Chapter 13

36.4K 621 3
                                    

Chapter 13: Yesha's Suitor


Samantha's Pov

Nakapangalumbaba lamang ako habang pinapanood ang mga kasambahay namin na tumutulong sa pag-aayos sa gaganaping party sa birthday ko.

Naghahanda na ang lahat para sa birthday ko bukas, kahit ako ay hindi maipagkakailang naeexcite rin.

Once I turned 18, marami na ang pwede kong gawin na hindi na kailangang magtago pa.

"Anak, what do you think about this?" Pinakita sa akin ni mommy ang iPad niya, picture iyon ng isang gown, kulay pula iyon at elegante.

"Hmm, ang ganda niyan mommy, kaso parang hindi akma ang kulay ng gown sa theme ng party." Nguso ko, Blue and White kase ang theme ng birthday party ko.

"I know, baby. Sinabi ng designer na pwede naman daw ibahin ang kulay, we can turn that into blue." Aniya at tumango nalang ako.

"Sige, My. Ikaw na ang bahala." I giggled.

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "Ang baby ko, dalaga na." Wika niya na ikinatawa ko.

"Mommy naman, matagal na kaya akong dalaga, nagwawal-wal na nga e." Sabi ko at tumawa.

"At isa pa yan, tigil tigilan mo na yan, Sam. Nako, maraming namamatay sa alak! At saka, baka kapag lasing ka ay may manamantala sayo."

I just smiled at her. "I know my limits, mom. And ako? May mananamantala sa akin? Baka hindi nila ako kilala?" Pagyayabang ko at pinakita ang kamao ko. "You know me, mom. I'm not cheap para payagan sila na hawakan man lang ang dulo ng kuko ko."

"Hay, o' siya, oo na. Ikaw na." Sabi niya at tumawa, umalis na din siya para tumulong sa pagdedesign.

•••

"Dale!" Tawag ko sa lalaking naglalakad palabas ng gate ng school, he's wearing our school uniform, kahit uwian na ay mukha parin siyang malinis at mabango.

Lumingon ito sa akin at tumigil sa paglalakad kaya nanakbo ako palapit sa kanya. "Bukas ah? Punta ka, ikaw escort ko." Nakangiti kong paalala sa kanya.

"I don't think I can attend. I'm busy." Aniya at akmang tatalikuran na ako nang hawakan ko ang braso niya at ipaharap muli sa akin.

"Dale naman e, minsan lang naman to. Sige na, please? Huwag mo akong biguin." Nakanguso kong wika. Macute-an ka sakin, Dale. Batas ako.

Bumuntong hininga siya. "Fine."

Abot langit ang ngiti ko dahil don. "Yey! Aasahan ko yan, ha? Hihintayin kita! Bye!" Kumaway ako sa kanya at nagtatakbo na papunta sa sasakyan namin.

•••
Yesha's Pov

Ano bang magandang iregalo sa babaeng yon? Halos lahat naman kase ng bagay na mamahalin ay meron na siya.

Kasalukuyan kaming apat na namimili ng panregalo para kay Sam. Syempre hindi namin siya isinama.

"May naisip na akong iregalo kay Sam! Hiwa-hiwalay muna tayo girls, okay? Doon lang ako." Ani Sandra at pumunta sa kung saan.

"Ako din, may titignan lang ako." Si Ashley at nawala na rin.

"Doon naman ako, Yesh." Si Thea naman.

Mabuti pa sila may naisip nang panregalo kay Sam.

Mag-iikot ikot nalang muna ako.

Habang nag-iikot ikot sa mall ay napansin ko na parang may sumusunod sa akin. Lumingon ako sa likod ko at may lalaki doon, naka black shirt at black pants, white shoes. May suot pa itong mask kaya hindi ko mamukhaan.

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now