Chapter 29

15K 355 15
                                    

Chapter 29: P.T



Samantha's Pov

He's acting cold.

Napakalamig na ng pakikitungo niya sa akin dahil lang sa hinala niya. Kakaibang kirot ang nararamdaman ko sa tuwing binabalewala niya ako.

"Dale, sandali, hindi ka ba muna kakain?" Tanong ko sa kanya habang naghahain ng umagahan namin. Sa halip na sumagot ay naglakad lang siya palabas ng bahay, he's wearing his uniform, didiretso na siya sa school ng hindi ako kasama. Napabuntong hininga na lamang ako at mag-isang kinain ang niluto ko.

"Sam! Bakit hindi mo kasama si Dale?" Iyan ang tanong ni Yesha sa'kin nang makita ako na mag-isang naglalakad papunta sa room. Tipid na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya at dumiretso sa upuan ko ngunit may nakapagpatigil sa'kin, nakaupo si Dale sa tabi ni Eya, mukhang masaya sila habang nag-uusap. Pinigilan kong maluha sa nakita, naupo na ako sa upuan ko at pilit hindi pinapakinggan ang mahinang hagikhikan ng dalawa.

Teka. Bakit nandito si Dale? Hindi ba't sa kabila ang room niya? Huwag mong sabihin na pumunta talaga siya rito para lang makipaglandian kay Eya? This is insane.

"Really? Oh my god, I missed Tita Beth, too! Tell her na one of these days, bibisita ako sa bahay niyo. But you should be there, too, okay?"

"Hm, sure. She'll cook you your favorite Caldereta," matamis na sagot ng asawa ko kay Eya.

"Really?! Gahd, namiss ko ang mga luto niya! Talagang pupunta ako sa inyo sa lalong madaling panahon!"

"That's great, we'll wait there, I'll call mom later dahil sabik din siya sayo."

Nakakainggit. Sa'kin siya dapat gano'n e.

I hate this. I'm strong, hindi ako basta bastang napapaiyak ng kung sino maliban sa mga magulang ko. Pero nag-iba 'yon nang makilala ko siya. Ang sakit lang na ngayong hulog na hulog na ako sa kan'ya, nagkalabuan naman kami. Kung kailan na baliw na baliw na ako sa kan'ya, ngayon naman niya pinaramdam na wala akong halaga sa kan'ya.

"Pst, Dale! Tara na sa room, parating na si Ma'am!" Isang tawag ang nakapagpatigil sa dalawa na magharutan, si Blake.

"Alright, sasabay ako sa inyo mamaya," ngumiti pa si Dale kay Eya bago siya tuluyang umalis.

"Oh my gosh! Nagkakamabutihan na uli kami ni Dale, Sam! Sheesh! Kinikilig na ako kahit na isipin ko palang na magiging kami na!" Yan ang bungad sa akin ni Eya matapos lumipat ng upuan sa tabi ko, ngumiti na lang ako sa kan'ya.

"Girl, bakit hindi mo sitahin 'yang asawa mo?" Bulong sa akin ni Ashley habang naglalakad kami papunta sa cafeteria. Paano ba naman ay magkasabay na naglalakad 'yung dalawa, nakalingkis pa ang kamay ni Eya sa braso ng asawa ko.

Gustong gusto ko silang paghiwalayin pero siguradong magagalit sa akin si Dale.

"Hayaan mo na, friends lang naman sila," sabi ko nalang.

"Friends? Seryoso? Friends? Hambalusin kaya kita d'yan?" Tinawanan ko nalang siya at pilit tinatago ang sakit na nararamdaman ko.

He ordered his and her food. Sa kanila lang dalawa ang inorder niya, he didn't ask mine. Panibagong sakit na naman ngunit tiniis ko.

"Sam, anong sayo?" Si Yesha, mukhang napansin niya na wala akong balak na umorder.

"Sandwich at coke in can nalang," sagot ko at pinanood siya na umalis at umorder.

Nabalik ulit ang paningin ko kay Dale at Eya na masayang kumakain. Mukhang hindi na nga nila napapansin na nandito kami dahil parang may sarili silang mundo.

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now