Chapter 48

573 17 6
                                        

Tyron's P.O.V

Lumabas ako ng bahay para itapon ang mga basurang naipon namin. Pagbalik ko ng bahay ay nakita ko agad si Yesha na payapang nakatulog sa sofa. Nilapitan ko ito at naupo sa harapan nito upang pawiin ang buhok na nakatabing sa mukha nito. Noong bata paman kami ay talagang maganda na ito. Mga sampung minuto rin siguro ang lumipas na tinitigan ko ang maamong mukha nito nang bigla itong nagmulat ng mata. Nagulat pa ito nang makita ako.

"Hala nakatulog pala ako." sabi nito sabay upo.

"Kung gusto mong magpahinga lumipat ka sa kwarto at doon matulog gigisingin na lang kita pagkatapos kong mag-grocery." sabi ko.

"Hindi, okay na ako. Samahan na lang kita sa grocery store." sabi nito.

"Sigurado ka?" tanong ko.

"Oo naman." sabi nito sabay tayo at hinila na siya palabas ng bahay.

Dahil walking distance lang naman ang grocery store sa kanila kaya nilakad na lang namin.

Yesha's P.O.V.

Pagpasok sa store agad kaming dumeretso sa mga prutas at gulay. Sunod na ang ibang mga groceries. Ito ang nagtutulak ng cart habang ako ang tagakuha ng mga itinuturo nito. Pinahuli na naming bilhin ang mga frozen foods at mga karne.

"Miss, ang gwapo naman ng mister mo ang lalim ng dimples." nakangiting sabi ng tindira. Napatingin ako kay Tyron at pabunghalit kaming dalawa ng tawa.

"Hindi ko po siya asawa. Kaibigan ko lang po siya." sagot ko sa nagbabantay.

"Ay sayang. Bagay pa naman kayo." sabi nito.

Dalawang malaking plastic bag ang dala nila. Actually ito lang ang nagbitbit dahil ayaw nitong bitbitin ko ang isang plastic bag. Pagkalabas namin ng store bigla nitong inilapag at may kinuha sa loob ng plastic.

"Charan." sabi nito sabay wagayway sa harapan ng hawak nitong icepop.

"Wow, ang favorite natin noon." sabi ko sabay abot ng isang icepop dito.

"Naalala mo pa pati ito?" nakangiting tanong niya.

Super close kasi kami nito kaya siguro at home na agad akong kasama ito.

"Paano ka makakain e, dalawang plastic bag hawak mo?" tanong ko.

"Oo nga 'no?" Tyron.

"Akin na 'yang icepop mo. Susubuan nalang kita, habang naglalakad tayo." sabi ko sabay kuha ng icepop nito.

Iyon nga ang ginawa namin hanggang makabalik kami ng bahay.

"Ano ba naman 'yang mukha mo, pati yata ilong at pisngi mo gusto rin ng icepop." natatawa kong sabi.

"Kasalanan mo 'yan. Ikaw naman kasi ang gulo mong magpakain." natatawa ring sabi nito. Kinuha ko ang panyo ko sa pantalon at parang bata itong pinunasan sa mukha nito.

"Dito na lang tayo kumain 'wag na lang tayo lumabas.. Ipagluto mo na lang ako." sabi ko.

"Sige ba. Ipapatikim ko sa 'yo kung gaano ako kasarap magluto, kaya wait ka lang diyan." mayabang nitong sabi.

Nakatingin lang ako rito habang nakapanglumbaba. Habang ito naman ay nagluluto.

"Nagagawapohan ka sa akin 'no?" sabi nito.

"Bakit kaya hindi na lang ikaw ang minahal ko?" wala sa loob na natanong ko.

"Bakit nga ba hindi na lang ikaw?" seryoso ring balik ng tanong sa akin.

"Hey. Seryoso niyong dalawa a?" sabay sabi ni Ayesha na nakatayo na sa pintuan ng kusina.

"Pumasok na ako dahil nakabukas ang pinto. Nag-aalala kasi si mommy baka raw itinanan mo na si Yesha kaya hindi pa umuuwi." Ayesha.

"Naglinis kasi kami ng bahay kaya 'di ako makauwi." Ako.

"Kaya pala mukha ka ng yagit." sabi nito sa akin.

Tumawa naman si Tyron.

"Maiba ako Tyron, kumusta ka na? My girlfriend ka na ba? Bigla ko tuloy na alala ang ka-sweet-an niyo ni Yesha noon." walang prenong sabi nito.

"I'm single ngayon." sabi nito ngunit sa akin nakatingin.

"Hoy, Tyron. Alam mo ba noong summer na hindi ka na nagpakita. Nahirapan akong patahanin 'yang si Yesha." pagbubuko nito sa akin.

"'Wag kang maniwala riyan, alam mong sinungaling 'yang si Ayesha." Ako.

Tumawa lamang si Tyron.

"Alam mo bang ikaw ang first love at first heartache ni Yesha?" Ayesha.

"Ikaw talaga twinny, napakasinungaling mo kaya mabuti pang umuwi ka na at susunod na lang ako mamaya." sabi ko sabay hila nito palabas ng bahay. Isinirado ko na ang pinto para hindi na ito makapasok ulit.

Bumalik agad ako sa loob para balikan si Tyron. Naghahain na ito nang bumalik ako. Sinigang na baboy ang niluto nito ay piniritong isda.

"Talagang mali 'yong sinabi ni Ai-ai?" iyon agad ang sinalubong nito sa akin.

"Oo naman. At kahit totoo naman 'yon masyado pa rin tayong bata no'ng time na 'yon." depensa ko rito.

"But my feelings for you when I was a little kid is not a lie. I did like you." seryosong sabi nito.

Pagkatapos kumain naupo kami sa sofa sa salas.

"So, are you ready to move-on? Nakahanda ka na bang kalimutan siya?" Tyron.

"Yeah. Handa ako kaya nga ako nandito 'di ba? Para magpaturo sa 'yo kung paano mo nalampasan lahat ng sakit." Ako.

"Then tell me everything." Tyron.

Nagsimula na nga akong magkwento rito tungkol sa amin ni DJ. Umpisa pa lang ay gumaralgal na ang boses ko hanggang sa tuluyan ng napaiyak ako habang inaalala ang mga pinagsamahan namin ni DJ. Tuluyan na akong humagulgol sa harap nito matapos kung magkwento. Naramdaman ko na lang na umupo ito sa tabi ko habang hinihimas ang likod ko.

"Iiyak mo lahat ng 'yan dahil makatutulong 'yan na gumaan ang pakiramdam mo." sabi nito. Halos 30 minutes din siguro akong umiyak.

"Tapos ka na bang umiyak? Then let it go, lahat ng mga memories niyo pakawalan mo lahat." seryosong sabi nito. Napalingon ako sa gawi nito.

"Paano ko gagawin iyon?" ako.

"Just follow my lead. Isa-isa nating burahin siya sa puso mo. Unti-unti nating alisin 'yong sakit hanggang wala ka ng maramdaman para sa kanya." Tyron.

"Thank you. Gumaan nga ang pakiramdam ko matapos kong alalahanin ang pinagsamahan namin." Ako.

"Mahalaga kasing harapin mo ang problema imbes na takasan. Gusto kong alalahanin mo siya kaya kita inutusang magkwento. That's all for today, dahil alam kung napagod ka kanina sa paglilinis." sabi nito. Inihatid ako nito sa amin kahit malapit lang iyon.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now