Chapter 37

629 20 2
                                        

Yesha's P.O.V.

Alas-nuwebe pa lang nang umaga ay na sa harapan na kami ng dati naming University. Agad naman kaming pinapasok ng guard na nagbabantay roon, dahil kilala nito si Dylan.

Dumeretso kami sa classroom nito. Hindi na kami nagtagal doon dahil hinila ako nito sa dulo kung saan nandoon ang room ko no’ng 1st year college ako. Nakabukas iyon at nagulat pa nga ako dahil may nakalagay na bouquet of flowers sa upuan ko. Agad kong pinuntahan at kinuha iyon.

"To my beautiful star. I love you."

Basa ko sa card na kasama ng flower, pagtapos ay nilingon ko si Dylan na na sa likuran ko lang pala. Bigla niya akong niyakap habang nakapatong ang baba nito sa balikat ko.

"Paano mo nalamang dito ako nakaupo?" tanong ko.

"Dahil noon pa man ay gusto na kita, kaya lagi akong dumadaan dito para masilip ka lang. Feeling ko kasi parang may kulang kapag hindi kita makita ng isang araw." paliwanag nito.

Na sa pinakalikod at pinakagilid nakaupo si Ayesha noon kaya hindi siguro nito napapansin ang kapatid ko.

"Paano mo naman ako nakilala?" malambing kong sabi.

"Nang nag-start mo kong i-follow sa social media." nakangiti nitong sabi.

"So, nagustohan mo ba ako dahil finallow kita noon?” ako.

"No. Nagustohan kita when I first saw your profile picture. Tapos napansin kong palagi mo akong binubuntotan. Pati sa paglalaro ko ng basketball, nakasunod ka rin." sabi nito.

"Alam mo lahat nang ‘yon?" halos lumaki ang mga mata ko.

"Yes, at aaminin kong masaya ako sa pagsunod-sunod mo sa ‘kin dahil palagi kitang nakikita." Dylan.

"Halika nga. Punta tayo ng gym," sabi ko sabay hila sa kamay nito papunta sa gym. Kinuha ko ang isang bola sa loob ng cart at hinagis ito kay DJ.

"Laro tayo ng basketball." nakangiti kong yaya rito.

"Oh? Ako pa talaga hinamon mo? So, ano ang makukuha ng mananalo?" DJ.

"Hmm. Ano kaya ‘yong maganda?" ako.

"Ano kaya kung ang matatalo ay i-ga-grant ‘yong wish ng mananalo?" sabi nito.

"Sige ba. Kapag ikaw ang mananalo ay ikaw ang hihingi ng isang kahilingan sa akin. Pero kung ako naman ang mananalo, mayro’n akong dalawang wish na hihingin sa ‘yo." sabi ko.

"Mukhang unfair naman yata, bakit isa sa akin sa ‘yo dalawa?" sabi nito na pinalungkot ang boses.

"‘Yan kasi ang batas ko, kaya sumunod ka na lang." natatawa kong sabi.

Nagsimula na kaming maglaro. At dahil magaling ito, napagkasunduan naming na isang kamay lang ang gagamitin.

Itinatakbo nito ang bola sa akin, habang ako ay halos mapunit ang damit niya sa kahihila ko. Ngunit hindi ko maagaw ang bola mula rito. Ang unang makapuntos daw ang magiging panalo kaya nagpursige talaga akong maagaw ang bola rito. Sa bandang huli ay kiniliti ko ito sa tagiliran kaya na agaw ko ang bola. Mabilis akong tumakbo kaya nang malapit na ako sa ring ay tumalon ako para maipasok ang bola. Nagtatalon naman ako sa tuwa dahil ako ang panalo sa aming dalawa. Nakita kong tumatawa rin si DJ habang nakatingin sa akin.

Nang mapagod na ay sabay kaming nahiga sa gym.

"So, my utang kang dalawang wish sa akin at kailangan mong tuparin lahat ng iyon." baling ko rito. Sasagot sana ito ngunit nag-ring ang phone nito, bumangon ito at naupo.

Sinagot nito ang phone at pagkatapos ay nag-aalalang tumingin sa akin, tiyaka nag-ring din ang phone ko. Si mama ang tumatawag kaya umupo rin ako at sinagot ito.

"Hello Yesh? Ang kapatid mo kinuha ng puting van." umiiyak na sabi nito. Bigla kong nabitiwan ang phone na hawak ko dahil bigla akong nag-alala para sa kapatid ko.

"S-Si A-Ayesha! K-kinuha r-raw ng Van." nanginginig kong sabi dahil bigla akong natakot para sa kapatid. Agad akong kinabig ng yakap nito kaya roon na ako umiyak sa dibdib nito.

"Katatawag lang sa akin ni Zyrus, ‘yan din ang ibinalita niya sa akin. Hindi ko alam ang buong detalye pero, sisiguradohin kong maililigtas ko ang kapatid mo kaya ‘wag ka ng umiyak." Dylan.

Inalalayan ako nitong makatayo. Umalis na rin kami agad. Nagpumilit itong ihatid ako sa bahay ngunit tumanggi ako dahil gusto kong malaman ang plano ng mga ito para mailigtas ang kapatid ko. Ayaw kong mamalagi sa bahay at maghintay lang sa balita. Mas gusto kong nandoon ako at baka may maitulong ako sa pagliligtas ng kapatid ko.

Na sa loob na ang mga kasamahan nito. Halatang hinihintay kaming dumating.

"Anong nangyari?" tanong agad ni Dylan.

Iniharap ni Zyrus ang laptop na hawak nito at ipinakita sa amin.

"Kuha iyan ng isang CCTV ng gasoline station, kung saan na-capture ang pagdukot kay Ayesha. Matagal na akong nagbabantay sa magiging next move ng van na ‘yan at hindi ko inaasahang si Ayesha ang magiging next victim ng mga ito." nakatiim bagang na sabi nito.

"Mga anong oras ba ‘yan nangyari?" Dylan.

"Bandang alas 10:35 ng umaga." Clark.

Tiningnan ni Dj ang relo nito.

"Isang oras pa lang ang lumipas. Nasisiguro kong hindi pa nila ilalabas ng bansa si Ayesha dahil maghahanap pa sila ng dagdag na mabibiktima." Dylan.

"Kailangan natin ng babaeng ipapain natin para malaman natin kung nasaan ang hideout ng mga ito." Liam.

"Ako. Kung kailangan ninyo ng babae pwede ako." presenta ko. Napatingin lahat sa akin lalo na si DJ na matiim akong tiningnan.

"No. Masyadong delikado. Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa ‘yo, kaya rito ka lang." mariing sabi nito.

"Pero---" ako.

"No but, star. Hindi kita mapapayagan sa desisyon mo. ‘Di ba sinabi ko sa ‘yong off-limits ka sa mga lakad namin dahil delikado. Kaya please, ‘wag ng matigas ang ulo." sabi nito sabay walk-out. Bago pa man tumalikod ito ay nakita ko ng namumula ang mata nito na parang naiiyak.

Alam kong galit ito dahil nag-aalala lang ito sa akin. Pero mahalaga rin sa akin ang kapatid ko kaya hindi na magbabago ang isip ko. Gusto kong tumulong sa mga ito para ma-save ang kapatid ko. Kailangan kong kausapin si DJ. Kailangan kong ipaintindi rito na kailangan kong gawin iyon. Umalis ako para sundan si DJ, gusto kong maintindihan nito ang gusto kong mangyari.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now