Chapter 50

962 28 3
                                    




Masaya akong naglalakad papasok ng lobby ng ospital. Di ko alam kung bakit ang saya saya ko. Siguro dahil makikita ko na si krystal. Kahit ilang oras lang kami di nagkita, namimiss ko siya.



I hummed a song while pressing the button of elevator. I waited for a few seconds then pumasok na ako sa loob. As the elevator goes up, parang bigla naman ako di mapakali. I impatiently tapped my shoes on the floor while waiting for the elevator to arrive at krystal's floor. May mga nakisakay sa 2nd floor at bumaba ng 3rd floor. Nakarating na ako ng 4th floor. Saktong pagbukas ng elevator door ay may mga nurse na nagsisitakbuhan. Napakunot naman ako ng noo habang sinusundan sila ng tingin.



Yung saya ko kanina napalitan yun ng kaba. Biglang tumibok ng mabilis ang aking puso. Nag-aalala ako para kay krystal baka kung ano na nangyari sa kanya. Kaya naman dali dali akong naglakad hanggang sa napatakbo na ako patungo sa kwarto ni krystal.




Napatigil ako malapit sa pintoan. Bukas yun at nasa labas pa lang ako pero dinig ko na may umiiyak. Mas lalo akong kinabahan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko parang di ko ata kaya kung ano man yung makikita ko sa loob. Nagiging unsteady na yung hininga ko. Dahan dahan akong lumapit sa pintoan para silipin kung ano yung nangyayari sa loob. Sino yung umiiyak?




Nakatayo lang ako sa harapan ng bukas na pintoan habang nakatingin sa doktor at sa ibang nurse na nandun sa loob. Nandun din si tita tsaka si tito. Dahan dahan akong pumasok at lumapit sa kanila


"Time of death, 4:45 pm. I'm so sorry we tried everything we could para isalba siya" tumango lang si tito na naiiyak sa sinapit ng kanyang anak.



"Iwan na muna namin kayo" habang paalis sila ay tumingin pa sa akin yung doktor na parang humihingi ng patawad.




"What is happening?" Alam ko naman yung nangyari eh. I just refused to believe. I don't want this to happen. Di totoo yung mga narinig ko. Lumingon naman sa direksyon ko sina tito.



"Thea" kumalas siya sa asawa niya saka ako nilapitan pero bago pa man siya nakalapit ay agad akong pumunta sa kama ni krystal



"Love, I'm here" nagsipatakan na ang mga luha na kanina ko pa pilit pinipigilan "Nandito na ko"



I held her face "love, gising na"



Tito grabbed me by my shoulders "thea, di na gigising si krystal" naiiyak niyang sabi.



"No!" Niyakap ko ang katawan niya habang humahagolhol ako sa pag-iyak. Sinubukan kong pakinggan ang puso niya pero wala akong narinig na kabog "you said you'll wait for me! Sabi mo hihintayin mo ko! Diba gusto mo kong makita? Andito na ako! Andito na ko krystal! Please gumising kana!" Niyugyog ko ang balikat niya pero wala na talaga siya.




Niyakap ko siya ng mahigpit. Sana panaginip lang ang lahat ng to. Sana di to totoo. Ayokong mawala siya sakin. Ayoko ng ganito.




Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. I held her hand and nung mga oras na yun ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko ng dahil sa nakita ko. Sumuko na siya. Sumuko ang taong mahal ko. Nasa palad niya ang singsing na papel na bigay ko sa kanya dati. The paper ring, its crumpled now which means she already have her reason not to stay with me at iwan ako.



Nanginginig ang kamay na kinuha ko yun sa palad niya hanggang sa napahagulhol ako ulit sa pag-iyak "why? Bat ang bilis mo namang sumuko love? Sabay tayong lalaban diba? Di mo ko iiwan remember?" Halos di na ako makasalita ng dahil sa grabe kong pag-iyak. Nasa gilid ko lang sina tito at tita. Niyayakap ang isa't isa habang umiiyak.



