Clark P.O.V.
Umalis si Dylan para bumili ng kape. Malakas ang pakiramdam ko na mayro'ng nangyari sa dalawa kong kaibigan. Napaisip ako kung bakit nag-iba ang trato ni DJ kay Yesha. Nilapitan ko si Yesha na nakaupo sa may counter.
"Syanga pala Yesha, maiba ako. May kakamabal ka pala?" sabi ko.
"Oo, pa'no mo nalaman?" nagulat ito.
"Nagkasalubong kasi kami sa mall nagtaka lang ako dahil kamukhang-kamukha mo." Ako.
"Ahh. May pagkasuplada 'yon, siguro tinarayan ka." natatawang sabi nito
"Oo nga pala naalala mo 'yong time na lumabas kayong magkasama ni Liam, tapos naiwan dito si DJ?" nakita kong bigla itong nag-iwas ng tingin. Hmm may something.
"O-Oo bakit?" Yesha.
"Kasi nang sinabi kong may kamukha ka bigla siyang namutla. Hindi ka ba nagtataka kung bakit gano'n ang reaction niya?" natigilan ito sa sinabi ko na parang may iniisip.
Yesha's P.O.V.
Napaisip ako sa sinabing iyon ni Clark. Napalingon ako sa pinto nang pumasok si DJ dala ang limang kape.
"Pwede ba tayong mag-usap?" nakita kong nagulat ito sa tanong ko.
"Anong nangyari bakit bigla yatang nag-iba ang ihip ng hangin?" Clark.
"Sige ba." sabi ni Dylan, hindi pinansin ang sinabi ni Clark.
Nagpatiuna akong pumunta sa labas. Sumunod naman ito. Napansin kong nakikiusyoso naman sina Clark at Zyrus mula sa loob ng boutique ngunit hinayaan ko lang ang mga ito.
"May gusto lang sana akong malaman." Ako.
"Ano 'yon?" Dylan.
"Kilala mo na ba ako 3 years ago?" natigilan ito sa tanong ko.
Ilang segundo rin ang lumipas bago ito sumagot.
"Yeah, we went in the same school kaya nakilala kita. Napansin ko kasi na lagi mo akong sinusundan." ako naman ang natigilan at nag-iwas ng tingin. Hindi ko inakalang alam nito ang mga lihim na pagsunod ko rito noon.
"Anong ibig mong sabihin, that you saw me kissing someone before." Ako.
"I think I mistaken you for someone. Sigurado na ako ngayong kapatid mo ang nakita ko noon." pag-amin nito.
Tama nga ang hinala ko na pinagkamalan ako nitong kakambal ko. Noong collage kasi kami lagi kaming napagkakamalan ng mga kaklase namin, lalo na at magkaklase kami at pareho ang suot na uniform.
"Kaya pala. Hindi lang siguro tayo nagkaintindihan." unti-unti ko ng naiintindihan kung bakit gano'n ang reaksyon nito.
"I'm sorry kung hindi ako nag--."
"It's okay, kalimutan na natin iyon. Isang hindi pagkakaintindihan lang iyon." nginitian ko ito.
"Friends?" inabot ko naman ang kamay nito ngunit agad kong binawi dahil parang bigla akong nakuryente sa init na nagmumula sa palad nito.
"Thank you for accepting me as one of your friend. Sana isuot mo 'yong regalong binigay ko." sabi pa nito.
"S-sige."
"Pasok na tayo, baka lumalamig na ang dala kong kape." yaya nito.
Pagkapasok naming ay tahimik lang ang tatlo habang umiinom ng kape. Ang dalawang kapeng natira ay na sa ibabaw ng counter kaya roon na lang namin ininom ni DJ. Nakita kung pasulyap-sulyap sa amin sina Zyrus at Clark si Dwight naman busy sa binabasa.
"Oo nga pala Yesh. Naalala ko noon na sinusundan mo---."
Naputol ang sasabihin nito dahil bigla kong naibuga sa mukha nito ang iniinom kung kape. Nagulat at napatayo ang tatlo sa ginawa ko. Kinuha ko ang panyo na na sa bulsa ko at mabilis na pinunasan ang mukha nito.
"Gumaganti ka ba sa akin?" tanong nito sabay kuha ng panyo sa kamay ko.
Ito na ang nagpunas sa sarili nito na nabasa ng kape na naibuga ko sa mukha nito.
"S-Sorry ginulat mo kasi ako." paumanhin ko.
"Nakagugulat ba 'yong tanong ko kung bakit mo 'ko sinu---." naputol ang sasabihin nito nang dahil sa mabilis kong tinakpan ang bibig nito.
Hinila ko ito sa loob ng CR na na sa tabi lang.
"Halika samahan kitang maghilamos sa CR," pagkapasok doon saka ko pa lang ito binitiwan.
"Gusto mo bang tuksuhin ako ng mga kasama mo kapag nalaman nilang stalker mo 'ko rati?" sabi ko.
Tumawa ito.
"Alright. hindi ko na sasabihin. Pero bakit nga ba?" tanong nito.
Hindi agad ako nakasagot.
"K-Kasi... Dati mo akong fan sa mga blog mo." pag-amin ko.
"Alam ko. Hinihintay lang kitang aminin mo." nanlaki ang mga mata ko sa sagot nito.
"W-Wag mo na sanang babanggitin ulit iyon isa pa nakaraan na iyon." sabi ko
"Hindi mo na ba ako idol ngayon?" tanong nito.
"H-hindi na 'no. W-Wala na akong oras d'yan." nauutal kong sagot.
"Oo nga pala, bakit dito mo 'ko dinala sa loob ng CR? Alam mo bang lahat ng babaeng nagdala sa akin dito. Lumalabas ng walang saplot." bigla ko itong naitulak at saka mabilis na lumabas ng CR.

YOU ARE READING
Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)
ActionIsang boyish na babae si Yesha Dhel Gonzales at lihim na humahanga sa isang vlogger na si Dylan Josh Fernandez. Upang makita at mapansin ng iniidolo gumawa siya ng paraan para mapalapit dito. Nakapasok siya sa boutique na pag-aari ni Dylan bilang is...