Chapter 27

30.1K 472 4
                                    

Chapter 27: Shopping









Samantha's Pov

Pagkatapos ng nakakakilig na scene namin sa labas ng cafeteria ay bumalik na rin kami sa loob. Marami ang tumutukso sa amin dahil don pero hindi na namin pinansin. Baka mangisay lang ako sa kilig.

"Oh, why did you leave kanina, Samantha? Are you mad?" Tanong sa akin ni Eya pero nginitian ko lang siya.

"Hindi, natae lang ako kanina," usal ko at naupo na ulit sa tabi ni Dale.

"Okay!" Ngumiti rin siya, mukhang mabait naman talaga si Eya, hindi ko lang talaga nagustuhan yung sinabi niya kanina. Pero girls should never fight just because of a guy, right? Sana masabi ko pa 'yan sa susunod na mga araw, linggo o buwan.

"Arte mo kanina teh, taray ng exit mo," bulong sa akin ni Ashley at mahinang tumawa kaya natawa na rin ako. Nakakahiya pala 'yung ginawa kong pagdabog kanina, napaka childish!

Nagkwentuhan pa kami 'ron habang kumakain, kinukulit pa ni Eya si Dale pero ang asawa ko naman 'e ngumingiti nalang at mukhang hindi mapakali habang nakatingin sa akin. Okay lang naman sa akin 'yon e, basta wala lang silang gagawin na masama. Oh diba, ang taray ko, may karapatan na ako ngayon. Char.

"Grabe, sumakit ang ulo ko sa essay!" Reklamo ni Sandra habang nililigpit na ang mga gamit niya.

"Ako nga dumugo na ilong ko," si Ashley naman habang nagpupunas ng tissue ng ilong, literal na dumugo pala ang ilong niya.

Natawa nalang ako at niligpit na rin ang mga gamit ko. "Easy," pagmamayabang ko pa.

"Easy nga lang," pagsabay ni Yesha kaya nag-apir kami.

"Hey girls! I wanna go shopping, can you guys come with me? My treat!" Lapit sa amin ni Eya, tinignan ako nung tatlo kung sasama ba kami.

Ang bastos naman namin kung hindi kami sasama diba? Nagpapakumbaba na siya kaya sige.

"Yeah, sure. Wala rin naman akong gagawin mamaya," sabi ko at naglagay ng foundation sa mukha.

"Payag din naman ako pero wag mo na kaming itreat, sis, may pera naman kami," si Sandra habang nagliliptint, mukha talagang hindi niya bet si Eya.

"No, I insist, ako na nga ang nagpapasama sa inyo kaya I'm the taya muna!" Pagpupumilit niya pa, hindi nakaligtas sa akin ang pasimpleng pag-irap ni Sandra sa sinabi niya kaya mahina nalang akong napatawa.

"K, bahala ka, tara na." Nauna nang lumabas si Sandra sa amin kaya sumunod na rin kami.

"Pasensya ka na kay Sandra, ah? Ganyan lang talaga siya," usal ko habang magkasabay kaming naglalakad ni Eya.

"Nah, it's okay! I understand her naman so no need to say sorry!" Magiliw niyang sabi, ngumiti nalang ako. She's indeed a nice person.

"Omg, bukopie!" Biglang tawag ni Eya kay Dale na kalalabas lang sa room nila kasama sina Blake. Tatakbo namang lumapit si Eya ron at dinamba pa ng yakap si Dale. "Come with us! We'll go shopping!" Aya niya pa ngumit umiling lang si Dale at may sinabi na ikinasimangot ni Eya. "Hmp, sige na nga, pero babawi ka sa akin next time ha? I really missed you!" Akmang hahalikan niya pa si Dale sa pisngi pero agad na lumayo ang lalaki.

May gusto ba si Eya kay Dale? Dahil kung oo, I don't think we could be friends anymore.

Argh, ano bang sinasabi mo d'yan Samantha? Ano naman kung gusto ni Eya si Dale? Kayo naman ang mag-asawa kaya no need to worry, mas mabuti na magkaibigan kayo ni Eya kahit na may gusto siya sa asawa mo. Girls should never fight just because of a guy, keep that on mind!

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now