Chapter 22

817 29 3
                                        


Yesha's P.O.V.

Nakahanda na ang mesa at parang kami na lang nga ang hinihintay ng mga ito. Sabay-sabay na kaming naupo sa pahabang mesa na nandoon. Adobong manok at sinigang na baka ang luto ng mga ito. Nasarapan ako sa luto kaya naparami talaga ang nakain ko.

Ako na ang nag-volunteer na maghugas ng pinggan. Tinulungan ako nina Liam at Dylan na magligpit. Ang iba naman naming kasama ay na sa salas at nanonood ng TV.  Habang si Lyndi ay nakaupo pa rin sa mesa at nagpapa-cute na tumitingin kay DJ.

Ngunit hindi pa kami nagsisimula at nagkagulo na ang dalawa. Pinag-aawayan ng mga ito kung sino ang makatutulong ko sa paghuhugas ng pinggan.

"Stop. Kung gusto niyong maghugas tapusin niyong dalawa ‘yan." iniwan ko na ang mga ito at sumama sa mga kasamahan namin.

Dylan's P.O.V.

Bigla akong nainis dahil maraming asungot kapag lumalapit ako kay Yesha. Tinapos ko ang paghuhugas ng pinggan. Tinulungan naman ako ni Liam. Nag-isip ako ng dahilan kung paano ko mapapaalis ang mga asungot syempre uunahin ko muna ang mahigpit kung karibal. Pumasok muna ako sa loob ng cr at may tinawagan.

"Hello dad? Pwede mo bang ipasundo si Liam sa resort at bigyan mo siya ng misyon bukas?" si daddy, iyon ang direktor ng NIS sa Korea. Ito ang nagbibigay sa amin ng misyon dito sa Pilipinas.

Napangiti ako ng pumayag ito. Bumalik na ako sa kusina ngunit wala ng tao na nandoon. Dumeretso ako sa salas at nandoon silang lahat.

"Ano ang gagawin natin ngayon?" narinig kong tanong ni Clark nang naglalakad ako palapit sa mga ito.

"Maglaro kaya tayo ng truth or dare?" Zyrus.

"Game ako riyan." sabi ko nang makalapit sa mga ito.

Nagsipayag din silang lahat kaya inusog namin ang sofa para magkaroon ng malaking space sa gina. Gumawa kami ng circle at naupo sa sahig. Nang nakapwesto na ang lahat ay tumayo si Clark at pumunta sa kusina. Nagpasama ito kay Zyrus.

Pagbalik ng mga ito ay may bitbit na itong alak, baso at icecube.

"Syempre hindi makukumpleto ang laro kung walang alak ‘di ba?" Clark.

"Ito ang gagawin natin. Kung kanino haharap ang bunganga ng buti siya ang sasagot sa tanong at iinom ng alak. Bawal ang KJ." Zyrus.

Pumayag naman ang lahat. Bumalik na sa pwesto sina Zyrus at Clark. Si Clark na ang nagpa-ikot ng bote at huminto ito kay Missio.

"Dahil ako ang nagpagulong ng bote, ako ang magtatanong. Truth or dare?" Clark.

"Truth." Missio.

"Nainlove ka na ba?" nagsimula ang kantiyawan ng grupo sa tanong ni Clark.

"Yeah, I think I’m fallin inlove to someone." Missio.

"Pwede bang malaman?" Clark.

"Syempre labas na ‘yan sa tanong mo." sabi nito sabay kuha ng bote at ipinaikot iyon.
Tumama iyon pabalik kay Clark.

"Truth or Dare?"

"Truth." Clark.

"Mahal mo pa ba ang ex mo?" Missio.

"Yeah, hindi nawala iyon." tumahimik ang lahat.

Pinaikot ulit ni Clark ang bote and this time sa akin iyon tumama.

"Truth or dare?" Clark.

"Truth." Ako.

"Sa tingin mo kaya mong maging faithful sa isang babae?" tumingin ako kay Yesha bago magsalita ngunit nag-iwas ito ng tingin

"Yes, kaya kong seryosohin si Yesha." direktang sagot ko kaya nagkaroon tuloy ng tuksuhan.

Pinaikot ko ang bote at tumama kay Liam.

"Truth or Dare?" ako.

"Dare." Liam.

"I dare you to let go of Yesha." nagsukatan kami ng tingin.

"Kung itatanong ko sa ‘yo ang tinanong mo kaya mo?" Liam.

"No." Ako.

"Then, me too." Liam.

Pinaikot nito ang bote at si Yesha ang tinamaan.

"Truth or dare?" Liam.

"Truth." Yesha.

"Kaya mo bang mahalin ang isang playboy kung alam mong pwede ka niyang saktan?" Liam.

Bigla itong tumahimik sa tanong iyon pero sumagot ito.

"Kaya mo bang tumalon sa isang bangin kung alam mong mamamatay ka? My answer is a no dahil hindi ko kayang ipagsapalaran ang buhay ko sa taong hindi mapagkatitiwalaan." sabi nito.

Aaminin kong nasaktan ako sa sagot nito. Ngunit alam kong hindi ko ito masisi. Iinumin na sana nito ang alak nang bigla kung maalala ang sinabi ni Kate na naghuhubad ito kapag lasing. Kaya mabilis kong inagaw rito ang parte nito.

"’Di ba bawal ka malasing? Ako na ang sasalo ng parte mo." nagulat ito sa sinabi ko. Nagpatuloy nga ang laro. Hanggang nakakaramdam na ako ng hilo. Dahil na rin siguro sa dami ng alak na nainom ko. Tumigil ulit sa akin ang bote. Si Kate ang magtatanong sa akin. Truth pa rin ang pinili ko.

Dahil lasing na ako kaya nagiging honest na rin ako sa mga ito.

"Umiyak ka na ba dahil sa isang babae?" Kate.

"Yeah, last month when I forcely kiss someone." sagot ko.

Biglang tumahimik ang lahat na parang ‘di makapaniwalang umiiyak din ako dahil sa babae. Kinuha ko ang bote at pinaikot iyon. Huminto ang bote sa harap ni Yesha. This time ako na ang magtatanong dito.

"Truth or dare?" ako.

"Truth." Yesha.

"Sa tingin mo. Niloloko lang ba kita?" ako.

Hindi ito nakasagot agad. Pati ang mga kasamahan ko alam kong naghihintay rin ng sagot nito.

Yesha's P.O.V

Parang hindi ko kayang sagutin ang tanong nito dahil naguguluhan na rin ako sa nararamdaman ko. Nagbuntong hininga muna ako bago magsalita ulit.

"Naniniwala akong may dahilan kung bakit mahilig kang makipaglaro sa puso ng iba. But if you really like me. Isa lang ang masasabi ko. Convince me hanggang sa maniwala akong totoo ‘yang pagmamahal na sinasabi mo. Para in the end hindi ko maiisip na niloloko mo lang ako." sagot ko sabay sulyap kay Lyndi na na sa tabi nito.

Natapos nga ang lahat sa tanong na ‘yan. Mahigit dalawang oras din kaming naglaro. Nagdecide na kaming matulog dahil nakaramdam na rin kami ng pagod at antok.

Palihim akong sinenyasan ni Lynde na roon matulog sa kwarto ni Liam. Hindi naman ako umangal at doon nga ako dumeretso.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora