Chapter 5

49.3K 988 29
                                    

Chapter 5: Obsess



"Papunta na nga!" Inis kong sabi nung kumatok na naman si Anton sa pinto ng room ko. Kanina pa siya pabalik balik, kesyo hinihintay na ako dun nina tita. Like ano bang ginagawa ko?Ginagawa ko na nga ang lahat para mas mapabilis pa ang pagkilos ko e. Napakaatat talaga nitong damuhong to.

"Wow, mahigit sampung minuto ka nang nag-aayos Miss Samantha 'Jade' Emanuel. Ang tagal tagal mo!Malamang ay inip na inip na ang mga bisita ni Ma'am Angie!" Sigaw niya na halata ang pagkairita sa boses.

Siraulo ba to? Ten minutes palang nga e. Mabagal na 'yun para sa kanila?

"Eto na nga! Mas napabilis sana ako kung hindi ka katok nang katok!" Binuksan ko naman na ang pinto at masamang tumingin kay Anton na natigilan nung makita ako. "Oh?Ano pang tinutunganga mo dyan?" Nakataas ang kilay na sabi ko.

"W-Wala. Halika na!" Bigla niya nalang akong hinila palabas doon sa room ko.

"Aray ko! Makahila ka parang puputulin mo na braso ko ah!" Inis kong sambit at pilit na inaalis yung kamay niya na nasa braso ko pero hindi niya 'yun inalis. Halos magkanda-dapa dapa na ako dahil sa bilis nang paglalakad niya.

"Nandito na po si Miss Emanuel ma'am Angie," usal ng bruho na 'to. Ngumiti nalang ako kay Tita at naupo dun sa isang bakanteng upuan. May dalawang lalaki at isang babaeng kasama dun si Tita pero hindi ko pa nakikita ang mukha nila dahil nga busy ako sa pagtingin ng masama kay Anton.

"Oh, Sam. Gusto nga pala kitang ipakilala sa ating mga bisita," nakangiting wika ni Tita kaya nakangiti kong nilingon ang mga bisita niya.

Natigilan ako nang mamukhaan kung sino ang mga ito.

Si Dale. Oo, si Dale 'yong isa. Bakit ba napakagwapo niya sa kahit anong suotin niya? Katulad ngayon, naka plain shirt siya na retro green at white beach shorts. Medyo magulo pa ang buhok niya na nakapagpadagdag sa kagwapuhan niya.

Sa tabi niya naman, parang biglang kumulo ang dugo ko.

Si Zoey, yung nakaaway ko sa resto na sobrang arte. Marami akong kaartehan sa katawan pero hindi naman kagaya niya.

Kung ganoon ay kasama pala siya sa mga bisita ni Tita. Tss.

Sa kabila naman ni Zoey ay isang lalaki. Natigilan ulit ako dahil namumukhaan ko siya.

Oo, Tama! Yung lalaki kanina! Paanong nangyare na isa siya sa mga bisita ni Tita?

"Sam, this is Skyler Dale Smith, Zoey Hermoza, and Savi Dan Smith, magkapatid sila ni Dale." Pagpapakilala ni Tita sa kanila. Tumango na lamang ako at sumulyap ulit ng tingin kay Dale.

"Dale, Zoey, Dan, si Samantha, pamangkin ko." Nakita ko namang nagulat dun si Zoey da maarte.

"What? Pamangkin mo siya? Then what the hell is she doing in the restaurant?" Nakataas ang kilay niyang tanong. Tss, halata namang drawing lang yung kilay niya. "Bakit siya nagtatrabaho doon?"

Tanging ngiti lamang ang binigay sa kanya ni tita.

"None of your business," nakangiti kong sagot sa kanya. Pinanlakihan ako ng mata ni tita pero nginitian ko lang din siya.

Nakita ko naman ang pagkairita sa mukha niya pero pinilit niya parin'g ngumiti pabalik sakin. "Okay."

Nagsimula na rin naman kaming kumain at palitan lang kami ng plastic na ngiti ni Zoey. Akala niya ba uurungan ko siya? Hindi porke bisita siya ni tita e magpapatalo na ako sa kanya. Walang Emanuel na nagpapatalo. Walang Emanuel na talunan.

"Hi, Jade!" Tawag sakin ni Dan. Nginitian ko naman siya.

"Hello, Savi."

