Chapter 19

898 30 0
                                        

Dylan's P.O.V.

Bumalik ako agad sa loob. Pakiramdam ko kasi kailangan kung mag-explain kay Yesha sa nangyari. Wala ito sa loob pagkapasok ko. Umupo muna ako para makapag-isip ng maayos. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas doon si Yesha na para bang wala itong nakita at dumeretso sa counter. Tumikhim muna ako para alisin ang nakabara sa lalamunan ko bago ito lapitan at kausapin.

"Tungkol pala sa sinabi ni Lyndi kanina ‘wag ka sanang maniwala dahil exaggerated lang magsalita ‘yon." shit! Bakit ako biglang kinabahan.

"Alin ba roon ang tinutukoy niyang exaggerated?" simpleng sabi nito

"Ahh e ‘yong 12 inches." naiilang kong sabi rito.

"Ano ba ‘yong 12inches?" inosenteng tanong nito.

Shit! Bakit bigla akong nakaramdam ng hiya sa isang babae? Mukhang wala naman itong idea sa tinutukoy ko.

Biglang dumating ang mga kaibigan ko kaya hindi na ako nakasagot dito.

"Ano ba ang pinag-uusapan niyong dalawa bakit ganyan mga mukha ninyo?" tanong ni Clark.

Umupo ito sa pahabang upuan na inupuan ko kanina.

"Tinatanong kasi ako ni Dylan tungkol sa 12---" mabilis kong tinakpan ang bibig nito bago pa nito tapusin ang sasabihin.

"Wala iyon, tungkol lang iyon sa ika-12 na araw ngayong buwan inaaya ko kasi si Yesha at mga barkada niya na mag-unwind sa resort namin total walang pasok ng araw na iyon. Sagot ko lahat ng gastos." palusot ko.

Mabuti na lang nakita ko ang kalendaryo sa harap ko at mabilis akong nakapag-isip.

Kinuha ni Yesha ang kamay ko na nakatakip sa bibig nito. Buti na lang at tumahimik na ito.

"Kasali ba kami r’yan?" Zyrus.

"Oo naman! Mas masaya kasi kapag marami." pilit ang ngiti kong sagot.

"Okay game. Matagal na ring ‘di tayo nakapagbakasyon. Mag-overtime tayo. Bali aalis tayo Saturday ng hapon para sa Linggo ng hapon tayo makauuwi." Clark.

"Yesh ano sa ‘yo? Payag ka?" tanong ko rito.

"Okay sasama ako kung kasama rin sina Ate Lauren, Kate at Missio." sabi nito

"Okay deal, walang problema." masaya kung sabi.

Ito siguro ‘yong kasabihang hitting birds with one stone. Nakalusot na ako makapoporma pa ako rito.

Yesha's P.O.V.

Sinakyan ko na lang ang drama ni Dylan dahil tamad akong makipagtalo rito kahit naguguluhan ako. Ano bang mayro’n sa 12 inches bakit ayaw nitong sabihin ko. Isa pa nakita ko ring namula ang tenga nito. Bahala na nga ito.

Mahilig ako sa tubig kaya pumayag ako rito. Isa pa libre iyon kaya mahirap na rin tumanggi.

Ngayon ako pa yata ang target landiin ng Dylan na ‘to. Pwes bahala siya dahil kahit kailan hindi ako magpapadala sa mga pang-aakit nito ngayon pang alam ko kung paano ito magdispatsa ng babae.

"Hey. Anong iniisip mo?" tinabihan ako ni Liam.

"Wala, may naalala lang ako." sagot ko.

"Siya nga pala. Matagal na ba kayo magkakilalang lima?" curious kong tanong.

"Yeah. Mga tatlong taon na rin." Liam.

"So, kilala niyo na ang isa’t-isa?" Ako.

"Tulad ng iba, hindi lahat alam namin ang sekreto ng bawat isa. May mga bagay rin tayong dapat sarilihin." Seryosong sabi nito.

Sabagay tama nga naman ito.

"Anong pinag-awayan niyo ni DJ nang nakaraan?" tanong ko ulit.

Nag-iwas ito ng tingin.

