yesha, at oo nga pala, ayain mo rin sila Hans sabi ni Ate! Alam mo namang may pagtingin 'yun don," natatawa niyang sabi habang nagkokolorete ng mukha.

"Sure! We'll be there, I'll contact Hans and others agad." Kinuha ko ang phone ko sa bag upang tawagan na si Hans kaso may incoming call. Nang tignan ko kung sino ay si Kliff 'yon. Hindi naman ito tatawag kung hindi importante kaya sinagot ko agad 'yon.

"Yes, Kliff?"

"Sam, can you come here? Dito sa shop ko, ngayon din mismo, bilisan mo." Pagkatapos non ay binaba na niya ang tawag.

Huh? Ano daw? Bakit niya naman ako pinapapunta sa shop niya? May nangyare kayang masama? Tinubuan ako ng kaba dahil don kaya nagpaalam na ako kila Sandra na may pupuntahan ako, hindi na nga ako nakapagpaalam pa kay Dale.

"Aish, kainis naman 'to, talagang pinatay pa yung phone ah?!" Inis kong bulyaw habang nasa kotse, sinusubukan ko siyang tawagan kaso nga ay nakapatay na ang phone niya. Baka may nangyare talagang masama? Shit, sana lang ay buhay pa siya pagkarating ko.

"Kliff?!" Tawag ko habang papasok sa loob ng shop niya, minsan lalanga langa talaga 'yon e, gusto niya laging mapag-isa kaya wala siyang mahingan agad ng tulong kapag nasa kapahamakan siya! Kapag nagkita talaga kami ay babatukan ko siya kahit na mas matanda pa siya sakin!

Tinunton ko ang office niya dahil doon naman siya naglalagi, pagkabukas ko palang ng pinto ay ginulat na ako ng madatnan ko. May kasamang babae si Kliff at nakapulupot ang braso nito sa bewang niya! Shet, what a scene.

"B-babe!" Biglang tawag sa akin ni Kliff nang makita niya ako sa pinto ng office.

Ano raw? Babe?

"Anong babe? Ako ang babe mo!" Angal nung babae at masama akong tinitigan.

Okay, gulong gulo na ako. "Sino siya?" Tanong ko habang nakaturo sa babae, ngayon ko palang kasi siya nakita.

Pilit naman siyang umalis sa pagkakayakap ng babae at lumapit sa akin. "Babe, let me explain, nanggugulo kasi siya! Hindi kita niloloko at wala kaming relasyon!" Pag-eexplain no Kliff sa akin na mas ikinagulo ng utak ko. Ano bang pinagsasabi nitong si Kliff?

Kumindat pa siya sa'kin na parang sinasabi na sumakay lang ako.

"Hoy babae! Totoo bang girlfriend ka nitong si Kliff ko?!" Biglang sigaw sa akin nung babae.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya at tinignan si Kliff na nagsusumamo na sumang-ayon ako.

"Oo? Anong masama don?" Hindi ko alam kung tama ba 'tong pinasok ko pero sige, para sa kapakanan mo Kliff. Kailangan mo kong ilibre ng samgyup pagkatapos nito, animal ka.

"Hindi ako naniniwala!" Sigaw niya na naman, hindi ba kaya ng babaeng 'to na hindi sumigaw?

"Pake ko kung hindi ka naniniwala? Lumayas ka na kung ayaw mong umalis dito ng may pasa," pagbabanta ko ngunit tinawanan niya lang ako.

"Kung totoo nga na magshota nga kayo, magkiss nga kayo! Sa lips dapat!" Subok niya sa amin na ikinalaki ng mata ko. Nahihibang na ba siya?

Aangal palang sana ako nung bigla nalang akong pinaharap ni Kliff sa kanya at hinalikan ako ng mabilis sa labi!

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now