Chapter 2

70.6K 1.1K 17
                                    

Chapter 2: Abanzur Elotica

Samantha's Pov

"Saan ka na naman galing?" Seryosong tanong ni mommy na nasa harapan ko ngayon habang ako naman ay nakaupo sa couch namin habang nakayuko.

"Samantha naman! Kelan ka ba titino? Ang dami na naming problema ng daddy mo tapos dadagdag ka pa!" Sigaw niya pa kaya napapikit nalang ako.

"Dapat dyan e pinaparusahan e, ipadala natin si Samantha doon sa probinsya ng lola niya para magtanda yan don!" Agad na napaangat ang ulo ko sa sinabing yun ni daddy.

"Talaga dad? Sige po! Miss na miss ko na si Lola e," sabi ko na para bang excited pa. Nagkatinginan silang dalawa ni mommy.

"No, hindi natin siya ipapadala doon," sabi ni mommy kaya napa 'yes' ako sa isip ko. Hindi ko naman talaga gusto don sa probinsya dahil sobrang hina ng signal don! Tapos bihira pa yung mga bar at club, tss, boring place. Sinabi ko lang yung kanina dahil kapag umangal ako, paniguradong ipapadala talaga nila ako don.

"Edi dun nalang sa resort ng tita niya, pagtatrabahuhin natin doon si Samantha for eight months."

"What?! No dad! Paano na yung pag-aaral ko? Hindi ako makakapagtapos ngayong school year kapag nagtrabaho ako!" Angal ko dahil totoo naman yun.

"Hindi ka naman talaga makakapagtapos ngayong school year dahil puro bagsak ang grades mo," sabi ni mommy na nakapagpayuko sa akin.

"Sa ayaw at sa gusto mo, pupunta ka ng resort bukas." At saka sila umalis. Napasandal nalang ako sa kinauupuan ko ngayon at napapikit. Ano na ang gagawin? Ayokong magtrabaho, ang gusto ko lang ay mabuhay ng malaya, yung lahat ng bagay na gusto kong gawin at maranasan ay magagawa ko. Papaano na yan ngayon? Haaay. Everything is fvcked up. Damn it.

***
Nilibot ko ng tingin ang lugar na pinagdalhan sakin nung driver namin. What the hell? Saan ang resort dito? E puro puno lang naman yung nakikita ko dito. Don't tell me itinakwil na ako nina mommy at daddy?

Iiyak na sana ako nang may magsalita sa likod ko.

"Miss Samantha Emanuel?" Napalingon naman ako dun at nakita ko ang isang matangkad, macho at gwapong lalaki.

"Samantha 'Jade' Emanuel." Pagtatama ko sa kanya at diniinan pa yung name ko na 'Jade'. Mahina lang siyang natawa kaya napairap ako.

"Ako ho si Anton, inutusan ako ni nanay na sunduin ko daw po kayo." Sabi niya kaya agad kong inihagis sa kanya yung bag ko dahilan para mapa daing siya. Tss, bakla yata to.

"Ano bang lugar to? Akala ko ba resort yun e bakit parang gubat naman yata ito?"

"Nandito po kayo sa Abanzur Elotica." Tanging sagot nito at nauna ng maglakad. Argh, maglalakad talaga kami?

"Teka! Wala ka bang sasakyan na dala? Sasakit ang paa ko nito kapag naglakad pa ako!"

"Wala ho ma'am, magubat po kase dito kaya hindi na makakadaan dito ang sasakyan, sumunod nalang po kayo sakin at wag nang mag inarte, pa takong takong ka pa po kase e." Sabi niya at nagpatuloy lang sa paglalakad. Aba't! Baliw to ah!

***

Wow, just wow. Ang ganda! Grabe, kung noon ko pa nalaman na may ganitong resort ang tita ko edi sana matagal na akong pumunta dito!

Grabe naman kase, halos maihahambing na ang lugar na to sa salitang 'paraiso'. Yung kulay ng dagat, medyo color green hindi dahil sa lumot, kundi dahil sa linis non!Tapos yung buhangin, puting puti!White sand! Marami pang ganitong lugar dito sa Pilipinas pero ito na yata yung the best. May mga cottage din na cute ang mga style, tapos..waaaah!Sobrang laki nung hotel!

"Ma'am?" Natigilan naman ako nung may biglang magsalita sa gilid ko.

"Oh? Ano na naman?"

