Chapter 61

692 18 0
                                        

Dylan's P.O.V.

Mag-aalas 10:00 na ng umaga pero hindi pa rin bumababa ng kwarto si Yesha. Hindi pa ito kumakain dahil gusto raw nitong matulog muna. Si Ayesha naman ay kanina pa umalis. Si Tita Karla naman ay nagpaalam para bumili ng bagong lock ng pinto.

Pinuntahan ko si Yesha sa kwarto dahil nag-aalala na ako. Kinatok ko ito ngunit walang sumasagot. Sinubukan kong pihitin ang siradora ng pinto. Hindi iyon naka-lock kaya pumasok ako para i-check ito.

Nakahiga ito sa kama. Punong-puno ng pawis ang noo nito kaya napasugod ako rito. Dinama ko ang noo nito sa pamamagitan ng likod ng palad ko. May lagnat nga ito. Naghalungkat ako ng bimpo sa aparador nito at pinunas sa mga pawis nito.

"Hmm." umungol ito.

"May masakit ba sa ‘yo?" mahina kong tanong.

Unti-unti itong nagmulat ng mga mata. Napatingin ito sa akin.

"DJ, ‘wag ka ng umalis please. Medyo nagulat ako roon pero mas nananaig ang pag-aalala ko rito.

Hinawakan ko ang kamay nito.

"Nandito lang ako. Hinding-hindi na kita iiwan." sabi ko.

Aalis sana ako para basahin ng maligamgam na tubig ang bimpo at kumuha na rin ng gamot ng bigla nitong pigilan ang kamay ko.

"Yesh. Kukuha lang ako ng gamot mo. Babalik agad ako." bulong ko sa tenga nito.

Binitiwan naman nito ang kamay ko kaya mabilis na akong bumaba.

Umakyat ulit ako ng kwarto nito dala-dala ang maliit na palanggana na may lamang tubig at bimpo.

Magluto muna ako ng lugaw para magkalaman ang tiyan nito bago bigyan ng gamot.

Kinapa ko ang likod nito dahil napansin kung basang-basa iyon. Naisip kong palitan ang suot nito baka magkapulmonia pa siya.

Nanginginig ang mga kamay ko habang unti-unting inaangat ang damit na suot nito. Sanay na akong nakakikita ng hubad na katawan ng babae pero nanginginig ang mga kamay ko kay Yesha.

Alam kong wala itong suot na bra. Kaya tinabunan ko ng kumot ang kahubaran nito dahil malaki ang respeto ko rito.

Para akong tumakbo sa field ng ilang beses matapos itong palitan ng damit. Bumaba muna ako para payapain ang nag-iinit na damdamin at uminom ng malamig na tubig. Tiningnan ko rin ang lugaw na niluto ko.

Pagkabalik ko ng kwarto bitbit ang lugaw nakita kong gising na ito. Tumingin ito sa akin. Lumapit ako rito at naupo sa gilid nito.

"Kumain ka na para makainom ka na ng gamot mo." Ako.

Kinuha naman nito ang bowl ng lugaw sa kamay ko at kinain. Nangalahati nito ang dala kung lugaw. Iniabot ko sa kanya ang tubig at ang isang tableta ng gamot. Matapos makakain at makainom ng gamot natulog ulit ito. Binantayan ko lang ito.

Yesha's P.O.V.

Pagmulat ng mga mata ko si Dylan ang una kong namulatan. Nakayuko ito sa kama na tinutulugan ko habang nakaupo sa isang upuan.

Hinawi ko ang kumot na tumatakip sa katawan ko dahil nakaramdam ako ng init. Doon napansin kong iba na ang suot kung damit. Wala pa naman akong suot na bra dahil hindi ako nagsusuot kapag natutulog.

Biglang nag-init ang mukha ko nang maisip na ito ang nagpalit ng damit ko.

"How dare you." pinalo ko ng unan ang natutulog na si DJ.

Bigla naman itong napatayo sa ginawa ko.

"What's wrong?" takang tanong nito.

"Bakit mo ‘ko hinubaran ha?" galit kung sabi.

"Hindi kita hinubaran kung ‘di pinalitan ko ang damit mo na basang-basa na ng pawis." paliwanag nito.

Binale-wala ko ang sinabi nito.

"Napakamanyak mo talaga. Hindi mo na ako ginalang, pinagsamantalahan mo pa ako. Pinatira ka na nga ni mommy rito tapos ito pa ang gagawin mo sa akin." galit kong sabi rito.

Biglang nalungkot ang mukha nito. Kaya natigilan ako.

"Ganyan ba kasama ang tingin mo sa akin? Sa tingin mo ba. Kaya kong gawin sa ‘yo ‘yang binibintang mo sa akin? Kung respeto lang ang pag-uusapan. Sana ikaw ang mas nakakaalam niyan." mahaba nitong sabi.

Bigla akong nakaramdam ng guilt sa masasamang sinabi ko rito. Gusto kong humingi ng tawad ngunit ayaw ng pride ko. Tumayo ito at malungkot na umalis.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now