"Wala lang iyon may kaunting ‘di pagkakaintindihan lang."

"Ang seryoso niyo ah." si Dylan iyon.

"So ano naman sa ‘yo?" Ako.

"Wala gusto ko lang kuhanin ang attention mo baka makuha ng iba." sabay tingin kay Liam.

"Guys, mag-bar tayo ngayon." biglang sigaw ni Clark.

"Pass ako ngayon, kayo na lang." Dylan.

"Wait si Dylan ba ‘yon?" Zyrus.

"Parang nagkaroon yata ng himala. Dylan, nilalagnat ka ba?" Clark.

"Pano naman ‘yong mga babae mo ron? Siguradong maghihintay sa ‘yo ang mga iyon." Zyrus.

"Tumahimik nga kayo baka isipin ni Yesha gano’n ako kasama." Dylan.

"Bakit hindi ba? Totoo namang mahilig ka magpalit ng babae dahil madali kang magsawa." Liam.

"Pero nakalimutan mo yata na kapag nainlove ang isang playboy, nagbabago rin." sagot ni Dylan na kay Liam nakatingin.

"Nagpapatawa ka ba? Ang pagkakaalam ko walang mga puso ang mga lalaking katulad mo." Liam.

"Walang puso? Then, how I can love Yesha kung wala akong puso?" seryosong sabi nito.

Nagulat pa ako sa pag-amin nito sa harap ng mga kaibigan nito. Alam kung isa lang iyon sa diskarte nito pero bakit parang gustong maniwala ng puso ko.

"‘Wag ka maniwala sa lalaking ‘yan Yesh." Liam.

"Ayan na naman kayo at nagsisimula ng gulo." Dwight.

Bigla namang tumahimik ang mga ito.

"‘Wag kayong mag-alala alam ko kung gaano ka makamandag sa babae ‘yang si Dylan dahil nakita mismo ng dawalang mata ko. Hindi ako tanga para maniwala sa kasinungalingan niya." seryoso kong sagot.

Pumunta nga sa bar ang mga ito ngunit nagpaiwan si Dylan. Pinanindigan nga nito ang sinabing hindi sasamang mag-bar.

"Ihahatid na kita dahil dumidilim na, masyadong delikado na ang daan ngayon." sabi nito.

Dahil nga bigla ko rin naalala ang nangyari noon pumayag na lang akong ihatid nito. Sumakay ako sa kotse nito.

"Mahirap ba talagang paniwalaan na mahal kita?" tanong nito.

Napalingon ako sa gawi nito.

"Honestly, yes kaya tigilan mo na ako dahil hindi ako maniniwala sa ano mang sasabihin mo." Ako.

"Sabagay, ‘di kita masisisi pero hindi ako titigil na patunayan sa ‘yong mahal kita." malungkot nitong sabi.

Namayani sandali ang katahimikan kaya nagtanong ako.

"Paano mo naman nasasabing love nga ‘yang nararamdaman mo para sa akin?" Ako.

"Because I never felt this way before." sabay tingin sa kanya. Bigla akong nailang sa titig nito.

"Ikaw lang ang nagpatibok sa puso ko ng mabilis."

Hindi ko kayang salubungin ang titig nito kaya umiwas ako ng tingin.

"Sa raan ka nga tumingin baka maaksidente pa tayo sa ginagawa mo." Ako.

Inihinto nito sa tabi ang kotse at muling hinarap ako.

"Mahal kita at iyon ang alam ko." Kinuha nito ang kamay ko at inilagay sa dibdib nito.

"Kaya tumitibok ‘yan ng ganyan kabilis dahil alam kong mahal kita."

Binawi ko ang kamay na na sa dibdib nito dahil bigla akong napaso sa paghawak nito. Pero tama ito. Malakas ang pintig ng puso niya ng oras na iyon. Pero ayaw ko pa rin paniwalaan ito.

"Umalis na tayo dahil gusto ko ng magpahinga." sabi ko.

Binuhay naman ulit nito ang makina ng sasakyan, hindi na ito nagsalita pa ulit hanggang sa maihatid ako nito sa bahay.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now