Chapter 19

41K 564 7
                                    

Chapter 19: Betrayal






Samantha's Pov

From: Kliff

Ayos na laptop mo, punta ka dito sa hq, may meeting.

Agad akong bumalikwas ng bangon nang marecieve ang text message na galing kay Kliff. Ano naman kaya ang pagme-meetingan namin ngayon?

Imbes na mag-isip pa nang mag-isip ay nag-ayos na lang ako ng sarili. Mabilis din akong natapos kaya dumiretso na ako sa hq. Nag-iwan nalang ako ng note sa ref para kina mama dahil tulog pa sila.

"Yow, ganap?" Salubong ko sa kanila nang makapasok ako sa meeting room, naupo ako sa tabi ni Hans na nakaharap sa laptop niya, sumandali siyang lumingon sa akin pero binaling niya na din ulit ang paningin niya sa kanyang laptop.

"Here, Sam." Iniabot sa akin ni Kliff ang laptop ko na agad ko namang kinuha. Namiss ko agad itong baby ko!

Iyong laptop ang tinutukoy ko.

"Thank you, Kliff!"

Tumango lamang si Kliff at pumunta sa unahan. Mukhang important ang pag-uusapan ngayon.

Wait, hindi ko pa yata naiintroduce ang ibang mga kasamahan namin?

Let me start with the Jacks.

Apollo Matahari. Jack of Spades, masiyahin at makakasundo mo talaga sa lahat ng bagay. Minsan lang kaming mag-usap dahil hindi naman kami nagkakasama sa isang mission pero masasabi kong may kabaitan naman siya sa katawan. 25 years old.

Helios Zachary Potterson. Jack of Flower, katulad siya ni Kuya Apollo pero ito ang over sa kahyperan. 25 years old.

Sorin Fedelin. Jack of Diamond, ito ang hindi ko talaga kaclose sa mga Jacks, masyadong seryoso sa buhay. 24 years old.

Cyrus Legazpi. Jack of Heart, same with Kuya Sorin ang attitude pero hindi naman ganoon masyado. 23 years old.

Let's move on with the Queens. I really adore these ladies.

Aislinn Herrera. Queen of Spades, I must say she's the strongest sa lahat ng Queen, lahat ng missions niya kahit mag-isa lang e hindi pumapalpak, bukod doon ay nagtataglay din siya ng kagandahan. Boyfi niya ang isa sa Kings. 23 years old.

Maya Faye Delin. Queen of Flower, medyo ma-attitude pero nailulugar niya naman 'yon, ma-attitude lang siya kapag hindi niya bet ang kausap niya. Petite at maganda din. 23 years old.

Alora Vivianne Herrera. Queen of Diamond. Half sister ni Ate Aislinn, hindi sila magkasundo, as in sa lahat ng bagay pero pinagpapasensyahan nalang siya ng ate niya. She's the meanest of all Queens. 21 years old.

Lishanna George Buenavista. Queen of Heart, siya naman ang pinakamahinhin. Siya ang pinakanacu-cute-an ako. Halos lahat ng kilos niya kase e malumanay pero may paninigurado ang bawat hakbang na gagawin. 22 years old.

And then the Kings.

Lincoln Mcardroughn. King of Spades, isa sa mga tropapits ko. The best ang isang to dahil galante at mahilig din manlibre kagaya ni Hans. 25 years old.

Lionel Mcardroughn. King of Flower, kapatid ni Lincoln. Kung si Lincoln e magastos sa pera, ito naman e ubod ng kuripot. 24 years old.

Hervey Nathaniel Giordan. King of Diamond, siya ang boyfi ni Ate Aislinn at kapatid ni Seavey. 24 years old.

Jordan Alexander Medina. King of Heart, hindi ko din to masyadong kaclose dahil sa kaseryosohan sa buhay at suplado. 25 years old.

And at last, the Aces.

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now