Chapter 32

743 27 1
                                        

Dylan's P.O.V.

Kinakabahan na ako habang nagda-drive. Hindi ko kasi alam kong paano ko uumpisahang sabihin sa mama ni Yesha na girlfriend ko na ang anak nito. Para ma-relax ang sarili sinubukan ko na lang itong idaan sa kanta.

I know nagtataka rin kayo na sa isang saglit nagbago agad ako. Ako mismo sa sarili ko ay hindi rin kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang iba pala talaga ang epekto 'pag puso na ang nagdidikta dahil kaya nitong baguhin kahit ang pinakamasama pa sigurong tao.

Inihinto ko na ang sasakyan sa labasan ng bahay nina Yesha. Bubuksan na sana nito ang pinto ng kotse ngunit pinigilan ko ito. Lumabas ako ng pintuan at pinagbuksan ito.

"Wow, gentleman boyfriend ang dating ni Dylan." Pangiti-ngiting sabi ni Ayesha.

Nakita ko namang ngumiti rin ang star ko. Ayee, naging corny na yata ako.

Naglalakad na kami ngayon sa iskinita papasok sa bahay ni Yesha. Pakiramdam ko nanlalamig na ang mga kamay ko sa kabang nararamdaman. Bumalik lang ulit sa normal na tibok ang puso ko ng hinawakan ni Yesha ang kamay ko habang naglalakad kami. Nagpatingin ako sa gawi nito. Ngumiti ito na ginantihan ko rin ng ngiti. Ang mga ngiting iyon ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob.

Nag-aalala kasi ako, baka hindi ako magustohan ng ina nito. O 'di kaya baka bigla na lang ako habulin ng itak. Ito yata ang unang beses na nakaramdam ako ng insecurities sa sarili.

Pumasok kami sa loob ng bahay. Nanonood ng tv ang mama nito. Agad namang napansin nito ang presensya ko.

"Dylan pangalan mo 'di ba? Napadalaw ka yata?" Yesha's mother.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Yesha.

"Mom, Yesh mauna na ko sa inyo. Dylan good luck sa 'yo." agad ng pumasok si Ayesha sa kwarto nito kaya naiwan kaming tatlo.

"Ah, good evening po tita. Maaari ko po ba kayong makausap?" ako.

"Oo naman, halika rito at maupo ka. Yesha ipaghanda mo muna ng maiinom si Dylan." Yesha's mom.

"S-sige po. Moo--este DJ punta muna 'ko sa kusina." tumango lang ako kay Yesha.

"Ano 'yong kailangan mo sa akin hijo?" Tita.

"Tita, ano kasi. Ahm," shit! Para akong timang nakakahiya tuloy.

"Sino kay na Yesha at Ayesha?" nakangiti nitong tanong.

"Po?" ako.

"Alam ko ang ibig mong sabihin, dahil dumaan din ako sa ganyang stage. So sino sa kanila ang gusto mo?" tita.

Bigla yatang umurong ang aking dila. Hindi ko kasi inaasahang na-gets nito ang pakay ko. At bakit ba hindi ko rin nababasa ang isip nito, siguro dahil sa sobrang tense ko habang kaharap ito.

"Si Yesha po. Mahal ko po ang anak ninyo. Pangako po hindi ko sasaktan si Yesha, dahil siya po ang buhay ko." wew nagiging corny na nga talaga ako.

"Hijo, alam kong mabuting tao ka. Unang kita ko pa lang sa 'yo. Mahal ko ang mga anak ko, kaya sana alam niyo kung saan lang ang limitasyon niyo. Naiintindihan mo naman siguro 'di ba?" seryosong sabi ni tita.

Naintindihan ko ang ibig nitong sabihin. Wala rin akong planong lumampas sa limit na iyon. Alam kong iba si Yesha sa ibang babaeng dumaan sa buhay ko. Nirerespeto ko ito higit pa sa buhay ko. Kaya alam kong hindi ko kayang gawin dito ang normal kong ginagawa sa ibang babae.

