Chapter 40

633 23 1
                                        

Dylan's P.O.V.

Dinalaw ko si Yesha sa bahay nila nang araw na iyon dahil balak ko nang magpropose nang kasal dito. Nababalisa kasi ako at hindi masyadong nakakatulog nang maayos mula noong na prank ako nito. Natatakot kasi akong mawala pa ito sa buhay ko.

Isinama ko si Zyrus para may katulong ako sa pag-aayos nang mga kakailanganin. Ito na rin ang inutosan kong bumili nang mga iilang bagay na kailangan ko sa pinaplano kung proposal. Isinama narin nito sa pag-alis ang kapatid ni Yesha na si Ayesha sa pag-alis.

Marami na kaming napag-usapan ni Tita Karla tungkol kay Yesha nang bumalik ang dalawa. Lumabas kaming tatlo habang si Tita ay nag-pre-prepare magluto para sa tanghalian namin mamaya.

"Samahan niyo akong maghanap ng walong batang lalaki at walong batang babae." sabi ko.

Isa-isa naming ipinares ang mga bata. Ini-arrange ko ang mga ito mula sa labasan patungo sa gate ng bahay ni Yesha. Nakalinya ang mga bata roon.

Ang walong batang babae ang pinahawak ko ng walong balloon na may nakasulat na

Are
You
Willing
To
Be
My
Lawfull
Wife

Habang katabi naman ng mga batang babae ay ang mga batang lalaki na may hawak naman ay ang isang card na may mensahe sa loob at isang white rose na ibibigay kay Yesha, kung dadaan na ito roon.

Habang ang mama nito ay maghihintay sa gate ng bahay at ihahatid ito sa loob ng kwarto ng dalaga, dahil doon ako maghihintay. Napaka-special ng araw na iyon kaya gusto kong maging perfect iyon.

Matapos maihanda ang lahat pumasok na ako sa loob ng kwarto nito bitbit ang mga petals ng rosas na pula. Na sa harap na ako ng pintuan ng kwarto nito nang buksan ko ang isang diamond ring na binili ko para sa araw na ito. Trenta minutos na lang ang hihintayin ko bago dumating ang dalaga. Excited na ako na kinakabahan para sa proposal mamaya.

Pagkapasok ko sa loob agad kong ini-arrange na hugis puso ang mga petals na dala ko kung saan doon ako tatayo sa loob habang hawak ang tarpaulin na may nakasulat na "will you marry me?"

Matapos maisagawa ang plano’y umupo na muna ako sa kama nito at tumingin-tingin sa paligid dahil may labin-limang minuto pa bago ito dumating.

Napansin ko ang isang frame na nakapatong sa drawer sa gilid ng kama nito. Agad kung nilapitan iyon at kinuha para matitigan ko ng maayos. Nangingig ang mga kamay ko nang makita kong sino ang na sa larawan. Walang iba kung ‘di ang taong sumira sa buhay ng pamilya ko. Ang lalaking piniling makasama ng mama ko. Ang ama ng babaeng balak kung pakasalan.

Bigla kong nabitawan ang frame na hawak ko kaya nabasag ito sa harapan ko. Parang namanhid ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Mabilis akong umalis sa kwarto dahil para akong sinasakal sa loob. Wala akong ibang inisip kung ‘di ang makalayo roon. Gusto kong isiping panaginip lang ang lahat.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now