Chapter 11

985 40 3
                                        

Yesha's P.O.V.

Tinawagan ko ang kaibigan ko dahil may usapan kaming magsimba mamayang alas 5:00 ng hapon.

Inasikaso ko muna si mommy at ang mga pangangailangan nito dahil apektado pa rin ito sa pagkawalan nito ng trabaho. Bandang alas 9:00 ng umaga lumabas ako ng bahay para mamalengke ng pwedeng lutuin sa tanghalian. Si Ayesha ay kanina pa umalis dahil may pupuntahan daw ito.

Pagkalabas ko ng gate halos lumundag ang puso ko sa gulat nang makita ang taong ayaw kong makita.

"P-paano mo nalamang dito ako nakatira?" tanong ko kay Dylan na nakatayo pa sa harapan ng gate namin.

"Gusto sana kita maka---"

"Kung hihingi ka ng tawad kalimutan mo na lang iyon. Wala na sa akin iyon basta ‘wag na lang tayong magpansinan." agaw ko sa sasabihin nito.

"I know, I was wrong. And I’m really sorry." sigaw nito ng tinalikuran ko ito.

Napahinto ako sa paglalakad pero hindi ko ito nilingon.

"Pakiramdman ko kasi kailangan kong humingi ng sorry, dahil alam kong mali ‘yong ginawa ko. I know hindi ko na mababago iyon that's why I'm here to make it up with you." seryosong sabi nito. Pero talagang inis na inis ako rito kaya hindi rin madaling patawarin ito.

"Kung tapos ka na, aalis na ako dahil marami pa akong dapat gawin ngayong araw." malamig kong tugon.

"Nandito ako para punan ang mga maling nagawa ko, to show you that I was sorry."

Hindi ko pinansin ang sinabi nito at naglakad na patungong labasan pero sunod nang sunod pa rin ito. Hindi ko na lang ito pinansin dahil ayaw kong makipagtalo rito.

Sumakay ako sa dumaang jeep. Nagulat na lang ako ng sumakay rin ito at tumabi pa sa akin. Kumuha ako ng bayad at iniabot sa driver. Napansin ko rin ang pagdukot nito ng one thousand bill sa bulsa nito.

"Tingin mo may barya ang driver na gano’ng kalaking pera?" sita ko rito.

"I’m sorry, first time ko kasing sumakay ng jeep. Isa pa wala akong barya." paliwanag nito.

"Itago mo na ‘yan, ako na ang magbabayad." sabi ko.

Pagkababa ko ng jeep sumunod agad ito pati sa loob ng palengke.

Damihan ko kaya ang bibilhin total may tagabitbit naman ako. Palihim akong napangiti sa kalukohang naisip.

"Patawad po. Patawarin mo na ako manang," tumawad ako sa binili kong isda.

"Dahil gwapo ‘yang boyfriend mo sige patatawarin kita." nakangiting sabi ng tindira.

"Naku po. Hindi ko po boyfriend ‘yan ‘no." sagot ko.

"Kayo talagang mga kabataan mahilig mag-deny kahit halata naman." dagdag pa nito.

Hindi ko na lang ito kinontra ulit dahil parang ayaw naman nitong maniwala habang nahuli naman ng mga mata ko ang pagngiti ni Dylan.

Infairness mas gwapo ito kapag ngumingiti.

Ito ang nagbitbit ng lahat ng pinamili namin. Sa rami ba naman niyon iwan ko lang kung hindi manakit ang kamay nito. Bumili kasi ako ng isang kilong isda, baboy at manok. Bumili rin ako ng mga gulay at limang-kilong bigas. Kaya nahirapan ito kung paano dalhin lahat ng iyon.

"Mag-taxi na lang kaya tayo? Mukhang mahihirapan tayong makasakay dahil puno lagi ang mga jeep." sabi nito habang naghihintay kami sa mga dumadaang jeep.

Nakita kong pawisan na ito dahil sa tagal naming nakatayo roon, dagdag pa na may mga dala ito dagdag pa ang tumitirik na sikat ng araw.

Pero kahit pawisan ito bakit parang fresh pa rin ito tingnan? Isa pa amoy perfume ang pawis nito samantalang ako parang lantang gulay na.

"Kung gusto mo ng umuwi pwede ka ng umalis hindi naman kita pinipilit na samahan ako." pagtataray ko.

Hindi ito sumagot. Maya-maya ay may dumating na jeep na may bakante pa kaya nakasakay kami.

Pagdating namin ay pinapasok ko ito ng bahay para ilagay ang pinamili namin. Nagulat pa si mommy nang makita ito.

"Naku Yesha, anong ginawa mo r’yan sa kasama mo?" nag-aalala itong tumingin kay DJ na naliligo na yata sa pawis.

"Ilagay mo rito sa mesa ang mga dala mo hijo." sabi ni mommy sabay abot dito ng isang baso ng malamig na tubig at face towel. Agad naman nitong ininom ang tubig at dinagdagan pa ng dalawang baso. Siguradong uhaw na uhaw ito sa dami ng pawis na inilabas nito. Ginamit naman nitong pamunas sa pawis ang bimpo.

"Halika rito sa salas tayo mag-usap." yaya ni mommy kay DJ.

"Mom. Uuwi na po siya, ‘di ba DJ?" sabi ko habang pinagdilatan ito ng mata.

"Tumigil ka Yesha. Ganyan mo ba tratohin ang bisita natin?" sita ni mommy

Wala na akong nagawa kung ‘di ang maglagay na lang sa predyeder ng mga pinamili namin.

Dylan's P.O.V.

Nakaupo ako sa sofa ng salas kasama ang mommy ni Yesha. Mabait ito at maganda. Pasimple kong tiningnan ang paligid ng bahay. Malinis iyon at katamtaman lang ang laki.

"Ano nga pala ang pangalan mo hijo? Kaibigan ka ba ng anak ko?" tanong nito

"Dylan po. Hindi po ako kaibigan ni Yesha ako po ang may ari ng boutique na kung saan siya nagtatrabaho."

"Aba’y amo mo pala ito. Bakit mo naman pinagbuhat?" tanong nito sa anak na nag-aayos ng pinamili namin. Magkarugtong lang kasi ang salas at kusina kaya makikita namin ito.

"Mom hindi ko naman po siya pagbubuhatin kung hindi siya ang kusang loob na nagbuhat niyan." pairap na sagot nito.

"Ako naman po talaga ang nag-offer." nakangiti kong sagot.

"Maraming salamat kung gano’n. Dito ka na mananghalian para makapagpasalamat naman kami ng maayos." yaya nito.

Hindi na ako tumanggi dahil alam kong pipilitin pa rin ako nito. Iyon kasi ang nababasa ko rito.

"Yesha, pahiramin mo nga ng t-shirt itong si Dylan basang-basa ng pawis ang damit." sabi nito

Hindi naman nagreklamo ito at agad na pumasok sa isang kwarto na hula ko ay kwarto nito. Lumabas din ito agad dala ang t-shirt na kulay puti at binigay sa akin. Pumasok ako ng banyo para isuot iyon.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now