Chapter 8

745 25 2
                                    




So back to the gym tayo no.

"Babe.. I mean lea mauna na ko" paalam nung malansang fish

Siyempre di ako magsasabing char lang yung malansang fish kasi mukhang totoo naman

Tsaka what's with the babe tho? Akala ko ba si spoiled brat yung binibabe nito..

"Krystal.. ano ginagawa mo dito?" tarantang tanong ni lea

Malamang nagulat sa pagsulpot ko eh kasi naman eh may ginagawa na di tama.

Naku sumbong ko mga to kay thea eh. But I don't want to conclude just yet lalo na wala pa akong enough evidence.

'Duh? You saw them holding each other's hand and ang sweet pa di pa ba enough evidence yun?' My other self told me

'Ssssh! Still wala tayong maipakitang ebidensya so wag muna' I told my other self

'Bat kasi di mo pinicturan?'

'Aba malay ko ba? Sisihin mo reflex natin di gumana'

I'm crazy I know. Kinakausap ko sarili ko pero kayo din naman eh. Same lang tayo haha

"Well andito ako to ask you something related to the party you've invited me"

"What's that?"

"Thea would be there right?"

"Yeah.."

"And also george?"

"Yeah! Why did you ask?"

"Can I bring someone with me to the party?" Alam ko niyaya lang ako pero siyempre ayoko naman na maout of place dun "I know nakakahiya to ask you something like this since niyaya mo lang naman ak—"

"Sure why not"

"Really?"

"yeah besides di naman kasi private party yun where people whose invited lang ang makakapasok"

"Okay sabi mo eh"

She just smiled at me

"So pano I have to go" paalam niya "see you na lang mamaya"

"Sure"

-

"Seryoso ka?"

"Oo nga"

"Eh akala ko ba irereject mo yung pag-aya sayo sa party na yun"

"Di pwede magbago isip?"

"Pwede naman"

"So pwede ka rin?"

"Girl you know naman na maaasahan mo ko diba especially sa mga ganyang bagay"

"So ano na nga?"

"Oo nga"

"Oo o hindi lang kasi dami pang sinabi eh"

I was talking with ally.

Andito kami ngayon sa canteen kumakain ng lunch.

Di ko na makita si spoiled brat dito siguro tapus ng kumain yun.

"Oo na nga diba"

Napapayag ko si ally to accompany me in the party.

"Wait eh pano yung work mo? Diba may work kapa after class"

"Eh pwede naman mag-undertime eh tsaka 10 pa na man daw yung start talaga nung party"

Tumango tango lang siya "hmm okay"

After we eat our lunch eh dumiretso na ako sa clinic while ally naman sa next class niya.

I'm taking up Hotel & Restaurant Management nga pala ganun din si ally but since we're a working student eh meron kaming subjects na dinrop kaya naman we have classes na di kami magkaklase.

Classmate ko din si thea. Si lea naman sa dalawang subjects lang yung magkaklase kami since ibang course siya.

And beside of me being a working student eh nagtatrabaho din ako para matustusan ko yung mga pangangailangan ko. Although andyan naman si dad para tulungan ako ayoko naman na abalahin pa siya since may mga anak din siyang pinapaaral sa bago niyang pamilya and isa pa ginusto ko to.

My mom died because of heart failure. I was only 4 years old that time.

Masakit pero kailangan tanggapin na iniwan niya na kami. After almost 2 years of grieving for her, my dad finally found someone. At first mahirap sakin kasi ayokong palitan niya si mom but then I realized na I am being selfish to my father sa ginagawa ko. He deserves to have someone again in his life and he deserves happiness kaya naman pumayag ako sa relasyon nila.

I have 3 new siblings. Yung panganay si benjamin he's 14, yung sunod si samantha 12 yrs old and yung bunso na si gwen ay 8 yrs old. They treat me as their playmate and siyempre as big ate nila and mahal na mahal ko yung mga pasaway na yun.

Noong 18 years old ako I decided to live on my own since I'm on my legal age na. Ayaw ng step mom ko lalo na ni dad yung decision ko na yun pero napapayag ko din sila after weeks of begging.

Kaya ako bumukod di dahil sa ayoko sa mom ko o sa mga siblings ko ang totoo nga niyan close talaga ako sa kanila and yung step mom ko? She's my bestfriend. Siya yung takbuhan ko pag may problema ako. Ang funny nga kasi mas close pa kami ng step mom ko kesa kay dad haha. Mahal ko yung pamilya ko at mahal din nila ako. They're the best though pero siyempre si mom pa rin ang pinaka the best for me.

Yung reason kaya ako bumukod dahil gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. Ayokong umasa kay dad or kay mom. Naintindihan naman nila ako sa gusto ko kaya naman hinayaan nila ako but in one condition.

Since gusto ko daw tumayo sa sarili kong mga paa ako na daw bahala sa mga bayarin ko like yung apartment ko, yung ibang bills at mga daily needs ko. For my tuition fee sa school sagot nila siyempre.

It's been almost a year na nung nagdecide ako na bumukod and kahit kailan I never regretted my decision.


🖤

When the heart skips a beatWhere stories live. Discover now