Chapter 30

13.4K 405 24
                                    

Chapter 30: Run Away



Samantha's Pov

Hindi na naman siya natulog sa bahay.

Araw araw naman pero hindi pa rin ako nasasanay. Tuwing wala siya ay nag-oover think ako na baka magkasama sila ni Claudette at may milagrong ginagawa. Umuuwi naman siya minsan e hindi niya naman ako pinapansin, pero ngayon sisiguraduhin ko na sa akin talaga siya.

Nag-ayos ako, siniguro ko na maganda ang pagkakalagay ng make-up ko na minamatch ang yellow dress ko. At nang masiguro kong presentable na ako, pumunta na ako sa school, doon lang naman kami nagkikita e.

Papasok palang ako sa gate nang makita ko si Blake kaya tinawag ko siya.

"Blake! Nakita mo ba kung na saan si Dale?"

Mukha siyang hindi mapakali. "H-ha? Eh, hindi ko kasi alam e.." sagot niya. Napakunot ang noo ko, alam ko kung nagsasabi siya ng totoo o nagsisinungaling lang. At sa itsura niya..

"Nasan si Dale?"

He gulped but then, he answered. "N-nandoon sa likod ng school."

Dumiretso na ako doon. May tumubo na namang kaba sa dibdib ko ngunit isinawalang bahala ko iyon. Ilang hakbang nalang ang lalakarin ko para makapunta sa sinabi ni Blake ngunit may pumigil sa akin, may humawak sa braso ko.

"Sam! Gusto mo ng carbonara?" Si Blake 'yon. Bakit ba mukhang tarantang taranta 'to?

"Ano bang nangyayare sa'yo, Blake? Gusto ko ngang makausap si Dale, may importante akong sasabihin sa kan'ya," sambit ko at maglalakad na ulit sana nang pigilan na naman niya ako.

"Spaghetti! Gusto mo ng spaghetti?"

Inalis ko na ang kamay niya sa braso ko. "Ano ka ba? Ayaw ko, okay? I'm pregnant! At si Dale ang ama ng baby ko kaya kailangan naming mag-usap!" Sa sinabi kong 'yon ay natigilan siya. Binilisan ko ang paglalakad ko para hindi na niya ako masundan pa, hindi na rin naman siya sumunod.

Ngayon, nasa likod na ako ng school ngunit wala naman akong nakikita. Nilibot ko ang paningin ko at natigilan nang mapansin ang isang babae at isang lalaki na naghahalikan. Kitang kita ko 'yung babae, it's Claudette. At ang lalaki, alam ko ang likod na 'yon, likod ng taong pinakamamahal ko.

Para akong pinagsakluban ng mundo. Ano ba ang nagawa ko at pinahihirapan ako ngayon ng ganito? Dahil ba sa pasaway ako dati?

Biglang nawala lahat ng pag-asa na namuo sa akin. Para akong nawalan ng lakas, ngayon ko naramdaman 'yung pagod sa paghabol sa kan'ya. Akala ko maipapanalo ko na, ngunit ito na nga, isinasampal na sa akin ng katotohanan na si Claudette ang mahal niya, hindi ako. Ano nga ba ang laban ko sa babaeng 'yon? They know each other when they're just kids, hanggang ngayon. At ako? Pilit lang naman ang kasal namin. At siguro 'yung mga inaakto niya sa akin dati, pakitang tao lang 'yon, hindi niya talaga ako mahal.

Parang tinusok ng paulit ulit ang puso ko dahil sa sakit at kirot na nararamdaman ko, tinakpan ko ang bibig ko ng kamay upang hindi nila marinig ang mga hikbi ko.

Paano na ako ngayon? May anak kami.. gusto kong ipaglaban ang karapatan ko para sa amin ng anak ko pero ano pa ba ang saysay non? Si Claudette ang mahal niya, kahit na malaman niya na may anak siya sa akin, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman niya.

Forced Marriage ✓Where stories live. Discover now