Yesha's P.O.V.
"Twinny, bakit feeling ko mayro’n akong nakimutan?" tanong ko kay Ayesha ng malapit na kami sa bahay nina Dylan.
"Ano naman iyon?" Ayesha.
"Teka, alam ko na ‘yong mga damit natin naiwan natin sa parlor." bigla kong sabi
"So? Balikan na lang natin iyon bukas." Kalmang sabi nito.
Bigla kong naisip ang kwentas na bigay ni Dylan sa akin noon. Palagi lang na sa bag ko iyon ngunit hindi ko sinusuot. Pero this time kinuha ko iyon sa bag at isinuot sa leeg ko. Napasulyap si Ayesha sa akin pero hindi ito nagtanong.
"Ma'am nandito na po tayo sa address na binigay niyo." sabi ni mamang driver.
Bumaba kami agad pagkatapos magbayad. Napasinghap ako sa humarap ng isang maganda at malaking bahay. Sa labas pa lang makikita mo na ang isang malapad na garden. Puti ang kulay ng bahay na mayro’ng dalawang palapag.
"Twin. Sigurado ka bang ito ang address?" tanong ni Ayesha na halatang nagulat din.
"I think so, kasi nakikita kong maraming tao sa loob." hindi siguradong sagot ko.
Lumapit kami sa isang guard na nagbabantay roon.
"Good evening po. Pwede po magtanong?" ako.
"Ano ‘yon ma'm?" guard.
"Ito po ba ang bahay nina Dylan at Lauren?" ako.
"Yes mam, a-attend po ba kayo sa party? Patingin po ng invitation niyo." sabi nito.
Inabot ko rito ang card na tiningnan naman nito.
Dylan's P.O.V.
Mahigit isang araw ring hindi ko nakita si Yesha. Miss na miss ko na ito. Kinakabahan na rin ako dahil alas 5:30 na ngunit hindi pa ito dumadating. Pabalik-balik akong naglalakad sa may pintuan ng bahay.
"Hey brother, hindi ka ba napapagod sa pagtayo at kalalakad d’yan? Mahigit kalahating oras na kitang pinagmamasdan a." Lauren.
"Wala pa kasi si Yesha." kinakabahan kong sabi. Bigla naman itong natawa.
"Alam mo bang malaki na ang pinagbago mo? Natututo ka na ngayong kabahan dahil sa isang girl ha." sabi nito.
Maya-maya lang ay natanaw ko na ang dalawang babaeng parating kaya hindi na ako nakasagot dito. Bigla akong napangiti ng malapad ng makilala ang mga ito. Sinalubong ito ni Lauren sumunod naman ako rito. Pinasadahan ko ng tingin si Yesha. Simple lang ang suot nito pero bumagay iyon sa hitsura nito. Napakaganda nito kaya parang ayaw kong alisin ang tingin dito.
"Happy birthday ate. Pagpasensyahan niyo na po ‘yang gift namin. At ito nga po pala ang kapatid ko." Yesha.
"Hi po. Happy birthday. " bati ni Ayesha.
"Napakaganda niyo namang pagmasdan na magkasama." nakangiting sabi ng kapatid ko.
Ngumiti naman ang kambal.
"Doon tayo sa loob para makakain na kayo." Lauren.
Sumunod nga ang mga ito sa kapatid ko ngunit pinigilan ko ang kamay ni Yesha kaya napahinto ito.
"Follow me." sabi ko habang akay ito papunta sa garden ng bahay.
Hindi naman masyadong madilim doon dahil may mga dim light na nakalagay sa paligid ng garden, kaya maaninag mo ang paligid. Napansin ko ang pagkislap ng isang bagay na na sa dibdib nito. Napangiti ako nang makita kong ano iyon. Bigla tuloy lumakas ang loob ko.
"Bakit mo ako dinala rito?" Yesha.
"Because I want to talk to you alone." Ako.
"Ano naman ang pag-uusapan natin?" Yesha.

YOU ARE READING
Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)
ActionIsang boyish na babae si Yesha Dhel Gonzales at lihim na humahanga sa isang vlogger na si Dylan Josh Fernandez. Upang makita at mapansin ng iniidolo gumawa siya ng paraan para mapalapit dito. Nakapasok siya sa boutique na pag-aari ni Dylan bilang is...