Chapter 38

615 22 0
                                        

Yesha's P.O.V.

Nakita ko si DJ na nakaupo sa isang bench sa park na malapit sa boutique. Walang tao roon dahil tanghaling tapat. Hindi rin mainit sa kinauupuan nito dahil na sa ilalim iyon ng malaking puno.

Dahan-dahan akong lumapit dito at tinabihan ito. Nakita ko pa iyong nagpahid ng luha.

"Moon ko. 'Wag ka ng magalit. I know na nag-aalala ka lang sa 'kin pero 'wag na tayong magsayang ng oras para maghanap pa ng babae." panimulang paliwanag ko rito. Hinarap ito sa akin.

"Hindi ba talaga pwedeng maghintay ka lang dito?" DJ.

"Kapag isa ba sa mahal mo sa buhay ang nanganganib maghihintay ka na lang ba, kung pwede ka man lang tumulong?" tumahimik ito sa tanong ko.

"I'm scared. Ayaw kong mapahamak ka ng dahil sa maling desisyon ko." sagot nito. Nakita ko sa mata nitong takot nga ito, kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Alam mo ba kung bakit hindi ako natatakot? Dahil nandiyan ka. Naniniwala kong ililigtas mo 'ko sa ano mang panganib." Ako.

"Kaya kitang protektahan--" DJ.

"Then payagan mo 'ko. Alam kong maililigtas natin si Ayesha kapag magtulungan tayo." agaw ko sa sinabi nito.

Tumahimik ito saglit.

"Alright. Basta ipangako mong susundin mo lahat ng plano natin. 'Wag kang magpadala sa emosyon." Sa huli ay pumayag din ito sa pangungulit ko.

Sinimulan nilang planohin ang gagawin. Ganito ang mangyayari. Ako ay mamimigay ng mga flyers sa labas na parang hinahanap ko ang kapatid ko. Tapos silang lima magmamasid sa paligid at bantayan bawat kilos ko. Hahayaan nila akong maisakay sa van. Lalagyan nila ako ng tracker na if makawala kami sa kanila malo-locate nila kung saan ako dinala.

Sumapit ang gabi, oras na para isakatuparan namin ang plano. Nag-aayos na ako at isinuot ang kwentas na may tracker sa loob. Nilagay ko din ang maliit na hikaw kung saan may audio na nandoon. Kaya maririnig ko ang mga sinasabi nila kaya hindi ako masyadong kinakabahan dahil alam kong may nagbabantay sa akin. Nag-taxi ako papunta sa lugar kong saan madalas na gumagala ang van habang palihim namang nakasunod ang mga ito.

Nagsimula na akong mamigay ng flyers sa mga taong dumadaan ngunit walang nagpakita. Actually nananakit na ang mga paa ko, pero hindi ko iniinda iyon dahil mas mahalagang mailigtas ko si Ayesha.

Lumipas ang 3 araw na gano'n lang ang ginagawa ko, nang may lumapit sa akin na isang lalaking kahinahinala ang hitsura.

"Hi miss, hinahanap mo ba ang kapatid mo?" tanong nito.

"Opo. Kilala niyo po ba ang babaeng na sa larawan? Kapatid ko po siya." tanong ko. Kinakabahan na ako pero hindi ko ipinahalata. Narinig ko pa si Dylan sa audio.

"I'm watching kaya 'wag kang mag-alala." iyon ang sinabi nito.

"Alam ko kung nasaan ang kapatid mo." sumunod ako sa lalaki.

Huminto kami sa isang van na puti at mabilis akong hinawakan ng lalaki sa braso at pwersahang ipinasok sa loob. Napaaray ako sa higpit ng paghawak nito kaya narinig ko ang sabi ni DJ sa audio.

"Shit! I will kill that guy kapag nakita kong namumula 'yang braso mo." narinig kong sabi nito. Imbes na kabahan ay napangiti pa ako.

"Bakit ka ngumingiti?" sita ng isa.

"Syempre, dahil makikita ko na ang kapatid ko at maililigtas namin siya pati ang ibang kini-kidnap." palusot ko.

"Tanga ka ba? Hindi mo ba alam na kidnaping ito?" sabi ng isa.

"Sabi niyo dadalhin niyo ako sa kapatid ko?" ako.

"Ahh, oo nga. Para ibenta kayo ng sabay." nagtawanan ang mga ito. Tumahimik na lamang ako hanggang sa dalhin ako ng mga ito sa isang bahay. Alam kong nakasunod ang mga ito sa kinaroroonan ko kaya hindi ako natatakot. Hinila ako ng isa palabas ng van at ipinasok sa bahay.

Dinala ako nito sa isang silid. Madilim iyon at may apat na babae pa ang nandoon. Agad kong tiningnan isa-isa ang mga ito ng umalis ang lalaking nagdala sa akin.

Nagulat pa si Ayesha nang makita ako. Agad ko itong niyakap.

Dylan's P.O.V.

Parang gusto kong patayin ang lalaking humihila kay Yesha. Pero kinakalma ko lang ang sarili para masunod ang plano namin.

"Moon. Nakita ko na si Ayesha, na sa isang kwarto kami." narinig kong sabi ni Yesha.

Iyon ang hudyat na hinihintay ko at pinasok ang kuta ng mga ito. Isa-isa naming pinatumba ang mga nagbabantay roon. Sina Zyrus at Liam ang naiwan sa labas sina Dwight at Clark naman ay kasama ko sa pagpasok sa loob. Hinanap ko ang kwarto na kinalalagyan ni Yesha.

"My moon." tawag sa akin ni Yesha ng makita ako nito. Nakita ko ang apat pang babae na nandoon maliban kay Yesha. Isa-isa ko ng pinalabas ang mga ito nang sabihin sa akin si Zyrus na clear na sa labas.

Iginiya ko ang mga babae patungo sa labas habang si Yesha ay hawak -hawak si Ayesha.

May sampung tao ang nahuli ng mga kasama ko at nakagapos sa labas maliban sa mga napatay nila. Maya-maya ay dumating si Dwight bitbit nito ang duguang lalaki na hinuha ko ay ang leader ng mga ito.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang mga pulis. Ni-turn-over namin dito ang mga nahuling kriminal. Iyon lang ang papel namin ang hulihin ang mga ito at ang mga pulis na ang bahala sa iba.

Kailangan pang hingan ng statement sina Ayesha at Yesha dahil kasama ito sa mga dinukot. Ako na ang sumama sa mga ito sa pulisya. Pinabalik ko na muna ang mga kasamahan ko.

Matapos pumunta sa pulisya. Inihatid ko na rin ang magkapatid sa bahay ng mga ito. Agad naman silang sinalubong ni Tita Karla. Sinabihan ko na si Ayesha na e-sekreto na kami ang nagligtas dito. Naintindihan naman nito ang ibig kong sabihin. Hindi na ako nagtagal doon at umalis na dahil ire-report ko pa sa head office ang nangyari ngayon.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now