Chapter 25

19.7K 343 11
                                    

Chapter 25: Made it



Samantha's Pov

Maayos naman ang lahat. I and Dale are officially living in the same roof. Our marriage is still hidden, kumbaga hindi pa alam ng lahat. We kept it as a secret katulad ng sabi ng parents namin.

Si Dale naman laging sinusumpong, paminsan minsan sweet tapos minsan masungit. Hay, ewan ko don. Pasalamat talaga siya love ko siya.

Ayos na sana e, kaso paminsan minsan lang siyang umuwi sa bahay namin. Hindi ko nga alam kung saan saan yun nagpupunta, alam ko naman na hindi siya nambababae dahil first of all, hindi siya babaero, nakakapagtaka lang talaga kung saan siya pumupunta pagkaalis sa school. Hindi rin nga kami nagsasabay sa pag-uwi 'e, pinapauna lang niya akong umuwi pero kapag papasok na sa school, sabay na kami.

Binalewala ko nalang rin 'yon.

I received a text message.

From: Kliff

hq asap

Napakunot ang noo ko doon. Ano na namang meron at kailangan na naman naming pumunta sa hq?

Nagbihis nalang ako at agad na pumunta doon.

"Anong meron? Bat may pameeting?" Tanong ko pagkarating ko don.

"Kilala mo ba talaga yang inasawa mo?" Diretsong tanong sa akin ni Kliff.

Yes, alam nila ang mga nangyayare sa buhay ko.

"Anong klaseng tanong yan? 'E syempre naman, aasawahin ko ba 'yon kung hindi?"

"Hindi niya 'yon kilala, pwersahang kasal nga diba?" Singit nitong si Hans kaya inirapan ko siya.

"Hindi pwersahan yon para sakin 'no, gustong gusto ko nga 'yon e."

"Eh gusto ba naman niya?" Pambabara pa niya.

"Manahimik ka nga 'dyan kung ayaw mong tumilapon sa kinauupuan mo," badtrip kong sabi at naupo na doon sa upuan ko. "So ano ngang meron?"

"Yung kaibigan mo, yung Thea, napag-alaman ko na miyembro siya ng Xcience," si Kliff.

"What?! But how?!"

Shit. Hindi ito maganda. Ang dami na nga naming problema tapos ngayon ay sumali pa siya sa grupong 'yon.

"Nagtataka nga lang ako 'e, isa rin siya sa may mataas na posisyon.. including your so-called 'husband'."

"WHAT? DALE? ALSO IN XCIENCE?"

I can't take this anymore. Bakit kasali sila 'ron? Hindi dapat 'to mangyare. I should talk to Dale.

"Yes, Sam. And please, wag mo muna 'tong sabihin sa asawa mo dahil hindi pa natin alam kung kakampi ba sila o kalaban dahil kapag sinabi mo 'yan sa kanya, matutunugan nila na pinag-aaralan natin sila."

He's right. Hindi dapat ako magbasta basta. I'll just wait for Dale to open up with me.

Tumango ako sa kanya. "Sige."

"And one more thing, Thea's dad is dead."

That made me stop. Thea's dad is dead. Oh my god. She really has a problem kaya siya nagkakaganon!

"At ang suspetsa niya ay tayo ang pumatay sa tatay niya," si Hans naman ngayon ang nagsalita.

"Wait, ano? Bakit? We can't do that! Or did you?" Tinignan ko silang lahat.

"Hindi namin 'yon ginawa, alam namin ang background ni Mr. Villasper so why would we do that? Hindi ko pa alam kung bakit tayo ang pinaghihinalaan niya pero maghahanap ako ng kasagutan. Sa ngayon, 'yan muna, you may go,"

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now