Chapter 6

48.1K 918 24
                                    

Chapter 6: Sir Gordon




Pangalawang araw ko na sa pagtatrabaho ngayon at pinag-iigi ko ngayon. Mahirap na at baka masermonan na naman ako ni Mrs. Piero.

"Haay, sa wakas! Break time na din, kain muna tayo, Sam!" Aya sa'kin ni Karina na tapos na sa kanyang trabaho.

"Mauna ka na doon, susunod na ako. Kailangan ko pa 'tong tapusin e," nakangiti kong sabi sa kanya habang hinuhugasan ang isang tambak na mga plato, kubyertos at mga baso.

"O' sige, hintayin kita doon ha?" tumango nalang ako sa kanya at ipinagpatuloy na ang ginagawa ko.

"Tulungan na kita dyan," napalingon ako kay Oli na tumabi sakin at kinuha ang isang sponge.

"Nako, hindi na. Baka makita ka pa ni Mrs. Piero, parehas pa tayong mapapagalitan nyan. Tapos na ang trabaho mo diba?"

"Oo, pero hindi naman kita iiwan dito basta basta nalang no. Halos lahat sila ay naglalunch na. Kaya tutulungan na kita dito para sabay na tayong maglunch." Napangiti nalang ako sa sinabi niya at sabay na naming hinugasan ang mga pinggan. Mas napadali nga iyon dahil sa tulong ni Oli. Thanks to her dahil maaga akong makakapag tanghalian.

"Gusto ko talagang makipag-close sayo Sam. Can we be friends? Yung mga kaclose ko kase dito e halata ko agad na pinaplastik lang ako. E kase ikaw, pansin ko sayo na totoo ka at walang fake sa buong pagkatao mo," ngumunguyang sabi ni Oli. Nasa resto na kami at kumakain. Lahat ng staff dito sa resort ay libre ang pagkain. Ipakita mo lang ang I'D mo na staff ka dito at viola, may pagkain ka na. Kaso limitado lang din ang makukuha mong pagkain. Pero sinisiguro rin naman nila na mabubusog ka.

"Sure, pwede naman. Mukhang mabait ka rin kaya oks ka sakin," nakangiti kong usal at nakipag apir sa kanya. "You look jolly, Oli. Tell me something about yourself!"

"Eh? Wala namang maganda sa kwento ko e," aniya nang natatawa. "Pero sige, magkukwento ako."

"Ako ang breadwinner sa pamilya namin. May tatlo pa akong mga kapatid, wala na ang papa ko at ang mama ko naman winawaldas lang ang mga perang pinapadala ko sa kanila. Like, yung perang pinaghirapan ko sa trabaho, inuubos niya lang sa alak at pagsusugal." May bahid ng lungkot na pagkukwento niya. "Kaya ang ginagawa ko, doon sa isa kong kapatid ako nagpapadala, pero syempre. Pinapadalhan ko parin ng pera si mama. Hinahati ko yung pera ko para may pang-kain ang mga kapatid ko at may pang gastos si mama sa mga luho niya. Ganoon ko sila kamahal."

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa kwento ng buhay niya. Like, grabe. Mukhang malaki na ang sakripisyo niya sa pamilya niya.

Nakakalungkot nga lang na hindi man lang iyon binibigyang halaga ng mama niya.

Parang kinurot ang puso ko.

Her mom is just like me. Hindi ko man lang napasalamatan ang mga magulang ko sa mga paghihirapan nila para sakin. Yes, pinaparusahan nila ako pero dahil iyon sa mga pagkakamali ko. Mga pagkakamali ko na kailangan ko nang ituwid at itama imbes na dagdagan ito.

"Oh, bat ka naiiyak dyan?" Natatawang sabi ni Oli dahilan para matawa na rin ako.

"Wala no! Nakakalungkot lang kasi ang buhay mo. Pero huwag kang mag-alala.Tutulungan kita! Promise!"

"Huh? Paano? Eh parehas lang naman tayong walang pera dito," nginisian ko nalang siya sa sinabi niyang 'yon.

Binilisan na namin ang pag kain dahil may trabaho pa kami kaya ilang sandali lang ay bumalik na rin kami sa resto.

