Chapter 55

670 23 1
                                        

Dylan's P.O.V.

Nakahiga na ako sa comforter na binigay kanina sa akin ni Tita habang yakap-yakap ang unan na binigay naman ni Yesha. Parang naaamoy ko roon ang natural na amoy ni Yesha na namiss ko rin dito.

Ang hirap parin paniwalaan na na sa loob na ako ng pamamahay nito. Masayang-masaya ako dahil sa kabila ng nagawa ko mainit pa rin akong tinanggap ng ina nito.

Napatitig ako sa kisame habang nakapatong ang isa kung kamay sa noo ko. Muli kong inalala ang mga masasayang pinagsamahan namin ni Yesha. Unti-unti kong pinikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. Sa nakalipas na 3 buwan, ito ang unang beses na natulog ako ng mahimbing.

Kinabukasan maaga ako nagising dahil balak kong ipaghanda ng makakain ang pamilya ng babaeng mahal ko. Pagkababa ko ay nakita ko si Tita Karla na nagwawalis sa kusina.

"Good morning po Tita." nakangiti kong bati.

"Good morning din, kumusta tulog mo? Hindi ka ba namamahay?" Tita.

"Hindi naman po, ang totoo nga po napasarap ang tulog ko." Ako.

"Mabuti naman kung ganoon. Maupo ka lang muna riyan ipagtitimpla kita ng kape." Tita.

"‘Wag na po, ako na lang po. Ako na nga po ang nakikitira nakakahiya naman kong pagsisilbihan niyo pa po ako." tanggi ko.

"Ikaw naman, hindi ka naman ibang tao kaya ‘wag ka ng mahiya. Pero sige, kung ‘yan ang gusto mo feel at home ka na lang." Tita.

"Tita pwede po bang ako na lang ang magluto?" hiling ko rito.

"Hmm, oh sige masarap ka naman magluto. Kaya ikaw na ang nakatuka sa pagluluto." nakangiting pagpayag nito.

"Salamat po Tita." nakangiti kong ganti.

Matapos magkape nagsimula na rin akong magluto ng makakain. Sinangag ko muna ang natirang kanin kagabi, tiyaka ako nagbukas ng ref. Nag-decide akong magluto ng tortang talong para sa breakfast at piniritong isda.

Tamang-tama lang na natapos ko ang pagluluto nang naghihikab pang bumaba ng hagdanan si Yesha. Bigla tuloy akong napangiti dahil napaka-cute nito habang gulong-gulo pa ang buhok.

Naitikom nito ang bibig nang makita akong nakatingin.

"Mom, sarap ng breakfast natin ah." sabi nito sabay upo sa nakahanda ng mesa.

"Si Dylan ang nagluto niyan." nakangiting sabi ni Tita.

"I see. Sandali lang tatawagin ko si Ayesha para sabay na tayong kumain." Yesha.

"‘Wag na maupo ka na lang ulit diyan at ako na ang tatawag sa kapatid mo." pigil ni Tita rito kaya naupo ito ulit mula sa pagkakatayo.

Wala kaming imik ni Yesha nang umalis ang ina nito. Kumuha na lang ako ng mga plato at inilapag sa mesa.

"Hanggang kailan mo balak manatili rito?" biglang tanong nito ng inilapag ko sa harap ang plato na para rito.

"Hanggang hindi ako pinapaalis dito. Kung habang-buhay akong patitirahin dito mas mabuti." sabi ko at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Dumating naman agad si Ayesha at ang mommy nito.

"Wow, sarap ng ulam natin ah." bungad ni Ayesha sabay upo.

Yesha's P.O.V.

Sa buong buhay ko ngayon lang yata ako nasarapan sa sinangag. Naparami tuloy ang nakain ko. Kaya hindi ko rin maiwasang mapapadighay. Bigla tuloy nag-init ang pisngi ko nang sa akin nakatutok ang mga tingin ng mga ito.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now