Chapter 60

678 18 1
                                        

Yesha's P.O.V.

Nasandal ako sa pintuan ng kwarto. Kinapa ko ang dibdib ko. Mahal ko pa talaga si DJ. Dumeretso ako sa kama ko at naupo sa gilid niyon. Kinuha mo ang cellphone ko na nakapatong sa gilid ng maliit na mesa. Balak kong tingnan ang mga larawan naming matagal kong itinago roon. Hindi ko iyon magawang burahin dahil puro masasayang alaala ang nandoon.

Nagkapalitan pala kami ng cellphone nito kaninang umaga. Napatitig ulit ako sa screen photo nito. Napakasaya namin ng araw na iyon dahil iyon ang first date namin. Sinimulan kung kalikutin ang cellphone nito. Hindi ko ugaling makialam ng gamit pero sa oras na iyon parang may nag-udyok sa akin na tingnan iyon.

Binuksan ko ang gallery nito. May mga ilang kuha ito ng mga magagandang lugar ng South Korea. Mayro’n din itong solo pictures. May nakita akong isang folder na nandoon. "With my star" iyon ang nakalagay na pangalan ng folder. Binuksan ko iyon at nakita ko ang mga larawan namin na magkasama. Habang tinitingnan ko isa-isa ang mga larawan napangiti ako. Naalala ko lahat ng mga masasayang alaala namin.

Sinubukan kong tingnan ang videos nito. May nag-iisang video na naka-save roon. "100 days without my star" iyon ang pamagat ng video. Sa pamagat pa lang alam ko na may kinalaman iyon sa akin.

Binuksan ko ang video, biglang lumakas ang tibok ng aking puso. Ang malungkot na mukha ni DJ ang bumungad sa akin. Bawat araw sa 100 days na iyon ay mayro’n itong kuha. Karamihan sa mga clip video nito ay sinasabi nitong malungkot ang gabi niya kung wala ang star nito. Mayro’n ding hindi ito nagsasalita sa video, mayro’n ding pumupunta ito sa magagandang tanawin na mag-isa. Hanggang sa umabot ako sa ika-82 na video clip. Umiiyak ito sa video na sinasabi ng paulit-ulit doon kung gaano na niya ako namimiss. Napaluha ako sa tanawing iyon. Ramdam ko ito dahil sa bawat araw na wala ito noon mas lalo ko itong namimiss habang tumatagal.

Sa ika-100 days nga nito ay ang time na na sa airport na ito pauwi ng Pilipinas. Excited na raw itong magkita kami ulit. Umabot siguro sa isa at kalahating oras ang compilation ng videos nito. Pinatay ko ang cellphone at pinunasan ang luhang kumawala rito.

Aaminin ko na touch ako sa pag-record nito ng mga video sa araw-araw na wala ito sa tabi ko. Naramdaman ko kung gaano rin ito nagdusa at nalungkot sa Korea. Dahil do’n wala na akong galit na nararamdaman dito ngunit hindi pa handa ang puso ko na tanggapin ulit ito.

"Kunting-tiis na lang my moon. Dahil hahayaan ulit kitang bigyan ng liwanag ang aking kalangitan." mahina kong sambit.

Alas 4:00 na ng umaga ako natulog, kaya halos ayaw ko pang bumangon ng kama ngunit pangatlong beses na akong kinakatok ni mommy sa pinto.

"Wala ka bang planong pumasok sa trabaho?" bungad agad ni mommy.

"Masama po ang pakiramdam ko kaya a-absent na lang siguro ako ngayong araw." matamlay kong sabi.

"Kung aabsent ka pala, sana pinagsabihan mo si Tyron. Kanina pa raw siya tumatawag sa ‘yo hindi mo sinasagot." Mommy.

"Wala naman po akong narinig na tun--" napatigil ako nang maalalang kay DJ pala ang cellphone na hawak ko.

"Bumaba ka na dahil kanina pa naghihintay sa ‘yo sa labas ‘yong tao dahil ihahatid ka raw niya." umalis na rin kaagad si mommy pagkasabi niyon.

Bigla akong nakaramdam ng guilt para kay Tyron. Bumababa na rin ako agad.

"Hi good morning. Kanina ka pa ba? Sorry hindi ako papasok ngayon masama ang pakiramdam ko." naupo ako sa tabi nito.

"Nakainom ka na ba ng gamot?" nag-aalalang sabi nito

"Ipapahinga ko lang ito, kaya ‘wag ka na mag-alala." Ako.

"Nalaman ko kay tita pinasok ko raw kayo ng magnanakaw kagabi?" Tyron.

"Ahh oo nga pala. Pero okay naman dahil nahuli agad ang magnanakaw." Ako.

"Ahh."

"Oo nga pala maraming beses kitang tinawagan, bakit hindi mo sinagot?" tanong nito. Sasagot na sana ako na hindi ko narinig ang ring ng magsalita si DJ sa likuran ko. Galing ito sa kusina.

"Na sa akin kasi ang phone niya." DJ.

"Ah, o-oo nga pala nagkapalit t-tayo ng phone." nauutal kung sabi sabay abot dito ng phone nito. Ibinalik din nito ang phone ko sa akin. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Tyron pero hindi ito nagsalita.

"Oo nga pala sa linggo na gaganapin ang exhibit ko." Sabi nito sabay abot ng invitation.

"Ikaw rin pare, umattend ka." inabutan din nito si DJ.

"So, see you na lang sa Sunday. Hihintayin ko kayo roon." nakangiti nitong sabi.

Nagpaalam na rin ito agad.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now