Chapter 21

852 27 6
                                        

Yesha's P.O.V.

Nagising ako dahil medyo mabato ang dinadaanan namin. Nakatulog pala ako. Tiningnan ko ang orasan at napagtanto kong isa at kalahating oras pala ang tulog ko. Nilingon ko si Liam tulog na tulog din ito. Nilingun ko rin ang dalawa sa tabi ko. Napagtanto kong nakatingin sa akin si Dylan. Mukhang bagong gising din ito dahil namumula pa ang mga mata nito. Ang katabi naman niyang babae ay nakahilig sa balikat nito at tulog na tulog.

"Alam mo ba kung saan nakapatong ang kamay mo? " tanong nito.

Bigla tuloy akong napatingin sa kanang kamay ko at napagtanto kung nakapatong pala iyon sa hita nito. Mabilis kong kinuha ang kamay ko. Alam kong pulang-pula na rin ang mukha ko sa pagkapahiya.

"If you want to touch it sabihan mo lang ako cause I will let you." bulong nito sa akin.

"Bastos." mahina kong sabi rito. Bigla naman itong tumawa.

Hindi na ako natulog dahil baka saan na naman mapunta ang kamay ko. Napakagulo ko pa namang matulog.

Nakita kong pumikit ulit ito at natulog. Ang bruhang kasama naman nito ay nagising. Pasimple ko kasing tinitingnan ang mga ito sa gilid ng mata ko. Nakaloloko ang ngiti ng babae mukhang may masamang pinaplano.

Hindi nga ako nagkamali dahil gumapang nga ang mga kamay nito mula sa legs ni DJ patungo sa hita hanggang naabot nito ang gustong abutin. Nakita kung nagmulat ng mata si Dylan siguro naramdaman nito ang ginagawa ng babae. Tumingin ito sa akin ngunit nagpatay malisya lang ako na parang walang nakita.

Bigla itong napabalikwas ng upo at mabilis na kinuha ang kamay ng babae.

"Lyndi stop doing that, kung ayaw mong ihulog kita sa sasakyan." narinig kong bulong nito sa babae. Nagiging tsismosa na yata ako.

"Dati naman natin ‘tong ginagawa kahit na sa public places tayo bakit ngayon ayaw mo na?" maarte nitong sabi.

"Shut up," may inis sa boses ni DJ.

Tumigil nga ito. Hindi maipinta ang mukha nitong binaling ang tingin sa bintana ng sasakyan. Parang gusto ko tuloy tumawa sa reaction nito.

Infairness din kay DJ talaga nga yatang pinanindigan na nito ang pagbabago dahil nakuha na nitong tumanggi sa babae. Baka naman pinapakita lang nito sa akin pero mamaya kapag wala ako siguradong maglalampungan ang mga ito. Bahala sila sa buhay nila kahit magsama sila mamaya sa isang silid wala akong pakialam.

Binuhat ko ang isang malaking plastic ng grocery nang makababa ako pagdating sa resort. Medyo may kabigatan iyon dahil nandoon ang dalawang wine. Ang maarteng si Lyndi naman hindi man lang tumulong kahit magdala lang ng isang pastic. Ang inatupag kasi nito ay ang bumuntot kay DJ.

"Why did you bring the heavy one, marami namang magagaan doon." nagulat ako ng biglang kuhanin ni Dylan ang bitbit kung platic bag. Nakita kong sumimangot si Lyndi.

Wala na akong nagawa kung ‘di ang sumunod na lang sa loob. Malaki ang bahay kung saan kami pumasok. Napakalinis at maaliwalas ang paligid. Nagtipon-tipon kami sa salas pagkatapos maipasok lahat ng mga dala at gamit namin.

"Guys, mayro’n kaming tagapangalaga ng resort na ito pero bukas niyo pa sila makikilala dahil umuuwi sila kapag gabi na." Dylan.

"Yeah. Dito kami nagbabakasyong magkapamilya noon, kaya feel free kayong maglibot sa resort. Safe naman dito dahil pribado ito at bawal pumasok ang ni sino." Lauren.

"Mayro’n kaming dalawang malaking kwarto at dalawang average so pa’no ba natin hahatiin?" Dylan.

"Magbunutan na lang tayo kung sino ang magkasasama sa silid." Zyrus.

Sumang-ayon nga ang lahat pero seperate ang lalaki sa babae at ang resulta ay ganito

Big room 1:
Lauren – Kate - Missio
Big room 2:
Zyrus – Dwight - Clark
Small room 1:
Ako - bruha
Small room 2:
Liam - Dylan

Talaga ngang totoo ang power of the mind. Iyon bang kung sino pa ang iniisip mo na ayaw mo makasama siya pa ‘yong makasasama mo. Hays, murphy's law yata ang tawag doon at si Lyndi nga ang binigay sa akin ng langit.

