Chapter 49

575 18 1
                                        

Tyron's P.O.V.

Dinala ko si Yesha sa mall para baguhin ang uri ng pananamit at ayos nito. Actually kahit ano naman ipasuot dito bagay naman pero mas gusto kung i-highlight ang ganda nito.

"Kaunti lang bibilhin natin ha? Alalahanin mo wala akong trabaho ngayon." sabi nito.

"Ako magbabayad, regalo ko sa ‘yo." Ako.

"Pero---"

"‘Wag ka ng umangal, kung gusto mo talagang mag-move-on at magbago kailangan mo ng maraming damit." putol ko sa sasabihin nito.

Ako ang pumili ng lahat ng damit nito. Isa-isa kong pinasukat dito ang mga damit na pinipili ko para rito. Kaya pagkatapos para itong lantang gulay na naupo sa tabi ko.

"Kaya mo pa ba? Damit pa lang ‘yan kulang pa ng mga sapatos, boots at mga sandals." nakangisi kong sabi.

"What? Seriously?" tanong nito. Hinila ko na ito patungo sa bilihan ng mga sapatos. Bumili na rin kami ng mga make-up nito pati kulay ng lipstick ako na ang pumili.

"Babae ka ba talaga?" tanong ko habang naglalakad kami pauwi.

"Oo naman. Tanong ba ‘yon?" Yesha.

"Oo tanong ‘yon, dahil nagtaka ako kung bakit wala kang kaalam-alam sa pag-aapply ng make-up." Ako.

Tumawa ito. "Syempre, maganda ako kaya ‘di ko na kailangan ng make-up."

"Agree ako na maganda ka." sabi ko.

Na sa labas na kami ngunit may bigla akong naalala. Ipinasok ko muna lahat ng mga pinamili namin sa sasakyan.

"Yesha, hintayin mo muna ako. May nakalimutan lang ako sa loob." sabi ko.

"Sige rito na lang ako maghihintay sa labas." sabi nito.

"Dito ka lang ha, ‘wag na ‘wag kang aalis babalik ako kaagad." sabi ko at nagmamadali ng umalis.

Nakalimutan ko kasing kuhanin ang kwentas na inorder ko kanina nang magpaalam itong pupunta ng CR.

Pagbalik ko nakita ko itong nakaupo habang tinatali ang mahabang buhok nito. Naka-extend pa ang isang paa nito na nagpalitaw ng magagandang legs nito. Napabuntong hininga ako.

"Yesha." tawag ko rito na ikinalingon nito. Tumayo ito nang makita ako. Tumakbo ako papunta sa harap nito.

Marahan akong hiningal nang tumayo sa harap nito.

"I have a gift for you." sabi ko.

"Kulang pa bang gift ‘yong binili mo?" Yesha.

Kinuha ko ang isang kamay nito at inilagay doon ang kwentas. Nakita kong napatingin ito sa kwentas na binigay ko. Heartshape ang pendant. Habang nakatingin pa rin ito sa kwentas na ibinigay ko na tila may iniisip dahan-dahan kung kinuha ang kwentas na na sa leeg nito ngunit bigla niya akong pigilan.

"What’s wrong? Hindi mo ba nagustohan ang kwentas?" nag-aalala kong tanong dito.  Nagtaas ito ng mukha kaya nakita ko ang mga luhang nagsisimula ng pumatak mula sa mga mata nito.

Hinawakan nito ang pendant nang kwentas nito kaya napatingin ako roon.

"Bigay niya ‘yan right?" tanong ko. Tumango naman ito.

"Kaya mo bang kunin ‘yan? ‘Di ba sabi ko sa ‘yo kung gusto mo talagang mag-move-on kailangan mo ring bitiwan lahat ng bagay na nagpapaalala sa ‘yo?" ako.

Unti-unti nitong ibinababa ang kamay na nakahawak sa pendant nito. Para sa akin ito ang hudyat na pumapayag itong kunin ko iyon kaya ipinagpatuloy ko ang pagkuha ng kwentas nito at ipinalit sa leeg nito ang kwentas na bigay ko.

"Ako na ang magtatapon ng kwentas na ‘to dahil alam kong mahirap sa ‘yo na gawin iyon." sabi ko.

Hindi ito tumango pero mababasa mo sa mukha nito na hindi ito sang-ayon sa sinabi ko, pero napilitang sumunod. Inilagay ko sa bulsa ng pantalon ko ang kwentas tiyaka umalis na rin kami.

Yesha's P.O.V.

Sa nakalipas na tatlong buwan si Tyron ang lagi kong kasama. Maraming bagay na rin ang nagbago sa akin. Puro mga sexing damit na ang isinusuot ko, natuto na rin akong mag-make-up. Noong una nagulat pa ang mga kakilala ko nang makita ako na iba na ang ayos ko, ngunit nang tumagal nasanay na rin ito sa pagbabago ko. Ang totoo nagustohan nga nito ang bago kung anyo. Marami na rin ang nagtangkang ligawan ako lalo na sa pinagtatrabahuan ko. Kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang isang secretary ng isang kompanya. Babae ang boss ko kaya kasundo ko.

Si Tyron naman nag-decide na rito na muna sa Pilipinas dahil balak mag-exhibit ng mga gawa nito.

Sa nakalipas na tatlong buwan masasabi kong naka-move on na ako. Dahil hindi na ako nasasaktan kapag napag-uusapan ng mga kaibigan ko si DJ. Nagagawa ko na ring ngumiti at tumawa o makipagbiruan sa iba. Utang ko lahat ng iyon kay Tyron. Nang dahil dito nagagawa ko ulit ang mabuhay ng maayos.

Sa nakalipas na tatlong buwan wala na rin akong balita kay Dylan dahil lahat ng kaibigan at kakilala nito ay iniwasan ko rin kahit laging bumibisita ng bahay si Liam, pero hindi ko ito hinaharap para kausapin.

Dylan's P.O.V.

Sa nakalipas na 3 buwan na tapos na rin ang misyon na ibinigay sa akin sa Korea. Sa wakas nahuli rin namin ang mastermind ng isang kilalang sindikato.

3 months ago ng tawagan ako ni Daddy para sa misyong iyon. Iyon din ang araw na nagkakalabuan kami ni Yesha. Agad kong tinanggap ang misyong iyon para na rin makapag-isip ng maayos at iwasan si Yesha. Kailangan ko kasi ng sapat na oras para pag-isipan ang lahat. Kung mayro’n akong pinagsisihan noong umalis ako. Iyon ay ang hindi ako nagpaalam ng maayos kay Yesha. Sa nakalipas na tatlong buwan aaminin kong ni minsan hindi ito nawala sa isip ko. Miss na miss ko na ito at handa na akong kalimutan ang lahat at magsimula ng panibago kasama nito.

Maaga akong natulog dahil maaga pa ang flight ko pabalik ng Pilipinas.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now