Chapter 22

32.2K 894 12
                                    

Chapter 22: Find Out

Samantha's Pov

"Oh my god, Cass!" Usal ko at agad na niyakap ang kawawang kaibigan ko na nakaratay sa hospital bed, may malay na.

"Aray! Ikaw yata ang papatay sa'kin e!" Angal niya dahil sa higpit ng yakap ko kaya agad akong bumitaw.

"Sorry naman 'no, nakalimutan ko lang na masamang damo ka nga pala at hindi madaling mamatay!"

Umirap lamang siya at kumuha ng ubas na nasa lamesa na nasa gilid niya. "Ano bang nangyare? Bat ako nandito?" Tanong niya na parang hindi naalala ang kabruhan na ginawa sa kaniya ng dalawang bruhilda na 'yon.

"Sina Katy at Laurine ang may gawa niyan sa'yo," wika ko at naupo sa upuan na malapit sa kama na hinihigaan niya.

Natigilan pa siya sandali na parang malalim na ang iniisip ngayon.

"Oo, tama. Si Katy at Laurine ang nadatnan ko doon pero ang nagtext sa akin na pumunta doon e si Thea." Tumingin siya sa akin na parang may pinapahiwatig.

"Yan din ang naiisip ko ngayon. Pero kung si Thea nga ang may pakana 'non, hindi ko na alam kung makukumbinsi ko pa ang sarili ko na intindihin lang muna siya dahil hinding hindi ko na siya ngayon maintindihan."

"Pero bakit niya naman ako ipapabugbog sa dalawang 'yon?"

"Malay ko, ako ba si Thea?" Inirapan ko siya at kumuha din ng ubas at kumain.

"Omg, Caaaass!!"

Sabay kaming napalingon sa pinto na kakabukas lang at pumasok doon si Ashley at Yesha na hinihingal pa.

"I'm glad you're now conscious!"

Lumapit ang mga ito upang icheck si Sandra.

"Ayos na nga ako, okay? Ako pa ba e ang lakas lakas ko," ngumisi pa ang luka luka at kung wala lang ito ngayon dito sa hospital e baka nabatukan na siya nitong dalawa.

"Ano ba kasing nangyare? Nabugbog ka daw? Totoo ba 'yon?" Si Yesha.

"Tanga, kung hindi 'yon totoo bat ako nandito?" Pambabara nitong si Sandra at inirapan pa itong si Yesha.

"Makatanga naman 'to! Sabunutan kita dyan e!"

"Wag na nga kayong magulo, ako na ang magkukwento, okay?" Singit ko sa kanila at ibinida na ang mga nangyare kay Sandra.

"What? Si Sir Gordon ang tumulong sayo? Omg ha, something's fishy talaga sa inyong dalawa!" Tili ni Ashley at pinanlakihan siya ng mata ni Sandra.

"Sira! Guro natin 'yon, napakamalisyosa mo."

"Sus, baka mamaya mabalitaan ko nalang na you're dating a teacher na ha? Char."

"Pero wala din namang masama, substitute teacher lang natin si Sir Gordon," ani Yesha kaya pinamulahan ng mukha itong si Sandra.

"Oh, nagkapag-asa naman ang bruha!" Parehas kaming nagtawanan dahil sa itsura ni Sandra na hindi na ngayon maipinta.

***

Kaming tatlo lang muna ang pumasok sa school dahil bawal pa si Sandra na kumilos agad.

Habang naglalakad papunta sa Dean's office ay parehas na kumukulo ang mga dugo namin dahil papunta na din doon sina Katy at Laurine, kasama si Thea.

Sinisikap kong kumbinsihin ang sarili ko na may problema lang siya. Pero sobra na ngayon! She shouldn't hurt Sandra o kahit sino man sa'min! At ganoon din dapat kami pero parang sumosobra na siya.

Natigil lamang kami sa paglalakad nang makasalubong namin yung tatlo. Nakangisi pa yung dalawa habang si Thea ay walang kaekspresyon ang mukha.

