Yesha's P.O.V.
Simula ng araw na ma-kidnap ang kapatid ko mas naging protective pa si Dylan sa akin. Lagi itong dumadalaw sa bahay. Marami na rin kaming nagawang blog na magkasama. Ang masasabi ko lang sa paglipas ng tatlong buwan mas tumibay pa ang relasyon namin. Mas nakilala ko pa ito. Napaka-sweet at caring nito.
Ngayong araw ang ika-tatlong buwan namin. May nagpadala ng mensahe sa akin na isa sa fan nito na i-prank ko raw si Dylan na kunwari makikipagbreak ako rito. Agad naman akong pumayag dahil gusto ko ring malaman ang reaksyon nito kung makikipagbreak ako rito.
Nagpre-prapare na nga ako para sa gagawing prank dito. Maaga akong gumising dahil plano kong gawin ang prank sa boutique nito kaya alas 5:30 pa lang ay nandoon na ako sa shop. Agad akong naghanap ng lugar kung saan ko itatago ang camera na hindi nito mapapansin.
Pinili kong ilagay iyon sa dulo ng mga damit na nakadisplay. Maganda ang place na iyon dahil kuhang-kuha ang buong shop.
Maya-maya ay dumating si Dylan ngunit kasama nito sina Clark at Zyrus.
Hindi ko tuloy alam kung saan mag-uumpisa dahil bigla akong nahiya sa mga kasama nito.
"Hi Yesh. Nakasimangot ka yata may problema ba?" thanks sa tanong mo Zyrus nagkaroon ako ng pagkakataong mag-umpisa.
"May balita kasi akong natanggap na nag-uumpisa na naman daw makipaglandian sa ibang babae si Dylan." seryosong sabi ko para effective kahit gusto ko ng tumawa sa pagkunot ng noo nito
"Saan mo naman natanggap ang balitang iyan? Alam mo namang ikaw lang ang babae sa buhay ko." DJ.
"Alam mo bang hindi na pumupunta sa bar ‘yan mula nang naging kayo." Clark.
"E, ano ang ibig sabihin nito?" sabay lapag sa picture na pina-photoshop pa ni Kate para may ipakitang ebidensiya rito. Nag-umpisa akong umiyak para effective ‘di ba
"What the f! Hindi ko alam kung anong nangyayari. Bakit mayro’n kang ganitong picture?" nagpa-panic na ang boses nito
"Dylan ayaw ko na. Niloloko mo lang naman ako. Akala ko nagbago ka na." ako.
"Star, please. Pakinggan mo muna ‘ko, maniwala ka sa akin ikaw lang ang mahal ko." DJ.
"Mabuti pang mag-break na lang tayo DJ. Ayaw ko na sa ‘yo. Doon ka na lang sa mga babae mo." sabay hagulgol ko para mas effective.
Bigla naman ako nitong nilapitan at niyakap.
"Yesh, please. ‘Wag mo namang gawin sa akin ‘to oh. Hindi ko alam ang picture na ‘yan. Alam mo namang hindi kita kayang saktan at hinding-hindi ko magagawa ang bagay na ‘yan." gumaralgal na ang boses nito.
Umakto akong umalis pero joke lang, dahil alam ko namang pipigilan ako nito. Tama nga ako dahil niyakap ako nito sa likuran. Nag-umpisa na ring pumatak ang luha nito kaya nakaramdam tuloy ako ng guilt.
"Star ko, ayaw kong mag-break tayo. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Please, ‘wag kang umalis mahal na mahal kita." nakita ko ring seryoso ang mukha nina Zyrus at Clark.
"Yesh. Kausapin mo ‘ko, tumingin ka sa mga mata ko. Hindi mo ba nakikitang ikaw lang ang nakikita ko?" hinarap niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko para magtama ang mga mata namin.
"Totoo bang ako lang ang mahal mo? Na wala ng iba riyan sa puso mo?" ako.
"Hindi mo ba nararamdaman ‘yon? Ano pa ba ang gusto mong sabihin o gawin ko para hindi mo na pagdudahan ang pagmamahal ko?" DJ.
"Nakita mo ba ‘yang na sa dulo? Puntahan mo tapos dalhin mo sa akin," turo ko sa camera. Mabilis nga nitong kinuha iyon at nakita kung kumunot ang noo nito habang naglalakad palapit sa akin.
"Camera? Bakit may camera rito?" takang tanong nito.
"I’m sorry my moon, it’s a prank." nakangiti kong sabi.
"Talaga? Hindi totoong makipag-break ka sa akin?" tanong nito sabay lapag ng camera sa may table.
"Oo naman. Mahal na mahal kaya kita, kaya bakit naman ako makikipag-break sa ‘yo." paglalambing ko rito.
"Ikaw talaga, napakakulit mo." sabi nito sabay kurot ng dalawa kong pisngi.
"Sorry ha? May nag-request na i-prank daw kita e." ako.
"Alam mo bang sobra akong kinabahan sa ginawa mo, ha? Makatitikim sa akin ‘yang nag-request na ‘yan." sabi nito sabay kiliti sa tagiliran ko. Naghabulan tuloy kami sa loob ng boutique.
"‘Wag mo na ulit gagawin ‘yon ha? Alam mo bang para akong hihimatayin sa sobrang sikip ng dibdib ko kanina ng marinig ko ‘yong break na word? Ang dami ko ng naiisip. Akala ko talaga mawawala ka na sa akin." sabi nito at mahigpit akong niyakap nito.
"I love you so much moon, kaya hindi mangyayari ‘yang kinatatakutan mo. Tandaan mo na kahit anong mangyari hindi ako mawawala sa ‘yo. Hinding-hindi kita iiwan." sabi ko.
"I love you too. Dahil sa nangyari ngayon napatunayan ko rin kung gaano ako katakot na mawala ka. Hinding-hindi ko nga talaga kakayanin." masuyong sabi ni DJ.
"Teka nasaan na pala sina Zyrus at Clark?" bigla kong tanong nang mapansin kong wala na ito roon.
"Umalis na yata. Naingit siguro dahil wala silang kayakap ngayon." natatawang sabi nito.
Mahal nga talaga ako ng lalaking ito. Hindi ako nagsisi sa naging desisyon ko mula ng araw na sinagot ko ito. Niyakap ko ito ng mahigpit dahil gusto kong maramdaman nito kung gaano ko ito kamahal. Kung gaano rin ako katakot na mawala ito sa buhay ko.

YOU ARE READING
Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)
ActionIsang boyish na babae si Yesha Dhel Gonzales at lihim na humahanga sa isang vlogger na si Dylan Josh Fernandez. Upang makita at mapansin ng iniidolo gumawa siya ng paraan para mapalapit dito. Nakapasok siya sa boutique na pag-aari ni Dylan bilang is...