Ngayon ko lang napatunayang malaking reponsibilidad pala ang na sa kamay mo, kapag seryoso ka sa isang tao. 'Yong feeling na kapag may masamang nangyari rito o 'di kaya ay napahamak ito parang ipanahamak mo na rin ang sarili mo.

Dumating si Yesha bitbit ang isang tasa ng kape. Umupo ito sa tabi ko.

"Mom. Si DJ po ang taong mahal ko, kaya sana po payagan niyo po kami sa relasyon namin." seryosong sabi ni Yesha.

Hindi ko inaasahang sasabihin nito iyon sa ina ng gano'n lang.

"Tita. Mahal na mahal ko po si Yesha. Kapag po pinigilan niyo ang relasyon namin hindi pa rin po ako susuko hanggang tanggapin niyo ako." determinado kong sagot.

"Kayo talaga. Na sa hustong edad na kayo. Nakita ko ring mahal ninyo ang isa't-isa so bakit ko naman kayo hahadlangan?" Sabi nito.

Nagkatinginan kami ni Yesha.

"Alam niyo mga anak. Dumaan din ako sa edad ninyo. Nagmahal, nasaktan pero hindi ako nagsisisi dahil naranasan ko kung paano maging masaya." Tita.

"So, okay lang po ba sa inyo na kami na ng anak ninyo?" tumango ito hindi ko napigil ang sariling nayakap ito.

Tuwang-tuwa naman ito. Pati si Yesha nakita kong masaya ito dahil sa mabilis na pagtanggap ng ina nito.

"Mayro'n lang akong gustong sabihin sa inyo habang nagsisimula pa lang kayo. Sa isang relasyon kasi normal lang na masaktan at umiyak. Habang kinikilala niyo kasi ang isa't-isa minsan magkatatampuhan kayo, hindi magkaiintindihan o 'di kaya'y mag-aaway. Normal lang iyon pero ang importante sa lahat, 'wag niyong bibitiwan ang isa't-isa. Magalit ka, pero 'wag kang magmura o sumigaw. Magtampuhan kayo, but at the end of the day pag-uusapan niyo kung ano man ang hindi niyo pagkaintindihan. Dahil diyan nagiging matatag ang relasyon sa mga pagsubok na pagdaanan ninyo." naluha ako sa sinabi nito.

Naiisip ko hindi ko yata kakayaning saktan at paiyakin si Yesha. Hindi ko rin yata kayang magtampo ito kahit isang araw lang at hindi ako kauusapin. At higit sa lahat hindi ko yata kayang iwan ako nito isang araw. I really love this woman. Kaya hindi ko na yata kakayanin ang mabuhay na wala ito sa tabi ko.

Matapos makausap ang ina nito. Nagpaalam na rin ako dahil medyo lumalalim na ang gabi.

Hinatid ako sa labas ni Yesha.

"I'm really happy sa lahat ng magagandang nangyari ngayong araw." Ako.

"Ako rin my moon. Napatunayan ko na nagbago ka na nga at alam ko rin na mahal mo talaga ako. Tulad nang sabi ni mommy ang isang mahalagang pundasyon ng relasyon ay ang pagtitiwala kaya nagtitiwala ako sa 'yo." Yesha.

"Salamat my star sa pagtitiwalang iyan. Hindi ko kayang wasakin ang pagtitiwalang iyan. Pumasok ka na, mahamog sa labas at ayaw kong magkasakit ka." Ako.

"Sige my moon. Mag-ingat ka. Good night." Yesha.

"See you in dreamland, my Star. Sisiguraduhin kong magkikita tayo sa panaginip mamaya." Ako.

Matapos makapagpaalam pinauna ko na itong pumasok bago ako umalis. Pasipul-sipol pa ako habang naglalakad papunta sa kotse ko.

How I wish hindi na matapos ang oras na kasama si Yesha. Kung pwede lang itong iuwi ginawa ko na. Hindi nawala ang ngiti ko hanggang sa makauwi ng bahay.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now