"Sabi mo...as long as walang binibigay...na reason si God na sukuan mo ko...o iwan mo ko...di ka mawawala sakin. Sabi mo...dito ka lang...sa tabi ko. Anong nangyari dun love? Bakit mo ko iniwan? Pano na ko?" I said those words in between my sobs.




Ang sakit sakit lalo na't sumuko na yung taong mahal mo. Parang gusto ko na lang din sumunod sa kanya. Gusto kong sumama sa kanya kung saan man siya ngayon. Wala akong ginawa nung araw na yun kundi ang umiyak at umiyak at umiyak. Araw araw akong umiiyak sa sakit. Araw araw kong tinatanong ang panginoon kung bakit kinuha ka niya sakin. Tama nga ang sabi nila na ang sobrang kaligayahan may kapalit na kalungkutan.



Namimiss na kita love. Walang araw na di kita iniisip. Walang araw na di kita namimiss.


Krystal died because of cardiac arrest. Sabi ng dad niya di na daw bago sa pamilya nila ang ganong pangyayari since nasa dugo na daw ng pamilya niya at pamilya ng mommy ni krystal na namatay dahil sa heart failure noon ang ganitong klaseng sitwasyon.



Naikwento din ni tita na nung mga oras na yun nahihirapan na talaga si krystal huminga at nagkakachest pain daw siya.



Naintindihan ko na kung bakit ganun na lang ang struggle niya dati sa pagsasalita nung kinakausap niya ko sa phone nun. Kung bakit walang tigil siyang napapabuntong ng hininga. Nahihirapan na pala siya nun. Kung di ko lang sana siya sinunod at pumunta na lang sa ospital nung araw na yun siguro...



dugdug...dugdug...



Napahawak ako sa chest ko.




It's been almost a year love. It's been almost a year na walang ikaw dito sa tabi ko. Isang taon na at hanggang ngayon di pa rin ako makamove on. Di ko alam kung kailan pero I know someday mawawala din itong sakit na nararamdaman ko. Nasasaktan pa rin ako love pero gaya ng sabi mo dati sakin, Lalaban ako kasi yun yung dapat.



"Alam kong di ka sumuko ng mga oras na yun love. Alam kong lumaban ka at patuloy na lumalaban kasama ko" nilapag ko sa kanyang lapida ang papel na bulaklak na gawa ko para sa kanya. Kasabay nun ang paglapag ko din ng papel na singsing "Ginawan kita ulit ng bago. Sinira mo kasi yung binigay ko sayo dati"


I ran my fingers through her name na nakaukit sa lapida.



Krystal Kaye Baran
Sept. 27, 1987 —— Nov. 27, 2007
Forever in our hearts



"Happy Birthday love!" I sighed "Magdadalawang taon na din sana tayo next month kaso wala ka na kaya kami na lang ni heart ang magcecelebrate" napatawa ako ng bahagya


"I'll continue to fight love lalo na't binigyan mo ako ng reason para magpatuloy sa buhay" I smile "no matter what happens, you'll always be in my heart. Ikaw lang ang magmamay-ari ng puso ko lalo pa at ikaw naman talaga may ari nito"




Krystal gave me her heart. Yun daw ang hiling niya sa mom niya nung mga oras na nahihirapan na siya. Gusto niyang ibigay ang puso niya sakin if ever may mangyari sa kanyang masama.



Kahit na sa huling sandali ng kanyang buhay ako pa rin ang iniisip niya. Ang kalagayan ko pa rin ang inalala niya. I couldn't thank her enough sa lahat ng pag-aalaga at pagmamahal na binuhos niya sakin.



"May reason man o wala, know that I will never give up no matter what. Aalagaan ko ang puso mo gaya ng kung pano mo ko alagaan noon. You have my heart love and I have yours" I wipe the tears in my eyes as it starts to fall




"I love you and I always will"







🖤

When the heart skips a beatWhere stories live. Discover now