Chapter 7

43K 552 5
                                    

Chapter 7: The Badass is back





Dalawang linggo na ako dito sa Abanzur. Nagugustuhan ko na din dito pero hindi ko mapigilan na mamiss ang mga kaibigan ko. I really really miss all of them. Gusto ko nang gumala kasama nila!

"Sam! Good news!" napalingon ako kay tita na kakapasok lang sa kwarto ko. "Nakumbinsi ko ang mommy at daddy mo na ipatigil ka na sa pagtatrabaho! And bukas na bukas pinapauwi ka na nila! Hindi naman sa pinagtatabuyan kita okay? Ayaw ko lang na matigil ka sa pag-aaral at gusto kong mapabuti ka Sam, so please.. be a good girl na ha?"

Ano daw? Uuwi na ako? Uuwi na ako samin? Waah!!

"Tita, thank you!! And I will, tita!magiging good girl na ako!" Agad ko siyang niyakap nang mahigpit. "You really are the best, tita! I love you!"

"Nako! Wala yon, sulitin mo na ang araw mo ngayon dito dahil bukas e aalis ka na din."

Tumango ako ng mabilis at nagbihis agad ako ng pang-swimming.

"Gustong gusto ko talagang magswimming tita! Mauuna na ako!Thank you ulit, tita ko na pretty!" Pahabol ko pa at tatakbong lumabas.

"Woohoo!" sigaw ko at tatalon na sana para mag dive sa tubig nung may marinig akong sigaw mula sa likod.

"Hey! Argh, you're ruining the view so get out!" Boses iyon ni Zoey. Hinarap ko siya at hindi nga ako nagkamali, kumukuha siya ng mga litrato ng dagat.

"Ang laki laki ng space oh! Papansin ang maarte'ng to," sabay irap ko at lumusong na sa tubig.

Enjoy na enjoy akong magswimming nung may naramdaman akong titig. And there, I saw Anton, looking directly at me.

Anong problema ng lalaking to?

Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagswimming doon.

Ganito ang gusto ko, maligamgam lang ang tubig dagat. Ang sarap sa pakiramdam.

Hindi kalaunan ay umahon na rin ako dahil baka umitim naman ako.

"Uuwi ka na pala?" Biglang salubong sa'kin ni Anton na may hawak na towel at ibinigay iyon sakin. Nalaman siguro niya kay tita.

Kinuha ko ang towel na hawak niya at ipinampunas ko ito sa'kin. Ramdam ko pa ang pagtitig niya sa bawat galaw ko.

"Oo, kaya wag mo kong mamimiss ha?" Natawa nalang ako sa reaksyon niya sa sinabi ko.

"Hindi ah! Tss, kailan ka babalik?"

"Oh! Kita mo na! Hindi pa ako nakakaalis e tinatanong mo na ako kung kailan ako babalik. Masyadong halata na mamimiss mo talaga ako."

"Oo na! Miss na kung miss. Mamimiss ko talaga yang kakulitan mo! Kailan ba kasi ang balik mo?"

Nakakapanibago ang lalaking to. Dati e ayaw na ayaw sakin tapos ngayon e parang ayaw na niya akong paalisin dito. Char.

"Ewan? Sigurado namang bibisita ulit ako dito dahil ang lugar na ito ay perpekto'ng lugar para magrelax. Busy akong tao e."

"Sus, kaya naman pala ang inatupag mo lang e ang pagbubulakbol."

"Hindi na no! May iba akong inaasikaso! O' sige na, magpapaalam pa ako kina Oli e. Babush!" Tumakbo na ako pabalik sa hotel habang naka balabal sakin ang tuwalyang binigay sakin ni Anton kanina.

"Waaah! Bakit ang bilis? Huhu. Sino na ang magiging kakampi ko nyan dito? Wag ka na kasing umalis!" Atungal ni Oli nang sabihin ko sa kanya na uuwi na ako sa'min.