"Baka po pwede'ng pumasok na po tayo sa loob? Mainit po dito sa labas at sayang ang mala-porselanang kutis mo." Sabi niya na pinasadahan pa ng tingin ang kabuoan ko. Inirapan ko lang siya at nauna ng maglakad sa kanya papasok sa loob ng hotel na iyon.

"Samantha Jade Emanuel." sabi ko dun sa receptionist na agad tumingin dun sa computer. Ilang segundo lang ang hinintay ko.

"Room 204, ma'am. Pakihintay nalang daw po si Señora Angie doon sa room." Nakangiti nitong sabi na ang tinutukoy ay yung tita ko. Tumango nalang naman ako at naglakad na papunta dun sa elevator, kasunod parin yung Anton na yon.

"Nasan ba si tita?" Tanong ko sa kanya pagkapasok sa elevator.

"Aba'y malay ko po, magkasama tayo'ng dalawa kanina kaya hindi ko siya nakita." Sagot niya na ikinainis ko.

"Alam mo? Naiinis na ko sayo, kanina ka pa e!" Inis na sabi ko pero tinawanan niya lang ako. "Tch, impakto."

***

"Hi, Sam! Omg! I missed you!" Nakangiti kong niyakap si Tita.

"Namiss din po kita!"

"Jusko, ang laki laki mo na! Ang ganda mo at ang sexy pa! Manang mana ka talaga sakin!" Sabi niya at tumawa naman kaming pareho.

"Oo nga pala, sabi ng daddy mo e magtatrabaho ka daw dito? Bakit?Siguro may ginawa ka na namang hindi maganda no! Ikaw talaga, kahit kelan napakapasaway mo."

Tumawa lang ako. "Hindi tita ah, si daddy kase e..nagbar lang naman kami ng mga friends ko tapos pinupunish niya agad ako."

"Hay nako, mabuti na din yun no! Para magtanda ka, at saka, hindi naman yun yung unang beses na nagbar ka, halos araw araw mo kaya yung ginagawa! And to remind you sweetheart, 17 ka palang. Wala ka pa sa tamang edad para pumunta ka sa mga ganon'g lugar." Pangangaral niya sakin, at katulad ng ginagawa ko, pasok sa isang tenga, labas sa kabilang tenga. "O'siya siya,halika na dun sa baba para makapagdinner na tayo." Sabi niya kaya sumunod na agad ako dun dahil nagugutom na din ako.

"Kamusta naman ang pag-aaral mo, Sam?" Tanong ni tita habang kumakain kami.

"Ayos lang naman po." Pagsisinungaling ko dahil kung makikita mo yung card ko, lumalagapak na palakol ang sasalubong sayo.

"Wag mo kong lokohin, Sam. Kilala na kita."

Napatawa naman ako. "Alam mo naman na pala tita e! Syempre ganon parin, puro palakol." Tatawa tawa kong sabi pero seryoso lang si tita kaya tumigil agad ako.

"Sam, hindi pwedeng lagi nalang na ganito. Paano ka makakapagtapos ng pag-aaral niyan?"

"E mukha nga'ng pag-aaral ang tatapos sakin tita eh." Pagbibiro ko pa. "Biro lang, makakapagtapos naman ako tita e. Pangako!"

"Sus, pano? Gagamitin mo yung pera ng dad mo? Nako, Samantha, subukan mo lang talaga at gegerahin kita sa inyo."

"Hindi sa ganon'g paraan tita! Grabe ka naman sakin, kahit papaano naman kase e may natututunan ako sa mga lectures ng Prof namin. Ang kaso lang e pagdating na ng mga quizzes at exams, parang nawawala lahat yung mga nalalaman ko kaya ganon."

"Alam mo? Alam ko yung solusyon dyan e." Sabi niya na ikinacurious ko.

"Ano'ng solusyon tita?"

"Tigilan mo na yang pagiging sutil mo, sundin mo yung mga magulang mo, wag ka ng mambubugbog, at higit sa lahat, umalis ka na dyan sa grupo niyo." Seryoso niyang sabi.

"Eh? Tita naman! Hindi ko kaya yun!"

"Kaya mo, Sam." Tumitig siya sakin. "Ayaw mo lang. Hihintayin mo pa bang mapahamak ka bago ka tumigil dyan? O baka naman hihintayin mo pang madamay ang mga mahal mo sa buhay?" Sabi niya na lubos na tumatak sa isipan ko.

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now