Yesha’s P.O.V.
Pagsapit ng alas 4:20 ng hapon ay umalis na rin kami dahil mga 30 minutes din ang byahe papuntang simbahan. Sa byahe tahimik lang ako.
Saktong alas 5:00 at mag-uumpisa na ang misa. Sa bandang hulihan na kami naupo dahil iyon na lang ang bakante. Nagkataong magkatabi kami nito. Tungkol sa pagpapatawad ang sermon ng pari na talaga namang nasapol ako sa bawat katagang binibitawan nito. Pero hindi ko iyon pinahalata na apektado ako. Nang magbigay na ng peace offering sa mga katabi nakipagbeso sa akin ang mga kaibigan ko. Nginitian ako ni DJ nang mapalingon ako sa tabi nito. Bigla itong may inilagay sa kamay ko.
"Ano ‘to?" kunot-noong bulong ko.
"Peace offering." nakangiting ganti nito.
Gusto ko sanang ibalik ngunit bigla ng tumahimik ang lahat kaya wala na akong choice kung ‘di ilagay sa bag ang binigay nito. At saka ko na lang iyon ibabalik dito.
Bandang alas 6:30 na ng matapos ang mesa. Dahil madilim na kaya hindi na tumanggi ang mga kaibigan ko nang mag-offer si DJ na ihatid kami. Una nito inihatid ang mga kaibigan ko.
"Ang kukulit kasama ng mga kaibigan mo." sabi nito nang makapagsolo kami.
"Girlfriend ko ang isa roon baka nakalilimutan mo." sagot ko.
"Ehem. Seryoso ka ba sa kanya?" tanong nito.
"Oo naman, mahal ko si Kate bakit mo naman naitanong?" pagsisinungaling ko.
"Pa’no kong hindi kayo pareho ng nararamdaman?"
"Bakit mo naman na itanong ‘yan? ‘Wag ka mag-alala dahil alam kong pareho kami ng nararamdaman." sabi ko. Bigla itong tumahimik at hindi na muling nagsalita hanggang nakarating kami sa may labasan.
Gusto pa sana siyang ihatid nito hanggang sa loob pero tumanggi ako.
"Salamat."
"Walang ano man." sabi nito.
Tinalikuran ko na ito at pumasok na sa loob ng eskinita. Na sa gitna pa lang ako ng mapansin kong may mga grupo ng mga kalalakihan ang nakaharang sa dulo ng eskinita. Kinabahan ako pero hindi ko iyon pinahalata. Tuloy-tuloy pa rin akong humakbang.
"Nakita rin kita ulit. Pinahirapan mo pa kami sa paghahanap sa ‘yo." Nakangising sabi ng isa.
Nagtaas ako ng tingin. Nagulat ako nang makilala ito. Ito lang naman ang lalaking nakaaway ni Liam ng araw na iniligtas ako nito.
"Siguro hindi mo nakalimutan ang atraso mo dahil maniningil ako ngayon." nagtawanan ang mga ito.
Mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot nang sandaling iyon. Gusto ko sanang umatras at bumalik ngunit paglingon ko ay mayro’n ding mga lalaking nakatayo sa likuran ko. Bigla tuloy akong nagsisi na hindi ako nagpahatid kay DJ. Na-corner ako sa gitna siguro mga 15 na mga tao ang nakapalibot sa akin.
Unti-unting lumapit sa akin ang pinaka-leader ng mga ito. May bitbit itong baseball bat. Hahatawin na sana ako nito ng may biglang tumalon mula sa mataas na pader sa gilid ko. Para itong isang Super Hero na bigla-biglang sumusulpot kapag may nangangailangan ng tulong. Iginiya ako nito sa likuran nito. Nagulat pa ako nang makilalang si Dylan iyon. Hinubad nito ang jacket na suot nito na ipinatong sa suot nitong damit ko na pinahiram dito kanina.
"I don't want you to watch me fighting those thugs. So I want you to close your eyes and count 1-50." seryosong utos nito at tinalukbong sa ulo ko ang jacket na hinubad nito.
Napaupo ako mula sa kitatayuan ko, dahil nanginginig ang tuhod ko nang umalis ito sa harapan ko. Unti-unti ko ngang pinikit ang mga mata. Tanging mga huni ng suntok, sipa at mga katawang natutumba ang naririnig ko. Sinubukan kong magbilang hanggang 50 at napansin kong unti-unti akong kumakalma.
41
42
43
44Biglang may humblot sa jacket na nakatalukbong sa akin. Nagtaas ako ng tingin at ang duguang mukha ni Dylan ang nasilayan ko. Nakangiti itong tumingin sa akin. Nakaramdam ako ng pag-aalala rito. Tumayo ako sa harapan nito at lumingon sa paligid kung saan isa-isang nakahiga ang mga lalaki. Muling ibinalik ko ang tingin kay DJ at nagtatakang tinitigan ito.
"W-who are you? P-paanong nakaya mo silang patumbahin lahat?" ako.
Saglit itong natahimik bago magsalita ulit.
"’Wag kang mag-alala dahil hindi ako vampire o isang goblin na may super powers." nakangiting sabi nito
"Bakit mo tinabunan ang mukha ko kung wala kang itinatago?" tanong ko.
"Dahil ayaw kong matakot ka sa akin." sagot nito.
Dylan's P.O.V.
Parang may kung anong pwersa ang nag-uutos sa akin na sundan ko si Yesha kaya hinabol ko ito kaya nakita kong pinapalibutan ito ng mga lalaki. Palihim akong umakyat sa pader at tumalon mismo malapit sa kinatatayuan ni Yesha. Alam kong takot ito nang mga sandaling iyon.
Dahil doon kinuha ko ang jacket ko at tinalukbong dito. Sabi kasi ng kagrupo ko na nakatatakot akong tingnan kapag nakikipag-away kaya ayaw ko ng dagdagan pa ang takot nito. Aaminin kong brutal nga ako pagdating sa labanan kaya mas mabuti ng hindi nito makita iyon.
Inihatid ko na ito hanggang sa gate ng bahay nito dahil ramdam ko pa rin ang takot nito. Matapos kong ma-sure na na sa loob na ito ay binalikan ko ang mga lalaking binugbog ko.
"Kapag nakita ko pa kayo ulit na umaaligid sa babaeng iyon, hindi lang iyan ang aabutin niyo dahil sisiguraduhin kong paglalamayan na kayo kapag nakita ko kayo ulit." galit kong banta sa mga ito.
Nilampasan ko na ang mga ito na hirap pa ring bumangon mula sa kinasasadlakan. Bumalik na ako sa kotse lumayo na sa lugar na iyon.

YOU ARE READING
Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)
ActionIsang boyish na babae si Yesha Dhel Gonzales at lihim na humahanga sa isang vlogger na si Dylan Josh Fernandez. Upang makita at mapansin ng iniidolo gumawa siya ng paraan para mapalapit dito. Nakapasok siya sa boutique na pag-aari ni Dylan bilang is...