Dylan's P.O.V.Pagkaalis ni Yesha at dalawang kaibigan nito ay bumalik din ako sa kwarto para magtoothbrush at kuhanin ang aking camera. Balak ko kasing isama sa vlog ko ang bakasyon kong ito.
Hindi na ako nagtagal sa loob at agad na akong pumunta sa dalampasigan. Inayos ko ang camera ko at itinutok iyon sa mga kaibigang masayang nagtatampisaw sa tubig. Kinunan ko rin ang kabuohan ng resort hanggang sa ma-capture ng camera ko ang tatlong babaeng paparating. Na-focus na sa mga ito ang camera ko. Hindi ko man lang magawang ibaling iyon sa ibang view dahil nang makita si Yesha sa ganoong ayos ay sobra na. Halos hingalin na ako sa pagpipigil nang hininga ako. Iyon ang unang beses na nakita kong nakabunghay ang lampas balikat nitong buhok. Alam ko na noon paman na maganda ang katawan nito kahit puro maluluwag na damit ang isinusuot nito pero hindi ko ini-expect na magiging ganito katindi ang epekto nito sa akin.
Sanay akong makakakita ng hubad na katawan ng isang babae kaya sana baliwala na sa akin ang ayos nito. Pero hindi ko magawang alisin ang tingin dito.
"Pre, pakitikom ng bibig mo at pakipahid ng laway mo nagmumukha kang si Budoy sa hitsura mo." sabi ni Zyrus na ‘di ko man lang namalayan ang pagtabi nito.
Napansin ko ring nakatutok pa rin pala ang camera ko rito hanggang sa hinubad nito ang suot na jacket at lumantad sa aking mga mata ang halos perpekto nitong katawan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na parang nahihirapan akong huminga. Exaggerated siguro ang reaction ko ngunit kahit ako hindi makapaniwala na ganito katindi ang epekto nito sa akin.
"Hoy DJ, okay ka lang ba? Para kang namaligno a." nagulat ako sa tawag na iyon ni Zyrus. Bumalik na sa tama ang lumilipad kong isipan kanina.
"I really, really, love her." Ako.
"Hoy DJ, nakadidiri ‘yang pagiging cheesy mo a, gusto ko tuloy isiping sinasapian ka." Zyrus.
"Ako nga rin hindi ko na yata kilala ang sarili ko mula ng makilala ko siya. Feeling ko patay na patay na ako kay Yesha." Ako.
"Tama na nga ‘yang nakadidiri mong ka-sweetan. Maligo na lang tayo." wala akong balak maligo kaya nga nagshower na ako kanina pero hinila na ako ni Zyrus kaya wala na akong magawa kun ‘di ang sumunod dito. Binitawan naman ako nito nang na sa may tubig na kami dahil naghubad ito ng damit. Hinubad ko na rin ang suot kong damit at nilapag sa buhangin kasama ang camera at lumusong na sa dagat.
Yesha's P.O.V.
Malayo pa lang ay napansin ko na ang mga matang nakasunod sa akin habang naglalakad ako papuntang dagat. Bigla akong nailang sa mga titig nito kaya hindi ko na lang ito tiningnan at nagkunwari akong wala ito roon.
Pero nang oras na lumapit ito at lumantad na naman sa mga mata ko ang mga pandesal nito hindi ko na yata kayang i-resist ang kagandahan ng view kaya hindi ko napansing nakatingin ako roon habang lumulusong ito sa tubig.
"Girl, halatadong marunong kanang magnasa a." si Kate.
"Tumahimik ka nga baka isipin nila totoo ‘yang sinasabi mo." Ako.
Tumawa lang ito ng malakas. At lumangoy palayo sa akin.
Maya-maya naisipan ni Zyrus na magpalaro. Bali papasanin ako ni Dylan habang nakikipag-away sa kalaban namin. Na murphy's law na naman ako dahil ito pa naman ang iniiwasan kong makapareho. So kanya-kanyang ayos na nga kami. Bali si ate Lauren ang referee. Winner Vs Winner ang mangyayari.
So ang makalalaban namin ay sina Kate at Zyrus. Sina Missio naman at ang bruha ang magkalaban.
Kami ang mauuna kung sino ang mananalo sa amin, ang makalalaban ay ‘yong mananalo rin sa kabila.

YOU ARE READING
Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)
ActionIsang boyish na babae si Yesha Dhel Gonzales at lihim na humahanga sa isang vlogger na si Dylan Josh Fernandez. Upang makita at mapansin ng iniidolo gumawa siya ng paraan para mapalapit dito. Nakapasok siya sa boutique na pag-aari ni Dylan bilang is...