Yesha's P.O.V.
Na sa shop na si Dylan pagdating ko. Binati agad ako nito kasabay ng matamis na ngiti. Nag-enjoy talaga ako sa date namin kahapon.
"Kanina ka pa?" ako.
"Kararating ko lang din star ko. Kumain ka na ba?" tanong nito.
"Hindi pa. Sabi mo kasi sabay na tayo mag-breakfast." Ako.
"Good. Halika na kain muna tayo." Dylan.
Isara muna natin ang pintuan baka may pumasok sa loob.
Dinala ako nito sa isang restaurant. Ito na ang nag-order ng breakfast namin. Hindi ko talaga akalain na maging ganito ito ka sweet dahil hindi ko iyon makita sa mukha at kilos nito noon.
"Anong iniisip mo star ko? Bakit ang tamis yata ng ngiti mo?" nahuli nito ang pagngiti ko.
"Wala, naalala ko lang ang date natin. Kailan kaya kita ulit makitang magsuot ng pink na damit? Sana barbie naman." agad itong sumimangot.
"Star ha, tumigil ka sa mga kalokohan mo. Maawa ka naman sa akin. Alam mo namang hindi kita kayang tanggihan." natawa ako sa sagot nito.
Bumalik na rin kami agad sa shop pagkatapos kumain. Naabutan namin sina Zyrus at Clark na na sa labas ng shop siguro ay hinihintay kami.
"Kanina pa kayo? How about Liam and Dwight?" Dylan.
"Kararating lang namin. Sina Liam at Dwight on the way na." sagot ng mga ito. Naisip ko tuloy na may usapan siguro ang mga itong magkita ngayon.
"Star ko. Pasok lang kami sa loob ha?" Dylan.
"Sige my moon. Pero pwede ko bang malaman kong ano ‘yong na sa loob?" inosenteng tanong ko.
Nakita kong nagkatinginan ang tatlo sa tanong ko. Sinenyasan ito ni DJ na mauna ng pumasok. Pagkatapos hinarap ako nito at ipinatong ang dawang kamay sa magkabila balikat ko.
"I don't want to keep a secret from you. Kaya sana ‘wag kang magugulat sa ipagtatapat ko." seryosong sabi nito.
Bigla tuloy akong kinabahan. Sari-saring mga bagay na ang biglang pumasok sa utak ko secret daw e. Hindi kaya drug dealer ito? Adik? Killer? O ‘di kaya alien? Oh no ano ang gagawin ko ‘pag isa ito roon sa mga nabanggit ko.
"Kung iniisip mong killer o drug adik ako nagkakamali ka." sabi nito sabay hila sa akin sa loob hawak ang kanang kamay ko.
Nagulat ako sa nakita sa loob ng kwartong iyon. Hindi pala maliit iyon tulad ng akala ko noon. Napakalaki niyon.
"Welcome to our world Ms. Yesha." narinig kong sabi ni Zyrus.
Sa harapan ko nakasabit ang iba't-ibang uri ng armas. Sa kanan naman naka-display ang iba't-ibang klase ng mga gamit na sa mga spy movie ko lang yata nakikita at sa gitna ay may limang computer na nandoon. Soundproof ang paligid at wala kang makitang kahit isang dumi. Biglang bumukas ang isang pintuan na na sa kaliwa. Hindi ko akalain my pintuang nandoon dahil akala ko isang dingding lang iyon. Pumasok sina Dwight at Liam na halatang nagulat pagkakita sa kanya. Pero hindi ito nagpahalata at naupo sa kani-kanilang upuan.
"This is my secret. Ang kalahati ng buhay ko. Isa akong agent ng NIS na mula pa sa Korea. Tumutulong kami sa mga pulis para puksain ang mga malalaking sindikato o mga teroristang kumakalat dito." paliwanag ni Dylan.
Parang hindi pa rin yata kayang i-process ng utak ko ang mga nangyayari. Naramdaman ko na lang na ginagap nito ang palad ko.
"Will you still love me and accept me?" nagsusumamong sabi nito. Agad ko itong niyakap ng mahigpit nang makabawi.
"Oo naman. Ang astig, alam mo bang bata pa lang ako gustong-gusto ko na ang mga spy. Akalain mo isa pala ang boyfriend ko sa makapagpatunay na totoo pala ang mga agent." walang preno kong sabi.
Nakita kong ang mga ito na naman ang nagulat sa pagbabago ng reaction ko.
"Yesha okay ka lang? Bigla ka yatang sinapian." Clark.
"Oo naman. Basta kung kailangan niyo ng tulong sa mga misyon niyo sabihan niyo lang ako, dahil gustong-gusto ko iyon." masayang sabi ko.
"Mahigpit kong ipagbabawal sa ‘yo ang bagay na yan. Off limit ka sa bagay na ‘yan. Iyon lang ang hinihiling ko sa ‘yo okay? Masyadong delikado ang misyon namin kaya ayaw kong ipahamak ang taong mahal ko dahil lang sa trabaho ko. Naiintindihan mo ba star?" matigas nitong sabi. Parang bata tuloy akong tumango rito.
"Okay moon. Basta mag-ingat ka lang lagi." sabi ko na lang.
"Hatid na kita sa labas dahil may mahalaga kaming pag-uusapan." Dylan.
Pagkatapos nitong maihatid ako sa shop, pumasok na ulit ito sa loob. Maraming gumugulo sa isip ko tulad ng galing nito sa pakikipaglaban gaya rin ni Liam. Ngayon nasagot na ang katanungan ko. Akalain niyo, sino ba ang mag-aakala na hindi lang pala vlogger ang mahal ko, kung ‘di isa ring agent.
Napangiti na lang ako sa mga nai-imagine kong moment na kasama ito. Nag-focus na lang ako sa pagbabantay dahil maya-maya lang dumami na ang pumasok para mamili.

YOU ARE READING
Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)
ActionIsang boyish na babae si Yesha Dhel Gonzales at lihim na humahanga sa isang vlogger na si Dylan Josh Fernandez. Upang makita at mapansin ng iniidolo gumawa siya ng paraan para mapalapit dito. Nakapasok siya sa boutique na pag-aari ni Dylan bilang is...