Chapter 59

609 18 0
                                        

Dylan's P.O.V.

Nagulantang ako, nang marinig ko ang katok sa pinto. Bumangon ako at binuksan iyon.

Ang napakagandang mukha ni Yesha ang nabungaran ko.

"Pinapatawag ka ni mommy para sabay na tayong kumain." sabi nito sabay alis.

Pinalitan ko muna ang suot kong damit ng t-shirt na puti bago bumaba.

Nakahanda na ang pagkain ng bumaba ako. Nandoon na rin si Ayesha na hinuha ko ay kagigising lang nito dahil parang inaantok pa.

"DJ, halika na rito." yaya ni tita sa akin.

Lumapit naman ako agad at naupo sa tabi ni Tita. Magkatabi kasi ang kambal. Kaharap ko naman si Yesha. Medyo masakit pa ang ulo ko ngunit hindi ko iyon pinansin.

Kinagabihan habang tahimik ang buong paligid meron akong kaluskos na narinig. Mag-aalas 12:00 pa lang iyon ng gabi. Hindi kasi ako makatulog dahil parang iniiwasan ako ni Yesha kanina. Hindi man lang kasi ako nito tinapunan ng tingin habang nahahapunan at dumeretso agad sa kwarto nito.

Mayro’n ba akong nagawang masama rito kagabi na ikinagalit ko? Maraming katanungan sa isip ko kung ano ang nagawa ko upang magalit ito.

Maingat akong lumabas sa atique dahil malakas ang kutob kung may nakapasok sa bahay. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa may salas kung saan nakita ko ang tatlong lalaking magnanakaw na naghahalungkat sa mga drawer doon.

Palihim akong lumapit sa mga ito. Binato ko ng baso na malapit sa akin ang isa tiyaka binigyan ng malakas na sipa ang isang malapit sa akin. Nabulabog ang buong bahay. Nakita kong tumakbo ang isa para tumakas kaya binato ko iyon ng isang figurine. Sapol ito sa ulo na ikinatumba nito.  Ang dalawa naman ay hindi pa nagawang bumangon. Binuksan ko ang ilaw para magliwanag ang paligid. Lumabas naman ang mag-ina sa mga kwarto nito dahil siguro sa nilikha kung ingay. Isa-isa kung kinuha ang mga magnanakaw at itinali gamit ang mga damit ng mga ito.

"May kilala po ba kayo sa mga yan?" tanong ko kay tita na para nakatulala pa habang nakatingin sa tatlong lalaki.

"W-wala akong kilala sa mga iyan. Salamat talaga na nandito ka sa bahay kung wala baka napahamak na kami." sabi ni Tita sa akin.

"DJ ang galing mo. 1 vs 3 na kayanan mo pang labanan?" manghang sabi ni Ayesha.

"Kulang pa sa kanya ‘yan kahit triplehin niyo pa ang bilang." pabulong lang ang pagkakasabi niyon ni Yesha pero narinig ko ito dahil na sa tabi ako nito.

Gusto kong tumawa sa sinabi nito pero pinigilan ko lang dahil nakakahiya naman kay tita.

Maya-maya lang dumating din ang mga pulis na tinawagan ni Ayesha. Dinampot ng mga ito ang tatlo. Sumama ako sa mga ito para magbigay ng statement. Napag-alaman kong matagal na pa lang wanted ang mga iyon na akyat bahay.

Nakabukas pa ang ilaw ng bahay. Si Yesha nag nagbukas sa akin pagkabalik ko dahil wala naman akong susi. Hinitay siguro ako nito dahil tumalikod ito agad ng pagbuksan ako.

"Yesh." tawag ko. Huminto naman ito agad.

"Bakit?" tanong nito pero nanatiling nakatalikod.

"Mayro’n ba akong nagawang masama kagab---" ako.

"Wala." mabilis nitong agaw sa sinabi ko

"Bakit hindi mo ‘ko pinapansin?" ako.

"Dati na kitang hindi pinapansin." nagsimula itong humakbang ulit.

"Yesh, thank you. It's like a dream come true na makatabi ka ulit sa pagtulog." napatigil ulit ito sa pagkakahakbang at nilingon ako.

"Wala kang dapat ipagpasalamat dahil aksidenteng nakatulog ako roon." sabi nito. Bubuksan sana nito ang kwarto ng magsalita ako ulit.

"I don't believe in accident. Mas naniniwala ako sa faith. It was faith. Kaya nagkakilala tayo. Iyon din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon mahal pa rin kita. Dahil ikaw ang nakatadhana para sa akin." madamdamin kong sabi rito.

Bago ito pumasok sa loob. Nakita ang pagngiti nito. Napangiti rin ako at pumasok na rin sa silid ko.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now