Chapter 16

959 31 0
                                        

Yesha's P.O.V.

Pagkalabas ko ng CR, ang dalawa kong kaibigang sina Missio at Kate ang agad kung nabungaran na namimili ng damit. Gustuhin ko mang bumalik sa sa loob ng CR para magtago pero huli na dahil nakita na ako ni Kate. Lumapit agad ito sa tabi ko at hinawakan ang braso ko.

"Bakit ‘di mo sinabing maraming nakapaligid na gwapo sa pinagtatrabahoan mo?" kinikilig na bulong nito. Bumukas ang pinto ng CR at lumabas doon si DJ. Pasimpleng siniko ko si Kate para umayos ito.

"Ano ka ba naman babe parang magseselos naman ako niyan." paglalambing ko rito na nilakasan ko talaga para marinig ni DJ.

"Syempre ikaw ang pinakagwapo sa kanila." sakay naman nito na nag-wink pa.

"Girlfriend mo ‘to? Hanep bakit ‘di mo naman sinabing magkabaro tayo." sabi ni Zyrus na hindi makapaniwala.

"Hindi pa ba halata sa pananamit ko na babae ang gusto ko?" sagot ko sabay akbay kay Kate.

"Sabagay may point ka nga." Zyrus.

"Mag-videoke kaya tayo after ng work niyo, para naman makabonding din namin kayo?" masayang sabi ni Kate.

"Ano sa inyo guys? Payag ako dahil mahirap tumanggi sa babae." Zyrus.

"Ako rin." sagot ni Clark na nagtaas pa ng kamay.

"Sama rin ako wala naman akong gagawin." Dylan.

"Tsk, rito lang ako." Dwight.

"Ito naman napaka-KJ sama ka na dahil tatawagan ko rin si Liam para complete tayo." Zyrus.

"Deal na ‘yan ha? Total 4:48pm na rin, kaya hihintayin na lang namin kayo." Kate.

Pumunta nga kami sa isang videokehan tulad ng napag-usapan kanina. Si Dwight na ayaw sumama ay napilit ng mga kaibigan. Pumasok kami sa isang may kadilimang kwarto kung saan nandoon ang isang Videoke machine. Pumipili na ng kanta na kakantahin si Dylan nang dumating si Liam. Umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ko. Habang si DJ ay kaharap ko naman.

Bali sa gitna namin ay may isang pahabang mesa kung saan nakalagay ang ini-order ni Clark na alak at pulutan.

Nag-umpisa ng kumanta si Dylan. Narinig ko na itong kumanta at masasabi kong magaling nga ito. Pero bakit feeling ko every lyrics ng kanta parang pinapatama sa akin?

Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos nitong kumanta. Nagulat ako nang biglang ibinigay nito sa akin ang microphone. Ayaw ko sanang tanggapin ngunit baka isipin ng mga ito na maarte ako. Hindi ako magaling kumanta katulad nito pero magaling akong sumayaw. Tumayo ako at lumabas sa kina-uupuan ko at pumunta sa gitna. Isang rock song ang pinili ko. Bawat kanta ko ay sinabayan ko ng indak. Medyo nalalasing na rin ako kaya parang hindi na ako nahihiyang sumayaw.

Dylan's P.O.V.

Hindi ko mapigilang hindi humanga kay Yesha habang sumasayaw ito. Tumayo ako at inagaw rito ang microphone.

"I sing... You dance." sabi ko.

Pumayag naman ito. Palakpakan ang mga kasamahan namin. Napakagaling nitong sumayaw. I can't take my eyes on her habang swabe itong sumasayaw sa harap ko. Feeling ko nagiging slow motion sa paningin ko ang bawat galaw nito. Napakasarap ding tingnan ang mga ngiti nito na parang nang-aakit. I never fallin inlove before, pero alam ko kung ano ang pakiramdam ng umiibig. I know habang tinititigan ko ito, habang sumasayaw ito. I'm sure that I'm fallin inlove with her.

"I'll take your shot kung hindi mo na kaya." sabi ko kay Yesha.

"O-Okay lang ako. Nandito naman ang mga kaibigan ko kaya okay lang na malasing ako." Makikinita na ang kalasingan sa mukha ni Yesha.

"Kate, I think patigilin mo ng uminom si Yesha dahil medyo nalalasing na siya." Missio.

"Hayaan mo na ihahatid naman ‘yan ng mga gwapong lalaki rito." Kate.

Narinig ko ang mga bulungan ng mga ito kahit medyo malayo ito. Malakas kasi ang pakiramdam at pandinig ko.

"Nakalimutan mo na ba ang nangyari noong birthday mo at nalasing ‘yan?" sabi ni Missio na parang nag-aalala.

"Oh my. Naghuhubad pala ‘to kapag naglalasing." Kate.

Natigilan ako sa tangkang pag-inom ng beer nang marinig ang huling sinabi nito.

"Bakit ang init?" sabi ni Yesha habang unti-unti nitong itinataas ang suot na damit pero mabilis akong lumapit dito at pinigilan ang kamay nito.

"I think lasing na si Yesha, ihahatid ko na lang muna." sabi ko.

"Bakit ikaw ang maghahatid?" tanong ni Liam sabay hila kay Yesha.

"Dahil alam ko kung saan siya ihahatid." Ako.

Nagsukatan kami ng titig ni Liam.

"Alam ko rin kong saan siya ihahatid." Liam.

Hinila ko rin pabalik sa akin si Yesha.

"Kilala ako ng mama niya, kaya hindi ito mag-aalala kung ako ang kasama nito." seryoso kung sabi sabay hila kay Yesha palabas ng bar.

Liam's P.O.V.

Shit napamura ako sa inis nang inilayo ni Dylan si Yesha sa akin. Mabilis kong sinundan ang mga ito sa labas. Nang maabotan ko ito ay malakas ko itong sinuntok sa mukha kaya nabitawan nito si Yesha. Sumugod din ito sa akin kaya nagpambuno kami. Magaling din itong lumaban kaya halos patas lang ang away namin.

Lumabas sina Dwight, Zyrus at Clark kaya natigil ang suntokan namin dahil umawat ang mga ito. Si Dwight ang pumipigil sa akin habang sina Clark at Zyrus ay nakahawak kay Dylan.

"Kate, pwede bang kayo na lang maghatid kay Yesha?" sabi ni Dwight. Nakita kong umalis naman agad ang mga ito.

"Magkita tayo sa hideout, kailangan nating pag-usapan ‘yang gulong ginawa niyo." seryosong sabi ni Dwight. Nauna na itong umalis sakay ang motor nito. Sumunod na rin kami agad.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now