Chapter 15

37.5K 685 19
                                    

(A/N: So ito na nga, may mga scenes dito sa story ko na medyo hindi maganda, kagaya nalang ng pag-inom ng alak ng ibang babaeng karakter ko kahit na wala pa sila sa tamang edad para doon. I'm sorry sa mga nadidisappoint ko pero yun yung role nila dito sa story ko. And yeah, minor din naman ako pero hindi ako umiinom. This is a story, hindi kailangang gayahin. Wala namang issue about this pero kinaklaro ko na hangga't maaga pa. 'Yon lang, maraming salamat. Enjoy reading!)


Samantha's Pov

Nakahawak lamang ako sa aking labi habang nakaupo sa table naming magkakaibigan, kasama din namin sina Dale sa table namin. Halos hindi na ako makatingin sa kanya dahil sa pamumula ng buong mukha ko.

Ilang oras na ang nakalipas matapos niya akong halikan pero dama ko parin yung labi niya sa akin.

"Hoy! Kanina ka pa tulala dyan ah? Come on! Enjoy the night girl! 18 ka na kaya lubos-lubusin mo na unang araw mo bilang isang gurang!" Maingay na sabi ni Sandra at inabutan ako ng isang baso na puno ng alak.

Kinuha ko iyon agad at ininom. Straight! She's right, I'm 18 and I can do all that I want!

Nakauwi na ang ibang bisita namin, like yung mga inimbita nina daddy na kasosyo nila sa negosyo. Kami kami nalang na mga kaibigan ko ang nandito at mga kaklase ko. Sina Mommy at Daddy naman ay nagpapahinga na sa loob ng bahay.

Nasa mood ang DJ ngayon, he played some party songs at mapapasayaw ka talaga.

"Oh my god, Hans! You're late!" Angil ko sa bagong dating lang na mga kaibigan ko. Tumayo ako at sinalubong sila.

"Happy birthday, our baby." Malambing na bati ni Hans sa akin na ikinairap ko.

"Stop calling me baby, okay? 18 na ako, I'm old!"

"You're still our baby." Ani Seavey at ginulo pa ang buhok ko.

"Argh, dagat!"

Tumawa lamang ito. "Oh? Asan ang mga regalo niyo? Mayayaman kayo tapos wala kayong dala na regalo para sakin?" Nakasimangot kong usal.

Nagtawanan sila. "Nandoon sa kotse no! Pakainin mo na muna kami at nakakagutom ang bagong misyon ni Kliff!"

Agad ko silang pinapasok at pinakain, nagtinginan pa sa kanila ang mga kaklase ko.

"Oh my gosh, pakilala mo naman kami sa kanila, Sam!"

"Shocks, ang gwapo! Sino yan, Sam?"

"Isa ba sa kanila ang boyfriend mo? Ang swerte mo ah!"

Ilan lang yan sa mga narinig ko sa mga kaklase ko. "Gwapo nga mga siraulo naman." Sagot ko lang sa mga 'yon kaya sinamaan ako ng tingin nung tatlo. Si Hans, Seavey, at Hervey.

"Teka, bakit kayo lang? Bat hindi niyo kasama yung iba? At saka, si Kliff?"

"Busy pa ang mga 'yon, at ano namang aasahan mo doon kay Kliff? Napaka-busy'ng tao non, baka babawi nalang sila kapag nakabalik ka na ulit!" Ani Seavey habang dala dala ang dalawang plato na punong puno ng pagkain. Hindi naman halatang gutom ang isang to no?

"Doon tayo sa mga kaibigan ko, ipapakilala ko kayo kina Dale." Sabi ko at nauna na, ramdam ko na sumunod sila sa akin.

"Ey, guys. I'm with The Cards." Sabi ko sa mga kaibigan ko at naupo na sa upuan ko. "Maupo muna kayo." Wika ko kina Hans na naupo naman agad sa mga bakanteng upuan.

"Ah, Dale, this is Hans, Seavey, and Hervey. Guys, this is Dale, Blake, Luke, Dennis, and Lance." Pagpapakilala ko sa kanila sa isa't isa.

Nakita ko na mariin na nakatitig si Dale doon sa tatlo.

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now