Chapter 4:

55.7K 947 18
                                    

Chapter 4: Savi




"Bumalik ka na doon sa pwesto mo! At kapag hindi mo inayos ang trabaho mo, sasabihin ko na to sa kay Ma'am Angie! Maliwanag?" Nakahinga ako ng maluwag nung matapos ang napakahaba niyang sermon kanina.

"O-opo, pasensya na po ulit," sabi ko at dali dali'ng umalis dun. Talaga kasing nakakatakot si Mrs. Piero. Napakastrict niya, kahit na isang maling galaw mo lang ay mapapansin ka agad niya. Mabuti nalang at hindi niya nalaman yung tungkol sa pagbigay ko ng maling order kanina sa isang customer.

"Uy, kamusta? First day na first day e napagalitan ka na agad ni Mrs. Piero," natatawang sabi sa'kin ni Oli nung magkasalubong kami.

"Oo nga e, nakakainis kase yung Zoey na 'yon, akala niya naman e uurungan ko siya."

"Baliw ka, hindi mo ba kilala si Miss Zoey? Isa 'yung kilalang model sa buong Pilipinas! At isa siya sa mga galanteng customer dito sa resort, "sabi niya na hindi ko man lang kinabigla.

"So? E ako? Kilala niya ba?" Sabi ko at tumawa lang si Oli.

"Sino ka nga ba, Sam? Magkaka level lang naman tayong mga staff dito. Mga mahihirap na kahit papaano ay may pinag-aralan naman." Ngumiti nalang ako sa kanya, ayaw ko namang magyabang sa kanya na anak ako ni Thomas Emanuel III, ang may ari ng Emanuel Corporation. Isa sa sikat na korporasyon dito sa Pilipinas. Busy'ng tao ang daddy ko kaya hindi kami ganoon masyadong nakakapagbonding. Kaya ganito, nagrerebelde ako. Gusto ko lang naman ng atensyon e, kahit na hindi din makakabuti sakin ang pagrerebelde. Alam kong mali, but that's the only way to get the attention of my parents. Nagkaroon na ako ng matataas ng grades pero hindi nila yun pinapansin at binibigyan lang ako ng pera para icelebrate yun with my friends. Kaloka diba? Yun na ang cycle ng buhay ko dati, ang magpa impress sa mga magulang ko kahit na ramdam kong hindi nila yun naaappreciate.

Pagkatapos ay doon ko na yun narealize, na hindi sapat yung pagpapa impress ko sa kanila. I always get in trouble at sinasadya ko yun, pero sa halip na pag-aalala ang matanggap ko? Sermon lang, and they always compare me with other girls na anak ng mga kaibigan nila, na kesyo mas better yun kase masunurin sa magulang, masipag mag-aral, mabuting anak.

Gusto kong tumutol don, gusto kong sabihin na ginawa ko yung best ko para sa kanila pero hindi nila yun pinapansin. Puro kamalian lang ang napupuna nila sakin. Gusto kong sabihin na sila din ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Pero ano nga bang magagawa ko?Kahit naman sabihin ko yun e mas lalala lang, mas sasama lang ang tingin nila sakin.

I wish I have a brother or a sister. Naiinggit ako sa iba, may ate at kuya sila na nagtatanggol sa kanila, pinupunasan yung luha kapag may masamang nangyare, may nagbibigay ng payo kapag may problema at ang huli, may masasandalan sila kapag nasa punto na kung saan hindi na kaya.

Nakakainggit, ni isa kase nun wala ako eh. May mga magulang ako pero nasa trabaho ang atensyon nila. Naiintindihan ko naman na para sakin din yung mga ginagawa nila pero paano naman yung ikakasaya ko? Ang gusto ko lang naman ay kahit minsan mapansin nila e.

Sabi nga sa kanta sa Moana, 'I wish I could be the perfect daughter'. Relate na relate ako dyan.

Pero naniniwala ako na darating din ang araw na iyon, na sa akin na ang atensyon nila. Yung pupurihin nila ako sa mga magagandang bagay na nagawa ko, papagaanin ang loob ko kapag may problema. Ang sarap siguro sa pakiramdam non, sana lang ay nababasa nila ang nasa isip ko. Para malaman nila na mahal na mahal ko sila at atensyon lamang nila ang tanging hangad ko.

At sana lang, kapag nangyare yun, ay hindi pa huli ang lahat.

"Huy! Bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong hindi maganda?" Natatarantang sabi ni Oli na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now