"Nakuha niyo pa talagang ngumisi ah? Hoy, Katy! Kung umasta ka parang ang taas taas mo na ah?"

"Mataas naman talaga ako ah?" Sagot naman nitong si Katy at tinignan pa kami mula ulo hanggang paa.

Wow, feel na feel nito ang pagiging reyna ah? Eh bansot lang din naman 'to.

"Tama na, Ash," awat ni Yesha kay Ashley dahil akmang susugurin na nito si Katy.

Lumapit si Yesha kay Thea at seryoso itong tinignan. They were staring at each other na parang nagsusukatan.

"Hindi ko alam kung anong problema mo pero ayus-ayusin mo mga desisyon mo sa buhay, Althea. Hindi ko na nagugustuhan ang mga pinaggagawa mo. Pinalagpas ko na yung pagtalikod mo sa'min pero yung uutusan mo yang mga so-called 'kaibigan' mo na gulpihin si Sandra? Sumosobra ka na." Puno na ng galit ang boses ni Yesha. Of course, sino ba namang hindi magagalit doon?

Tinignan ko ang reaksyon ni Thea. She was like, she wanted to say something pero may pumipigil sa kanya.

She remained silent.

"Pumasok na kayo," nabaling ang atensyon namin sa nagsalita. It is the president of student council. Nasa harap na nga pala kami ng office ni Dean.

Nanguna na kaming pumasok sa loob at naupo sa mga bakanteng upuan na para sa amin.

Noong huli na naguidance kami at ipinatawag sa office ni Dean, magkakatabi pa kaming lima sa upuan and we're facing our enemy.

At ngayon, nandito ulit kami pero iba na, apat nalang kami at ang isa pa sa mga kaharap namin ay si Thea.

"Good morning, ladies. Naireport sa akin ni Mr. Nuevo ang nangyari." Binalingan ng tingin ni Dean si Katy, Laurine at Thea. "Kindly explain why you did that?"

"Hindi maganda ang samahan namin, Dean. At nagbanta rin sa amin si Cassandra na aabangan niya raw kami kaya inunahan nalang namin siya," walang modong sagot ni Katy, she crossed her legs then smirked at us na parang hindi natatakot sa mga pwedeng mangyari.

Napaka kapal talaga ng mukha ng babaeng 'to.

Kung wala lang si Dean dito ay baka binasag ko na ang mukha niya.

"Hindi pa rin maganda ang ginawa niyo. Alam niyo bang pwede kayong maexpell dahil dyan?" Ani Dean sa tatlo. "Dahil sa ginawa niyo ay maaaring masira ang reputasyon ng unibersidad natin!"

"But that's not our fault, actually. It's Thea, she told us na abangan daw namin si Cassandra sa kanto at doon namin siya tirahin. Sumunod lang naman kami sa kanya," singit naman ni Laurine.

We looked at Thea who doesn't have any emotions at all.

"Is that true?" Tanong ni Dean at napako ang tingin kay Thea.

Nakita ko pang medyo siniko ni Laurine si Thea para sumagot.

"Yes, Dean," malumanay na sagot niya.

My god! This is impossible!

"Pare-parehas parin kayong mali so you three will be punished." Dean looked at us. "You may now go, ladies."

Tumango kami at nagpaumuna na ako sa labas.

"Hindi parin ako makapaniwala. Si Thea? Uutusan yung dalawang hukluban na 'yon na abangan si Sandra? Gosh!" Ani Ashley habang naglalakad kami pabalik sa room.

"Something's wrong," mahinang usal ni Yesha kaya napatingin kami sa kanya.

Yeah, sa tingin ko din.

"And we need to find out what's wrong. Hindi parin ako naniniwala, Thea has her reasons at kailangan nating malaman 'yon. Let's not give into her actions."

Sabay sabay kaming tumango sa sinabi ni Yesha. She's right. We just need a little more patience.

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now