Dylan's P.O.V.
Kauuwi ko lang mula sa bahay ni Yesha. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext ito.
"My star. Tulog ka na ba?" send ko sa kanya.
"Hindi pa my moon." pagkabasa ko ng reply niya, agad ko itong tinawagan. Nakaisang ring pa lang ako nang sumagot ito.
"Kahihiwalay pa lang natin bakit kaya namimis na kita agad." malambing kong sabi. Narinig ko na humagikhik ito sa kabilang linya na ikinangiti ko.
"Moon ko. Ako rin miss na kita agad." sagot nito. Hindi ko alam kung kilig ba ang nararamdaman ko dahil parang kinikiliti ang puso ko.
"Star ko. ‘Wag kang pumasok bukas may gagawin tayo." Ako.
"Ano naman gagawin natin moon ko?" Yesha.
"Gusto ko kasing gumawa ng Blog na kasama ka. Payag ka ba?" Ako.
"Oo naman moon ko basta kasama kita." Yesha.
"Sige star ko, pag-uusapan natin sa personal kung ano ang gagawin natin. Matulog ka na dahil alam kong pagod ka." Ako.
"Sige moon ko. Good night na sa ‘yo." Yesha.
"Teka nga pala. Bukas panoorin mo may i-u-upload akong blog tomorrow morning. Susunduin kita bukas mga alas 3 ng hapon sa bahay niyo para maipagpaalam kita kay tita Karla." sabi ko.
"Sige moon ko. Mag o-open ako bukas." Yesha.
"My star." Ako.
"Hmm." Yesha.
"I love you." Ako.
"I love you too." Yesha.
Ibinaba ko na ang hawak na cellphone matapos kausapin si Yesha. Agad kung kinuha ang laptop para ipagpatuloy ang hindi ko natapos i-edit na video.
Yesha's P.O.V.
Mga bandang alas 8:30 na ako nagising. Pagkabangon ko agad kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan kung may nag-text o tumawag. Mayro’n iyong isang misscall galing kay Dylan. At may tatlong messages. Agad ko iyong binuksan isa-isa.
M1- Good morning star ko. Don’t forget to eat your breakfast. Mag-ingat ka palagi.
M2- Star ko. ‘Wag mong kalimutan manood ng blog ko ha. I love you. Mwaa.
M3- Tulog ka pa rin star ko? Text mo ko ‘pag gising mo ha. Mwaa.
Hala may pa-kiss na siya ngayon ah. Napapangiti na lang ako sa pagbabasa ng mga messages nito. Nireplyan ko ito.
"Moon ko. Gising na ‘ko. I love you too. Panonoorin ko pa lang ang blog mo see yo later." reply ko.
Pagkatapos kong mai-send iyon agad akong nag-search sa internet sa new blog nito. Nagulat pa ako sa caption ‘the star of my life’ agad kong binuksan iyon at pinanood.
"Hello guys, I’m back. I just want to share to all of you, the good things happened to me this past few days. I want you to know the person whom I loved the most. Kaya I hope nai-support niyo siya gaya ng pagsupport niyo sa akin. Her name is Yesha." pagkatapos nitong magsalita sa video isa-isa nitong ipinakita ang mga picture ko na ini-stalk siguro nito sa IG ko. Bawat picture mayro’n itong sinasabi.
1st pic- Those pretty eyes. ‘Yan ang nagpapaalala sa akin na ‘wag na ‘wag kong sasaktan ang babaeng ito. Napakaganda ng mata niya na ayaw mong makita itong lumuha.
2nd- Ang mga labi niya. Ang nagbibigay ng saya sa akin ngayon. Everytime I saw her smile, nakalilimutan ko ang mga problema ko. That’s why I always wanted to paint a smile on her lips.
3rd- Those ears. Those beautiful pair of ears na laging nakikinig sa akin. Kahit anong sama pa ng ipinapakita ko. She's willing to listen.
4th- Those long hair. Napakasarap amuyin. Those sweet scent ang nagpaparelax ng buong isipan ko, tuwing napapasandal siya sa balikat ko.
5th- Those pointed nose of her. Ang sarap halikan, parang sinasabi sa ‘yong ‘wag kang magloko.
6th- At ang pinakagusto ko sa lahat ay ang mga kamay niya. Napakasarap hawakan. Parang sinasabi nitong nandito lang ako at kahit kailan hinding-hindi kita bibitawan.
Nagiging teary-eyed na ako sa video nito. Ang panghuli ay ang video ko noong na sa resort. Nakunan pala nito ang kaseksihan ko.
"Mahal na mahal kita star ng buhay ko. Palagi lang akong nandito para makinig at sumunod sa ‘yo. Hindi man ako perpektong boyfriend. I will always love and protect you." sabi nito habang pini-play ang video. Nagsalita ulit ito para magpaalam na sa huling video nito. Matapos manood. Nagbasa ako ng comments ng mga fans nito.
Estifany- wow ang sweet mo pala Dylan.
Good luck sa relasyon ninyo. Support ko kayo.Thalia- huhu. Taken ka na? Pero okay, lang maganda naman at mabait si miss Yesha. Good luck.
Charm- collab naman po kayo sa next video niyo. Fan na po ako ng relasyon niyo. Kaya support ko rin po kayo.
Ilan lang iyan sa mga nabasa kong comments ng mga fans nito. Masaya ako dahil tanggap din ako ng mga fans nito. Tinawagan ko si Dylan pagkatapos.
"Hello moon ko. Thank you ha. Napaka-sweet mo naman para ipakilala ako." emosyonal kung sabi.
"Marami akong kayang gawin para sa ‘yo star ko. At isa-isa kong papatunayan sa ‘yo kung ga’no kita kamahal." seryosong sabi nito.
"I love you so much." Ako.
"I love you more." Dylan.
Matapos naming mag-usap. Lumabas na rin ako ng silid para kumain.

YOU ARE READING
Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)
ActionIsang boyish na babae si Yesha Dhel Gonzales at lihim na humahanga sa isang vlogger na si Dylan Josh Fernandez. Upang makita at mapansin ng iniidolo gumawa siya ng paraan para mapalapit dito. Nakapasok siya sa boutique na pag-aari ni Dylan bilang is...