Chapter 24

575 20 0
                                    



Krystal's POV


You're amazing just the way you are! :)

                        - tm


Sino naman kaya ang nag-iwan ng sticky notes dito sa desk ko? Sino kaya tong tm na to? Corny ng name ha... pero in fairness maganda hand writing.


"Oyyy... sino yan? Kanino galing?" Si ally.


"Ewan...tm daw eh"

Narinig ko naman na natawa siya. Ano naman kaya ang nakakatawa?

"Tm? Parang sim card lang ah hahaha" sabi niya kaya natawa na rin ako

"Loko ka talaga"

"Ano nakakatawa?" Napalingon naman ako sa gilid ko.


"Eto kasing si krystal may secret admirer tapus pangalan si tm" paliwanag ni ally na medyo natatawa pa

"Oh? Ano nakakatawa dun?"

"Eh kasi nga parang sim card lang. Tm? Hahahaha" nahawa tuloy ako sa kanya kaya nakitawa na din ako habang iniiling ang aking ulo.


"Ang sama mo naman" puna naman ni thea

"Anong masama dun? Nakakatawa lang talaga yung pangalan" katwiran naman ni ally



Napairap na lang si thea. Problema nito?


Nilagay ko sa notebook ko yung sticky notes. Kung sino man to malalaman ko din.


Dumating na yung prof namin. Andami namin ginawa buong araw. Quizzes, activities tapus my recitation pa. Buti na lang nag-study ako kagabi.



Ally's POV


Iba talaga tong kaibigan ko. Andaming manliligaw. Andaming nagkakagusto. Pati babae nababaliko at isa na dun yung babaeng nakabusangot ngayon


Badtrip siguro to kasi ikaw ba naman pagtawanan yung initials niya? TM hahaha


Opo, alam ko kung sino yung nagbigay ng sticky notes kay krystal. Kilala ko kung sino si tm. Eh pano ako nagbigay ng ideya na yan sa kanya.


Napagawi ako sa direksiyon ni thea.

Di ko talaga lubos akalain na bakla tong diyosang babae na to. Sa ganda ba naman niya at sa ubod ng kahinhinan ay di mo masasabing lesbian siya. Babae pa siya sa babae pero gaya nga nang sinabi niya sakin isa siyang femme lesbian.


Alam niyo naman siguro kung ano yun and yes! Kasabay ng pagkarinig ko sa usapan nila ni george nung mga nakaraang araw ay inamin at kinuwento niya din sakin yung tungkol sa kanya.



Well, at first shookedt ang lola niyo halos lumipad yung wig ko kahit wala naman talaga akong wig.


Pero siyempre kinilig ako after...ihhhhh kasi naman eh yung diyosa nainlab sa isa pang diyosa? Perfect combo lang!



Eto namang frennycules ko walang kamuwang muwang na may naiinlab na pala sa kanya diyan sa tabi tabi. Yung katabi niya mismo hahaha



"Oyy... pangiti-ngiti ka diyan?" biglang bulong sakin ni krystal


Kasalukuyan kasing nagtuturo sa unahan yung teacher namin kaya dapat quiet lang pero siyempre dahil mabunganga tayo eh binulungan ko rin siya



When the heart skips a beatWhere stories live. Discover now