"Ano ka ba, nandyan si Karina no! At saka, wala namang mang-aaway sayo dito," natatawa kong usal at niyakap siya. Sa maikling panahon na nakasama ko si Oli, napalapit na din siya sakin. Kaibigan na ang turing ko sa kanya. "Text text nalang tayo, okay?At babalik din naman ako dito." Humiwalay na rin ako sa yakap namin.

"Sige na nga! Basta itetext mo ko lagi at bibisita ka dito ha?" Nakangusong sabi niya.

"Oo naman! Sige na, mag-iimpake muna ako ng mga gamit ko. Maaga pa ang alis ko bukas e."

Nagpaalam na rin ako sa iba kong kasama, nakita ko pa si Mrs. Piero na nakatingin sakin pero inirapan niya nalang ako at umalis. Napailing iling nalang ako dahil hindi ko talaga yata siya makakasundo.

Kinabukasan ay maaga akong gumayak. Si Anton ang naghatid sakin papunta sa bayan, doon kase naghihintay yung driver namin na ipinadala ni daddy.

"Bye Tonton! See you next time!" Pagpapaalam ko sa kanya habang kumakaway at papasok sa loob ng sasakyan namin.

"Tsk. Wag ka nang magpapasaway sa mga magulang mo!" Tangi'ng sabi niya lang.

Nginitian ko siya at nag thumbs up. "Yeap. Pero hindi ko masisiguro na lagi ako'ng good girl!" Tatawa tawa kong sabi kaya napailing iling na lamang siya.

Kumaway pa muli ako sa kanya hanggang sa umandar na ang sasakyan namin. Napapikit nalang ako at napangiti.

Sa wakas, makakauwi na ako. Party people, here I come.. AGAIN!

Ilang oras lang ang lumipas ay nakarating na din ako sa bahay. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay sinalubong agad ako ng mga maid, kinuha nila ang mga dala ko.

"Nasan sila mommy?" Tanong ko at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.

"Nasa kompanya po ma'am, kaaalis lang po," sagot niya at dineretso na yung mga gamit ko sa kwarto ko.

"Ano? Hindi ba nila alam na ngayon ako darating?" Tanong ko pero imposible naman dahil pumayag na sila na itigil ang parusa sakin. Napabuntong hininga na lamang ako at umiling iling.

Kinuha ko ang phone ko at agad na dinial ang number ni Yesha.

"Hoy, pandit! Buti naman at tumawag ka na!" Bungad niya sa akin.

"Pagod na pagod ako no, pero sabik ako sa bar ngayon. Arat mamaya ha?Kita tayo sa tapat ng Robinsons," sabi ko habang naglalakad papunta sa kwarto ko. "Sige na, magpapahinga lang ako saglit. Sabihan mo sila Ash ah? Babush!" Binaba ko na ang tawag at sinalampak ko ang sarili ko sa kama. "Haaay, sa wakas. Nakabalik na rin." Ilang saglit pa ay bumigat na ang talukap ng mata ko at doon na ako tuluyang nakatulog.

Nagising na lamang ako sa pag ring ng phone ko. Tinignan ko ang oras at 7:30 na pala ng umaga.

"Hello?" Inaantok pa na sagot ko dito.

"Shutangama ka talaga, Samantha Jade Emanuel! Akala ko ba magbabar tayo kagabi? Hindi ka man lang sumasagot sa mga text at tawag ko!"

"Ay shuta, sorry nakatulog ako! Argh, babawi nalang ako. Pagod na pagod kase ako sa byahe kaya natuluyan na ang tulog ko. Kita nalang tayo mamaya sa school."

"Papasok ka na? Hay, buti naman!Naiinis na kami sa pangungulit ng mga manliligaw mo dito no!" Natawa nalang ako sa sinabi niya. Hindi na rin humaba pa ang pag-uusap namin dahil kailangan ko pang mag-ayos.

I started with my morning rituals. Mabilisan akong naligo at nagbihis. Naglagay lang ako ng powder sa mukha ko at kaunting liptint sa labi ko. And there, I'm totally back.

The badass of all badass.

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now