Chapter 32

15.1K 414 27
                                    

Chapter 32: Pagsuko




Samantha's Pov

He's here.

What is he up to? Nandito ba siya para manggulo?

Pumikit ako ng mariin at pagkamulat ko, wala na siya roon. Baka namamalikmata lang ako. Argh, gutom lang 'to. Ano ba? Hindi ko naman siya namimiss para maghallucinate na nandito siya ngayon. Tss.

Nang mailagay na nung babae lahat ng pinamili ko sa malalaking paper bag ay umalis na rin ako. Bigat na bigat ako habang dinadala 'yon, nasobrahan yata sa dami ang mga pinamili ko.

"Miss? Do you need some help? That looks heavy," sabat bigla ng lalaking nasa gilid ko. Amerikano ito at sobrang gwapo. Shet.

"Nakikita mo na ngang mabigat diba? Tapos magtatanong ka pa kung mabigat," pakipot ko pang sabi.

"Uh, what?" Nakalimutan ko yata. 'Kano nga pala itong lalaking 'to, bat ko 'to tinatagalog?

"Ah, I mean, yes I need help." Binigay ko sa kan'ya lahat ng paper bag na dala ko, mukhang nabigatan siya room at nagsising tinulungan pa ako.

"Can you bring that to my car? It's right there on the parking lot," usal ko habang naglalakad papunta roon, nakasunod lamang siya sa akin.

"Y-yes, sure. What's your name?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya at hinanap lang ang kotse na dala ko, hindi naman ako nahirapan don. "Here, you could put it there." Binuksan ko ang pinto ng backseat at nilagay naman niya ang mga 'yon doon.

"I'm Lavander," pakilala niya nang mailagay niya na ang lahat ng paper bags sa loob ng kotse. "And you?"

"Nice name. I'm Samantha, single but not available, not open for suitors, sorry." Natawa siya sa dire-diretso kong pagsasalita.

"Wow, straight forward. I like that."

"I really need to go, Lav, see you next time. Thank you for helping me!" Pumasok na ako sa loob ng kotse upang hindi na siya makaangal pa. Baka tanungin niya pa kung saan ako nakatira, ilag na talaga muna ako sa mga lalaki, maliban nalang syempre sa mga boy friends ko.

"Nag grocery lang po, La," sagot ko kay Lola nang tanungin nito kung saan ako nanggaling.

"May pumuntang lalaki kasi rito at hinahanap ka," aniya habang tinutulungan ako na ayusin ang mga pinamili ko.

"S-sino raw po?" Bumilis ang tibok ng puso ko. Posible nga ba na nandito siya ngayon.

"Hindi niya sinabi e, kaibigan mo raw siya."

Si Hans? Si Kliff? Seavey? Hervey? Lincoln?

Hanggang sa pagtulog ay binabagabag ako ng sinabi ni Lola. Iniisip ko pa rin kung sino 'yung lalaking pumunta raw dito at nagpakilala na kaibigan ko.

Hindi ako mapakali kaya't tinawagan ko si Kliff , nakatatlong ring muna bago niya ito sagutin. "Oh?"

Wow, gandang bungad.

"Nagpunta ka ba rito sa States? Nandito ka ba ngayon? O di kaya ay si Hans, si Seav, si Hervey, si Lincoln? O sa kung sino man sa T.C?"

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now