Yesha's P.O.V.
Kumatok ako sa bahay ni Tyron para magpaturo rito kung paano mag-move-on tulad nang napag-usapan namin kahapon.
"Hi, good morning." bati agad nito pagkabukas ng pinto kasabay ng napakatamis nitong ngiti.
"Good morning too, napaaga ba ako ng dating?" tanong ko nang makita itong tila bagong gising dahil magulo pa ang buhok nito. Pwede talaga itong artista dahil gwapo pa rin ito kahit sa gano'ng ayos.
"No. Inumaga na kasi ako ng tulog kagabi dahil may tinatapos akong painting. Halika pasok ka," Tyron.
Pumasok naman ako kaagad sa loob. Inilibot ko ang paningin sa kabuoan ng bahay. Hindi pa nito naayos ang bahay siguro dahil busy pa ito at wala pang oras maglinis.
"Pasensya ka na 'di pa ako nakapaglinis mayro'n pa kasi akong tinatapos na painting na kailangan kung ipadala sa Korea next week para sa exhibition.
"Okay lang. Gusto mong tulungan kitang maglinis?" paanyaya ko.
"Sigurado ka? Alam mo ba kung ga'no kalaki ang bahay ni lola siguradong malaking oras ang gugugulin mo." Tyron.
"Ayos nga 'yon. kasi the more na magiging busy ako sa mga gawain hindi ko siya masyadong maiisip." sagot ko.
"Hmm, sige ganito na lang, gagawin natin maglilinis muna tayo tapos tiyaka na tayo mag-uupisa sa move-on project natin. Ano deal?" Tyron.
"Deal ako, pero paano 'yang tinatapos mong painting? Pwede naman ako ang maglinis habang nagpipinta ka." Ako.
"Okay lang, dahil tuwing gabi lang naman ako nagpipinta dahil doon lang ako komportable gumawa kaya maglinis project muna tayo ngayon." Tyron.
Tatlo ang kwarto ng bahay na iyon na na sa itaas kaya umakyat kami dala ang walis at dustpan ito naman ang nagbitbit ng basurahan. Nag-decide kasi kaming unahing linisin ang mga kwarto.
"Wow. Paano ka nakatulog dito ang daming alikabok at mga spider web, konti na lang parang isang haunted house ang bahay mo." natawa ito sa sinabi ko.
Medyo madilim kasi sa loob kahit tirik na ang araw dahil sa kurtinang nakatabing sa bintana kaya lumapit ako roon upang wahigin iyon.
Bigla akong napatakbo pabalik at agad akong tumalon kay Tyron kaya ang nangyari kasama ko itong natumba sa sahig.
"What's wrong?" tanong nito mula sa pagkabigla sa ginawa ko.
Agad itong bumangon at inalalayan ako para makatayo. Nagtago ako sa likuran nito at tinuro ang malaking tuko na nakasabit sa kurtina. Halos lumukso rin pati kaluluha ko kanina nang makita iyon.
"So hanggang ngayon pala takot ka pa rin sa butiki?" umalis ito para buksan ang bintana at pinaalis ang tuko. Noong bata kami iyon ang ginagawa nito tuwing natakot ako sa butiki o tuko. Pinaalis nito ang mga iyon para hindi ko na makita.
"Umalis na papunta sa labas ng bintana ang tuko. Isasarado ko na lang ulit para hindi na iyon makapasok." sabi nito. Kinuha na nito ang mga kurtina na nandoon dahil puno na rin iyon ng mga alikabok. Pati ang bedshet at mga punda ng unan kinuha na rin namin para mapalitan. Nilinis namin ang buong kwarto nito kaya biglang umaliwalas ulit ang paligid.
"Nasaan ang mga extra mong kurtina at bedsheet?" tanong ko pagkatapos malinis ang kwarto.
"Hmm sa pagkakaalala ko sa kabilang kwarto iyon nakalagay, sa kwarto ni lola." sabi nito.