Kamukha'ng kamukha niya si Dale. Parehas silang gwapo, mas matangkad nga lang ng kaunti si Dale sa kanya. And for me, of course, si Dale ang mas lamang.

Habang kumakain kami ay patuloy ang pag-uusap nila about sa business, habang ako e nakapirmi lang sa upuan at ineenjoy ang pagkain. Paano ba naman, ang mga nakahanda sa harap ko ay ang mga paborito kong seafoods! Makakalimutan ko pa yatang nagdadiet ako. Argh.

"Uh-huh. I'll do my next photoshoot here in your resort. Matagal ko na rin actually na pinaplano 'yon pero hindi natutuloy dahil laging may nahahanap na ibang lugar yung manager ko. And now, ako naman ang masusunod. Isn't that a big opportunity for you and for your resort? Surely, maraming darayo rito sa resort niyo dahil makikita nilang nagphotoshoot dito ang pinakasikat na model." Pagyayabang ni Zoey na ikinairap ko.

Ano bang pinagsasabi ng babaeng to?E talaga namang dinarayo ang resort ni tita at proof na dyan na maraming tao dito ngayon lalo na ang mga turista.

"Yes, of course. Free'ng free ka na magphotoshoot dito sa resorts," sagot lamang ni tita. "Oo nga pala, Dale. Kamusta na ang parents mo? Bakit parang hindi na sila napapa-pasyal dito?" Tanong naman ni tita kay Dale.

"They're kinda busy right now, marami silang inaasikaso. But I'll remind them to visit here again."

Ilang oras pa sila'ng nag-usap doon bago matapos. Hay! Sa wakas, makakaalis na din dito. Nakakaurat nang makipag-irapan dito sa Zoey na ito.

"Mauuna na ako, tita. Maaga pa ang trabaho ko bukas e. Good night!" Pagpapaalam ko at saka tumayo na sa upuan ko.

"I'll get going too," biglang tayo rin ni Dale at naunahan pa akong umalis. Aba, agaw eksena, ganon?Hmp. Pasalamat siya lalabs ko siya. Agad akong sumunod sa kanya at sinabayan siyang maglakad.

"Masyado na kitang nahahalata Dale ah, mukhang sinadya mong umalis na rin doon para makasama ako," pagtutukso ko sa kanya sa sarili ko, imposible pero malay mo nalang diba? Kahit na sa imahinasyon ko nalang.

"Tsk, in your dreams," sagot niya lang at mukhang naaasar na agad sa akin, at syempre hinding hindi mawawala ang pag-irap niya.

Para siyang babae.

Napatitig nalang ako sa mukha niyang nakatagilid sakin habang sabay parin kaming naglalakad. Naka half run na rin ako dahil sa bilis ng paglalakad niya.

"Alam mo? Ang gwapo mo. Crush na yata kita," nakangiti kong sabi dahilan para matigilan siya sa paglalakad kaya tumigil din ako. Mukhang hindi na siya nagulat sa sinabi ko dahil sa ekspresyon na ipinapakita niya ngayon. Mukhang naiinis pa nga siya.

"Will you stop being obsess with me?" Aniya na ikinalaglag ng panga ko.

Like, what? Obsess? Obsess who? Ang kapal ng apog ng lalaking ito. Ang lakas ng loob niya na tawagin akong obsess sa kanya ha? Umamin lang naman akong crush ko siya! Argh!

But, er anyway. Obsess naman talaga ako sa kanya. Obvious naman.

"Why? Masama ba? Sa pagkakatanda ko sa research ko, wala ka namang girlfriend. And I don't have a boyfriend. So what's the problem with that? We're both single," ngingisi ngisi kong sabi at nagtataas baba pa ng kilay.

Tinignan niya lang ako na parang nandidiri.

"You? As my girlfriend? That sucks, ayoko sa maingay. Ayoko sa kagaya mong madaldal, ayoko sa babaeng makulit. Lahat lahat sayo, ayoko. So stop liking me," utos niya at naglakad na muli papunta sa hotel.

Napabusangot nalang ang mukha ko.

"Hey! Ansama mo! I'm not that bad! I'm not noisy! Well, medyo pero hindi naman lagi!" Pahabol ko pang sigaw pero nakapasok na siya sa loob ng hotel.

Argh, wala na akong nagawa kundi ang panoorin siya na nawawala na sa paningin ko.

Napangisi na lamang ako. "Soon, you'll be obsess with me too more than I do."

Forced Marriage ✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن