Yesha's P.O.V.
Magkahawak kamay kaming sabay na pumasok ni Dylan sa loob. Agad kaming dumeretso sa mesa kung saan nandoon ang mga kaibigan namin.
"Anong ibig sabihin sa pagkahawak na kamay na iyan." pasimuno ni ate Lauren. Inaasahan ko ng tutuksohin ako ng mga ito kaya idinaan ko na lang sa ngiti.
"May aminang nangyayari." sigunda ni Kate.
"Nag-yes na ba pare?" tanong ni Zyrus na umakbay pa kay Dylan.
Natatawang kinuha nito ang kamay ni Zyrus sa balikat nito at itinaas ang magkahawak na mga kamay namin.
"Guys, finally she said, yes." naluluhang sabi nito.
"Wow! Yes sa kasalan na ba ‘yan?" Kate.
"Mayro’n na ba akong hihintaying pamangkin?" Lauren.
"Kung papayag si Yesha." kinurot ko si Dylan dahil bigla akong nahiya sa harap ng mga kaibigan.
"Nahiya yata si Yesha namumula oh." Kate.
"Tama na ‘yan mahiyain kasi ang star ko." Dylan.
"Ano raw? Star daw oh. Ano ‘yon si starla?" tawanan na naman ang lahat sa sinabi ni Zyrus.
"Bakit maganda naman ang star ko. Kapag may mang-asar pa puputulan ko ng dila." banta ni Dylan na ikinatahimik naman ng mga lalaki.
"Oo naman DJ maganda ang star mo, kaya ‘wag na ‘wag mong sasaktan dahil ikaw ang puputulan namin ng alaga kung sasaktan mo ang kaibigan namin." sabi ni Kate na ikinatawa na naman nila.
"E, ano pala tawag sa ‘yo ni Yesha? Planet o sky?" Natatawang tanong ni Zyrus.
"Syempre moon, dahil we are connected with each other ‘di ba star ko." sagot ni Dylan.
Bakit ba everytime na binabanggit nito ang salitang star bakit ako kilig na kilig.
"Wow, moon daw oh." Zyrus.
"Connected daw?" Kate.
"‘Pag kami ikinasal, lahat ng nang-aasar hindi invited." natatawang sabi ni Dylan.
"Bakit kaya tumahimik ang star natin?" Clark.
"Siguro dahil pinagod ni Dylan." tawanan ulit.
"Yesha, humanda ka mamaya sumbong kita may mama." sabi ni Ayesha. Alam kong nagbibiro lang ito.
Napuno ng asaran, tawanan at tuksuhan ang usapan namin. Pero sa puso ko napakasaya ko ng araw na iyon dahil sa wakas nagawa ko ring labanan ang takot ko at tinanggap sa puso ko ang lalaking pinili nito.
"Star ko. Kain na tayo," yaya ni Dylan sa akin.
"Sige moon ko. Nagugutom na rin ako." sabay na kaming tumayo at kumuha ng makakain.
Pagkatapos naming kumain inilibot ako nito sa buong bahay.
"Moon. Siya ba ang mommy mo?" tanong ko pagkakita sa larawan ng isang magandang babae habang kalong nito ang isang batang lalaki na na sa limang taon pa lang ang edad. Nakapatong ito sa pahabang plorera na na sa salas.
"Yeah. And this is me. Mas close kami ni mommy kay sa ni dad. Kaya sobra ang lungkot ko ng sumama ito sa lalaking iyon." biglang nalungkot ang mukha nito pero may halong galit.
"Galit ka ba sa mommy mo?" ako.
"Aminin ko na kahit galit ako sa kanya mahal ko pa rin siya. Pero ang lalaking iyon. Hanggang langit ang galit ko dahil kung hindi siya dumating sa buhay ni mommy siguro kompleto pa kami ngayon. Mapapatay ko talaga ang lalaking iyon kapag nagkita kami. Hinding-hindi ko makalilimutan ang pagmumukha niya." galit na sagot nito.
"Moon. Pwede bang ‘wag ka ng magalit at malungkot? Alam mong espesyal ang araw na ‘to kaya dapat ‘wag natin sirain." sabi ko.
"I'm sorry star. Bigla akong nawala sa sarili." Dj.
"I'm sorry rin dahil tinanong ko pa sa ‘yo ang about sa mother mo." ako.
Hindi na ito sumagot kung ‘di hinapit ako nito sa baywang para magdikit kami. Sabay naming tinitingnan ang larawan na iyon.
"Halika na, balik na tayo sa kanila." yaya ko.
Bumalik na nga kami roon. Nagkwentuhan pa kami hanggang isa-isa ng nagpaalam ang lahat dahil lumalalim na rin ang gabi.
"Ihahatid ko na kayo ni Ayesha. Gusto ko rin kasing pormal na magpakilala bilang boyfriend mo sa mama mo." Dylan.
"Sige moon ko. Para welcome ka na rin sa bahay anytime. Mabait naman si mommy e, kaya alam kong approve sa ‘yo ‘yon." Pampalakas ng loob ko rito.
"Sang-ayon din ako Dylan." Ayesha.
Sumakay na kaming tatlo sa kotse nito matapos makapagpaalam kay ate Lauren.
Sa harapan ako sumakay sa tabi ni Dylan. Tahimik lamang kami ni Ayesha habang na sa biyahe, habang si DJ ay pakanta-kanta. Mas lalo tuloy akong nainlove sa boses nito at sa lyrics ng kinakanta nito kahit hindi ko alam ang pamagat.

YOU ARE READING
Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)
ActionIsang boyish na babae si Yesha Dhel Gonzales at lihim na humahanga sa isang vlogger na si Dylan Josh Fernandez. Upang makita at mapansin ng iniidolo gumawa siya ng paraan para mapalapit dito. Nakapasok siya sa boutique na pag-aari ni Dylan bilang is...