Chapter 27

510 19 2
                                    



Krystal POV




Napapangiti ako everytime na maalala ko yung sinabi sakin ni thea.

Ewan ko ba

Ano naman kaya nakain ng isang yun at ganun na lang kung humirit.



Saka ang sama ng tingin kay kyle gaya ngayon.




Kung nakakamatay lang ang tingin malamang kanina pa nakabulagta yang si kyle.




Bat ba kasi ang sama ng tingin niya dun?




Baka nagseselos?



Napatigil naman ako sa ginagawa ko. Nagseselos? Si thea? Bakit naman? Oh wait! Does she like kyle?



Napatingin ako sa table niya. She's busy cutting some ingredients habang nandadabog.



Bahagya akong napangiti. Cute. Nagmumukha tuloy siyang spoiled na bata sa paningin ko haha



Baka nga may gusto talaga siya kay kyle at ganyan na lang kung mandabog pero di ba dapat sakin siya nakatingin ng masama at hindi kay kyle?



Wait? Bakit biglang nakaramdam ako ng kirot?


Humugot ako ng malalim na hininga saka unti unti itong ibinuga.




Binalewala ko na lang yung iniisip ko pati yung kirot na saglit kung naramdaman.




Nang pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko ay narinig ko naman ang marahan na sigaw ni thea "ahh!!" Automatikong lumingon ako sa table niya at ngayon hawak na niya yung daliri niya na dumudugo?! "Aray!"




Agad akong lumapit sa table niya. Bago pa man kunin ni ally yung kamay niya na dumudugo ay naunahan ko na siya.





Napansin ko naman ang saglit na pagtapon niya ng tingin sakin. Di na ako nag-abalang lingonin siya at nagfocus na lang sa nagdurugong kamay ni thea




"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko





"Obviously I cut my finger" she said in a duh tone




Napatingin ako sa kanya. Agad naman niya iniwas yung tingin niya sakin





"Di ka kasi nag-iingat" medyo galit ko na sabi sa kanya




Bago pa man siya makapagsalita ay hinatak ko na siya papuntang sink. Pinadaluyan ko yun ng malamig na tubig saka hinugasan ng sabon.



Pinunasan ko yun pagkatapos at saka inutusan siyang bigyan ng pressure yung sugat niya at itaas yun lagpas dibdib niya ng sa ganun matigil yung pagdaloy ng dugo habang ako ay agad nagtungo sa first aid kit na andun sa gilid ng kitchen.




Naghanap ako ng cream para sa sugat niya. Agad din akong kumuha ng band aid




Nang makabalik sa kanya ay marahan kong pinahidan ng cream yung daliri niya. Medyo malaki din yung sugat.




Nararamdaman kong titig na titig siya sakin ngayon pero di ko siya binigyan ng pansin.




Nilagyan ko na ng band aid yung daliri niya



"Ayan magpasugat ka ulit" sarkastikong sabi ko



Nakita ko naman na inirapan niya ako habang nakangiting iniiling iling ang kanyang ulo





When the heart skips a beatNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