"Sige linisin muna natin ang lahat ng kwarto, tapos tiyaka natin lagyan ng sapin ang kwarto mo." ako.
Iyon nga ang ginawa namin nilinis din namin ang kabilang kwarto hanggang pumasok kami sa kahuli-hulihang kwarto. Nang buksan ko iyon agad bumungad sa akin ang painting nito na hindi pa tapos. Ngunit kahit hindi pa ito tapos, masasabi ko ng napakagaling nito.
"Dito naman ako nagpipinta. Medyo nalinis ko na ito kaya hindi na masyadong magulo." nakangiting sabi nito.
Inayos lang namin ang mga basurang nakakalat. Nakita ko ang drawing book nito kung saan nakalagay ang mga sketches nito. Isa-isa kong binuklat ang mga iyon. Napangiti ako sa sobrang ganda ng mga iyon. Hanggang sa kahuli-hulihang ginuhit nito ay ang isang babaeng umiiyak sa gitna ng airport habang nakaluhod at nakayuko. Bigla akong napatingin sa gawi nito kaya nalaman kung nakatingin din pala ito sa akin.
"Ako 'to 'di ba?" tumango ito.
"Pero bakit mo 'ko ginuhit?" takang tanong ko. Lumapit ito sa akin at kinuha ang drawing book nito.
"'Di ba sabi ko sa 'yo nakita ko ang sarili ko sa 'yo. Dahil kagaya mo, iniwan din ako ng taong mahal ko roon mismo sa airport." paliwanag nito. Hindi na ako nagtanong ulit.
Matapos linisin ang taas at malagyan ng kurtina, sapin at punda ang kwarto nito bumaba ulit kami.
"Pahinga muna tayo roon sa kusina. Tiyaka na natin ipagpapatuloy ang paglilinis." sabi nito. Sumunod naman ako rito.
"Gutom na ako. Hindi pa ako nakapag-grocery kaya ramen lang mayro'n ako, dala ko pa ito mula Korea." Tyron.
"Okay na iyan, mahilig din naman ako sa maanghang kaya mag-diet muna tayo." sabi ko.
"Sige, ito muna pantawid gutom natin libre na lang kita mamaya sa restaurant para makabawi naman ako." sabi nito.
Nagsalang na ito ng tubig para painitin, maya-maya rin ay kumulo na ito tiyaka niluto ang ramen doon at nang maluto na nilagyan nito ng itlog ang itaas no'n. Bigla tuloy akong natakam kumain dahil parang biglang ang sarap humigop ng sabaw.
Hindi na namin hinintay na lumamig ang ramen kaya pinagtulungan naming ubusin iyon. Sabay pa kaming nagtawanan nang makitang wala ng laman ang kaserola.
Pinagpawisan kami sa ramen na kinain namin kaya pumunta kami sa maliit na balkonahe sa taas ng bahay para magpahangin habang umiinom ng kape.
"Ang tagal na rin mula nang naglalaro pa tayo ng habulan diyan sa labas." sabi nito habang nakatingin sa ibaba kung saan kami naglalaro noon.
"Oo nga. Parang kailan lang." sagot ko naman.
Bigla kaming natahimik habang iniisip ang nakaraan. Pagkatapos makapagpahinga umalis na rin kami roon para ipagpatuloy ang paglilinis.
Pagod na pagod akong naupo sa sofa ng salas matapos linisin ang buong bahay. Mag-aalas 3 na iyon ng hapon. Hindi ko namalayang unti-unti na pa lang pumikit ang mga mata ko hanggang sa mahiga ako sa sofa at makatulog.

YOU ARE READING
Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)
ActionIsang boyish na babae si Yesha Dhel Gonzales at lihim na humahanga sa isang vlogger na si Dylan Josh Fernandez. Upang makita at mapansin ng iniidolo gumawa siya ng paraan para mapalapit dito. Nakapasok siya sa boutique na pag-aari ni Dylan bilang is...