Na sa second floor ang mga kwarto. Isa-isa na kaming umakyat at pumunta sa room na nakalaan sa amin. Pagkapasok namin umupo agad sa kama si Lyndi na nagdadabog pa.

"I don't like sleeping with you. Gusto kong si Dylan ang kasama ko." Lyndi.

"At mas lalong hindi ko rin gustong kasama ka sa isang kwarto ‘no." inis kong sagot sa kaartehan nito.

"Then, help me." napalingon ako rito.

"What do you mean?" takang tanong ko.

"Lalasingin ko mamaya si Dylan, so what you have to do is to sleep in Dylan's room dahil sisiguraduhin kung dito matutulog si DJ." sabi nito.

"Alright, deal." syempre ayaw ko namang nandito ako habang pinapanood ko ang mga itong naglalandian ‘no. Mas gugustohin ko pa ngang si Liam ang kasama ko sa kwarto kay sa sa itong bruhang ‘to.

Pagkababa ko sa salas dumeretso ako sa kusina. Nadatnan ko si Dwight at Kate na naghahanda ng pagkain. Alam kung magaling at marunong magluto si Kate pero nagulat ako na marunong magluto si Dwight dahil wala sa hitsura nito.

"Ano ba ang maitutulong ko?" sabi ko.

"Kaya na namin ‘to sis kaya maupo ka na lang sa salas o ‘di kaya magpahangin ka muna sa labas habang nagluluto kami ni Dwight." sabi nito sabay kindat pa sa akin. Alam ko kasing may crush ito kay Dwight kaya iniwan ko na lang ang dalawa.

Paglabas ko ng kusina nakita ko si Dylan at Lyndi na nakaupo sa salas. Hindi ko pinansin ang mga ito at deretso akong lumabas ng bahay. Narinig kung tinawag ako ni DJ ngunit hindi ko ito pinansin. Tuloy-tuloy lang akong naglakad.

"Hey, kanina pa kita tinatawag." sabay hablot sa braso ko. Nakita kung hindi nakasunod si Lyndi rito.

"Ano namang kailangan mo?" mataray kong tanong.

"Ah e, pwede ba kitang samahan?" DJ.

"Magpapahangin lang ako sa labas at gusto kong mapag-isa." Ako.

Iniwan ko na ito pero nakasunod pa rin ito. Noong una ay tinataboy ko ito pero sa huli ay wala rin akong nagawa dahil mapilit ito.

Naupo ako sa buhangin. Naramdaman kung umupo rin ito sa tabi ko. Maliwanag ang buwan kaya mababanaag ang ganda ng dagat. Tahimik lang kaming nakaupo roon nang bigla itong magsalita.

"Lagi kami rito noong bata pa kami. Masayang-masaya pa ako sa panahong iyon." napalingon ako rito. May mapait na ngiting nakapaskil sa labi nito. Nakita ko mula sa liwanag na buwan ang lungkot na bumalatay sa mukha nito.

"Pwede niyo pa namang gawin ulit iyon." wala sa loob na sabi ko.

Tumawa ito ng mahina.

"Hindi na pwede, dahil sinira iyon ni mama. Kung hindi lang sana siya sumama sa lalaking iyon ay sana masayang pamilya pa kami ngayon." may halong galit ang malungkot na boses nito. Bigla akong nakaramdam ng simpatya rito.

"Sa buhay natin may mga pagsubok tayong dapat pagdaanan. Minsan nadadapa tayo, nalulungkot, iniiwan at umiiyak pero hindi ibig sabihin no’n na hindi ka na pwedeng bumangon, na hindi ka na pwedeng ngingiti, at hindi ka na makatatagpo ng taong mananatili sa tabi mo at higit sa lahat darating din ang time na magiging masaya ka uli. Kaya sana maging matatag ka at matutong magpatawad." seryoso kong sabi habang nakatanaw sa dagat.

"Pwede bang ikaw na lang ‘yon Yesh? Ang taong tutulong sa akin kapag nadapa ako, ang taong mananatili sa tabi ko, ang taong pupunas ng mga luha ko. Sa totoo lang takot akong magmahal pero gusto ko pa ring subukan dahil gusto ko ring maging masaya." seryoso ito aakalain mo talagang nagsasabi ito ng totoo.

Hindi ako nakasagot agad. Tanging hampas lang ng alon ang naririnig mula sa baybayin. Namayani ang katahimikan dahil hindi ko kayang sagutin ang tanong nito.

"Nandito lang pala kayo kanina ko pa kayo hinahanap dahil kakain na."- si Zyrus na bigla na lang susulpot sa kung saan.

Sabay na kaming tatlo pabalik ng bahay. Ang sinabi nito ang laman ng isip ko hanggang sa makapasok kami ng bahay.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now