Mahirap pala 'yung ganito no? Yung magtatrabaho ka hindi lang para sa sarili mo. Naiisip ko lang yung ibang tao na todo kayod sa pagtatrabaho para lang sa mahal nila sa buhay.

And now I realized what my parents do. They work all day just to give all my needs and everything. At heto ako, nagbubulakbol para sa atensyon nila. And to think of it, nakakalungkot na yung pagtatrabaho mo ay hindi naa-appreciate ng taong pinaglalaanan mo ng pinagtatrabahuhan mo.

That hurts.

But still, ang kasiyahan ko naman ay ang makasama sila. Nothing all. I understand na nagtatrabaho sila para sa'kin and I'm really thankful for that. Pero sana kahit kaunti lang, ibigay nila sa'kin ang atensyon nila.




Savi's Pov

"Kuya! Give me that! I'll kill you!" Asik ko sa kuya ko na bigla nalang hinablot sakin ang cellphone ko. "You have your own, damn it! Kuya, please! Don't. Read!" Sigaw ko dahil binabasa niya na ang nasa screen ng phone ko.

"Tch, really? Tinamaan ka sa babae na 'yon? You don't know that girl so stay away from her," wika niya na parang kilala niya na ng lubos si Sam.

"Why? Kilala mo na ba siya kuya?Hindi naman diba? At wala namang masama kung magkagusto nga ako sa kanya." Kinuha ko na sa kanya ang phone ko at pinaka-titigan ang picture ni Sam na nakuha ko mula sa IG pictures niya.

"Sav, you'll just get hurt. Stop your craziness and get your ass off my room."

Nakunot ang noo ko sa sinabi niyang yon. Get hurt? Why? Ba't naman ako masasaktan?

"What do you mean by that?"

"Nothing, just do what I had said."






Yesha's Pov

Ang boring!

Sobrang boring pag wala si Sam!

"Kamusta naman na kaya ang lukaret na yon doon? I hope she's not doing stupid things para mapabilis ang pagtatrabaho niya," nakapangalumbaba kong sabi habang nakatitig sa labas ng bintana ng room namin. Kitang kita ko ang mga estudyanteng naglalaro ng soccer. Mula kase dito sa building namin ay tanaw na tanaw ang soccer field.

"I hope so, dahil ang dami niya ng parties na namissed! And sa pagbabalik niya, dapat bumawi siya!" Singit ni Sandra at kumembot kembot pa na parang nasa isang party.

"Shunga! Naparusahan na nga 'yon dahil sa pagpaparty na yan tapos pagbalik niya party agad? Dapat magpa goods muna tayo sa mom niya!" Tutol ni Ash kay Sandra.

"Miss Cassandra, what on earth are you doing?" Seryosong tanong ni Sir Gordon sa kaibigan ko na kumekembot kembot pa rin pala kaya naghagikhikan kami sa pagkapahiya ni Sandra.

"Si Sir naman! Sumasayaw lang naman ako e!"

Umirap nalang ang propesor namin na si Sir Gordon. Bata pa ito at binata. Hindi rin maipagkakaila na gwapo siya at maraming nahuhumaling sa katikasan niya.

"Naku! Yan talaga si Sir, wala na siyang ginawa kundi ang pansinin ang mga ginagawa ko!" Inis na sabi ni Sandra at padabog na umupo sa upuan niya.

"Baka naman crush ka!" Sabay hagalpak ni Thea. Pati ako ay natawa na din.

"Ay oo nga! Pansin ko lagi na ikaw ang pinapansin niya! Mukhang nagpapa-pansin nga 'yon sayo e!" Dagdag naman ni Ashley.

"Tigilan niyo nga yan! Argh, naaasar ako sa kanya!"

"Sus! Gwapo kaya si Sir at matalino. Ang mga babaeng magugustuhan niya ay napakaswerte na!" Ako naman ang sumabat sa usapan nila.

"Bata pa pati siya! Pwede pa siyang shotain!"

"Stop it!" Sigaw ni Sandra na namumula na ang mukha.

"Shuta, tignan niyo oh!Mukha'ng may crush na rin kay Sir!HAHAHAHAHA!"

"Ewan ko sa inyo!" Nakangusong sabi ni Sandra.

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now