Chapter 50

629 17 0
                                        

Dylan's P.O.V.

Pagkaapak ng mga paa ko sa NAIA naramdaman ko ulit ang pamilyar na pakiramdam. Yeah, this is my home where the woman I love lived. Sa loob ng tatlong buwang hindi ko nakita si Yesha pakiramdam ko parang buong buhay akong nawalay rito. Miss na miss ko na ito. Nakahanda na akong harapin ang mga bagay na kinakatakutan ko noon. Kailangang malaman nito ang dahilan kung bakit ko kailangan umalis noon. Kailangan kong ipaliwanag dito kung bakit ako umalis sa oras na iyo.

Sana. Makita ko pa rin siyang naghihintay.

Kung kaya ko lang sanang balikan ang lahat. Hindi ko na sana nagawa ang kagaguhan ko noon. Hindi ko sana siya iniwan pero na sa huli nga naman talaga ang pagsisisi.

Sa mga panahong na sa Korea ako, wala akong balitang narinig tungkol dito. Hindi kasi ako kinakausap ni Ate Lauren. Wala rin akong lakas ng loob na tanungin ang mga kaibigan ko dahil alam kong galit din sila sa ginawa ko.

Sa boutique ako dumeretso. Sirado iyon kaya binuksan ko gamit ang sarili kong susi. Ang mga sapot ng mga gagamba ang unang bumungad sa akin kaya naisip kong hindi iyon nabuksan mula ng umalis ako. Napa-upo ako sa upuan sa may counter habang tinitingnan ang buong paligid.

Namiss ko rin pati ang lugar na ito. Marami kasing ala-ala ang binuo namin ni Yesha sa lugar na ito. Bitbit ang mga gamit. Muli kong isinarado ang boutique. Balak kong umuwi muna ng bahay para maligo bago puntahan si Yesha. Gusto kong makita ito kahit man lang sa malayo. Wala pa akong tulog mula pa kagabi pero hindi ako nakaramdam ng antok, mas nanaig sa puso ko na makita ito.

Sa bahay sinalubong ako ni Ate Lauren ng magkabilaang sampal. Galit pa rin ito sa ginawa ko.

"Matapos mong umalis ng walang paalam, ngayon babalik ka na parang walang nangyari?" galit nitong bulyaw.

"Kararating ko lang, pwede bang kumustahin mo muna ako bago mo ‘ko sermonan?" ako.

"Bakit naman kita kakumustahin e, nakikita ko namang okay ka lang. Kompleto pa naman ang kamay at paa mo." Lauren.

"Lauren naman. Alam mo bang miss na miss ko na ang big sister ko?" sabi ko sabay lambing dito.

"‘Wag mo ‘ko daanin sa ganyan. Galit pa rin ako dahil sa ginawa mo kay Yesha." Lauren.

Natigilan ako pagkarinig sa pangalan ni Yesha. Sa loob ng mahabang panahon iyon ang unang beses na narinig ko ang pangalang iyon mula sa bibig ng ibang tao.

"Kumusta na si Yesha?" biglang naging seryoso ang hitsura ko.

"Wow, ang kapal talaga ng mukha mo kapatid. Pagkatapos mong ganyanin ang taong nagmamahal sa ‘yo, ngayon kakumustahin mo? Hindi na ako nagpakita kay Yesha mula noong sinaktan mo ‘yong tao dahil ako ang nahihiya sa ginawa mo." Lauren.

"Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya. Kaya nandito ako ngayon para ayusin ang lahat sa pagitan naming dalawa." Ako.

"Dapat lang ‘no. Dahil hanggang hindi bumabalik sa ‘yo si Yesha ituring mo na wala ka na ring kapatid." sabi nito sabay walk-out.

Pagkatapos maligo at makapagpalit ng damit ay dumeretso na agad ako sa bahay nina Yesha. Pagdating doon pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Wala pa ring pinagbago ang mga makikita mo. Nakailang doorbell na ako ngunit walang nagbukas ng pintuan. Siguro walang tao sa loob dahil sarado pati ang mga bintana ng bahay.

Napalingon ako sa bahay na katabi nito nang marinig ko ang tawa ng isang pamilyar na boses ng babae. Doon nakita ko si Yesha na tumatawa ng malakas habang nagbabasaan sila ng tubig ng isang lalaki gamit ang hose. Napatiim-bagang ako at bigla kong naikuyom ang kamao sa dahil sa nasilayan. Bakit hindi ko naisip na posible pa lang magmahal ito ng iba noong panahong wala ako?

Hindi ko kayang tingnan ng matagal ang eksenang iyon kaya nag-decide akong umuwi para makapag-isip kung paano humarap kay Yesha.

Tyron's P.O.V.

Tinulungan ako ni Yesha na magtanin ng mga bulaklak sa harapan ng bahay. Matapos magtanim naisipan kong basain ito ng tubig mula sa hose na hawak ko habang nagbibinyag ng halaman. Bigla itong napasigaw ng tumama ang tubig sa mukha nito at sinubukang agawin sa akin ang hose kaya pati ako ay nababasa na rin.

Napuno ng halakhak namin ang buong paligid. Pareho kaming nahiga sa damuhan nang pareho kaming napagod.

"Hindi siguro ako makatatawa ng ganito kung hindi ka dumating sa buhay ko. Kaya sobra akong nagpapasalamat." nakangiting sabi nito.

"Pwede ba kitang ligawan?" seryosong tanong ko.

Natigilan ito. Pagkatapos ay biglang tumayo mula sa pagkakaupo sa damuhan.

"Pag-iisipan ko muna." nakangiting sabi nito sabay naglalakad paalis. Pero lumingon ito ulit.

"Uwi na ko. Bukas ulit." kumaway pa ito hanggang makalabas sa gate. Napangiti ako nang maka-alis ito.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now