Chapter 26

799 31 2
                                        

Yesha's P.O.V.

Inayos ko ang mga gamit ko pagkatapos maligo dahil aalis na kmi pagkatapos mananghalian. Tapos na akong magligpit nang maalala ko ang jacket ni DJ. Kinuha ko iyon sa loob ng banyo para maisauli ko. Pinuntahan ko ito sa kwarto niya. Nakadalawang katok pa lang ako nang buksan nito ang pinto.

"Gusto ko lang isauli sa ‘yo ‘to at makapagpasalamat na rin." sabi ko sabay abot ng jacket.

"Tungkol pala sa nangyari kanina gusto ko sanang magpaliwa---"

"K-kalimutan mo na iyon hindi ko na iyon iniisip." putol ko sa sasabihin nito. Napatitig ito sa mukha ko. Nagpaalam naman agad ako rito.

Dumeretso ako sa labas at muling pinagmasdan ang ganda ng paligid. Hindi pa pala ako nakakuha ng remembrance sa lugar na iyon kaya kumuha ako ng ilang larawan ng lugar. Dahil nadala ako sa ganda ng paligid nakarating ako sa isang malawak na harden. Napakaganda no’n dahil napapalibutan ito ng iba't-ibang uri ng bulaklak. May maliit na fountain sa gitna na hindi na gumagana. Sa gilid ng fountain, may isang pahabang upuan na mayro’ng bubong para may humarang sa sikat ng araw. Para akong na sa isang paraiso sa mga fairytale na pinapanood ko no’ng bata ako. Napansin ko rin ang karatulang nakasabit sa isang malaking puno ng talisay. Hellen's Garden iyon ang mga salitang nakasulat doon.

Kinuha ko ang cellphone at nagsimulang kuhanan iyon ng larawan. Muntik ko pang mabitiwan ang hawak na cellphone nang biglang magsalita si Dylan sa likod ko.

"Paano ka nakarating dito?" seryosong tanong nito at naupo sa upuan.

"Ah e, naligaw kasi ako."

"This is my mom's garden." sabi nito maya-maya na may bahid na panghihinayang ang boses.

"I’m sorry dahil pumasok ako rito." Ako.

"It's okay. It's been ten years since the last day I went here." malungkot na sabi nito

Tinabihan ko ito sa upuan dahil nananakit na rin ang paa ko sa kalalakad kanina.

"I was fifteen noon sa lugar na ‘to mismo when I saw mom's kissing other man." nagsimula na itong magkwento. Hindi ako umimik at pinakinggan lang ito.

"Masayang nagbakasyon kami noon kasama kasama ang kapatid ko. Naiwan noon si dad dahil busy ito sa trabaho. At the young age akala ko noon napakaperpekto ng pamilya namin. I was playing at the beach with my sister nang mapansin kong wala sa paligid si mommy. Hinanap ko ito hanggang sa mapadpad ako sa lugar na ito, then I saw it." Nag-uumpisang gumaralgal ang boses nito na parang nagpipigil ng luha.

"Then I ask my mom that day.Why? Why are you kissing that man? I asked her kung sino ang pipiliin niya. Then suddenly, the pain strikes inside me when she choose that man." nag-umpisa ng pumatak ang luha nito pero may galit sa tono ng pananalita nito. Nakaramdam ako ng awa rito. Sa isang iglap lang biglang nag-iba ang tingin ko rito. Hindi ko kasi ini-expect ang soft-side nito.

"Hindi ko siya maintindihan kaya hanggang ngayon galit na galit pa rin ako sa kanya dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang lalaking iyon ang pinili niya kay sa sa amin. Nang araw ring iyon she left us. Iniwan niya kaming dalawa ni Lauren sa resort na ito. Without saying anything. Hinabol ko pa siya noon at nagmakaawang ‘wag kaming iwan pero umalis pa rin siya. Then, iyon ang simula ng lahat. Naging hobby ko na ang magpaiyak ng babae gusto kong iparanas sa mga ito ang sakit na nararamdaman ko." pagpapatuloy niya.

Parang piniga naman ang puso ko habang pinagmamasdan ito. Kusang pumulupot ang kanang kamay ko sa batok niya at kinabig ko siya ng yakap. Kahit man lang sa gano’ng paraan mapapawi ko ang sakit na nararamdaman niya. Naramdaman kong gumanti rin ito ng yakap.

"Napakasama ko ba talagang tao para sa ‘yo dahil sa pagiging playboy ko?" tanong nito habang nakayakap pa rin kami sa isa't-isa.

"Aaminin ko naging masama rin ang pagtrato ko sa ‘yo. Hinusgahan kita agad dahil sa reputation mo sa babae. Pero ngayon naiintindihan na kita. Hindi madali para sa iyo ang nangyari." Pang-aalo ko sa kanya.

Dylan's P.O.V.

Unang beses iyon na nag open up ako sa isang tao. Kahit sa kapatid ko hindi ko magawang sabihin ang mga sinabi ko kay Yesha.

Nang yakapin ako ni Yesha tila nagkaroon ng kapayapaan ang puso ko. Parang nawala ang bigat na nakadagan sa loob ko nang ikwento ko ang isang sekretong matagal ko ring tinatago.

Napabitiw kami sa isa't-isa mula sa pagkakayakap ng marinig namin ang tawag ni ate Lauren. Hanggang sa nakita kaming dalawa.

"Kakain na tayo para makaalis na tayo agad. Teka bakit namumula ‘yang mata mo at yang pisngi mo? ‘Wag mong sabihing nabasted ka na naman?" Lauren.

Bigla akong tumawa na mas lalong nagpa-awkward ng paligid.

"Oo nga, ewan ko ba rito kung bakit ayaw pa rin akong sagutin. Kasalanan ko bang habulin ako ng babae?" pulusot ko.

"Tumigil ka na nga, sama ng acting mo. Halika na Yesh iwan na natin ‘yan mukhang may sapi e." nagtatawanan pa ang mga babaeng nilisan na ang lugar. Sumunod naman ako sa mga ito. Nilingon ko ulit ang garden. This time hindi na masamang alaala ang nakikita ko kung ‘di ang alaala na kasama si Yesha. Ngumiti ako isang totoong ngiti bago tuluyang nilisan ang lugar na iyon.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now