Chapter 42

502 23 6
                                    




"Love, bilisan mo naman" nilingon niya ako mula sa direksyon niya



Napatingin ako kay thea na kasalukuyang nauuna sa aking maglakad



Ngayon kasi ang araw na aakyat kami ng Mt. Pulag. Ayoko sana nung una dahil ayokong mapagod si thea. Pero nagpupumilit siya na magtrekking daw kami. Pinagpaalam ko na lang siya sa parents niya kahit sila tutol din sana kaso wala mapilit talaga si thea.




Napangiti ako sa kanya "pwede ba dahan dahan ka lang diyan mamaya mapagod ka pa ng tudo eh"



She clicks her tongue "dami mong sinasabi love"




Nakatayo lang siya habang papalapit ako sa kanya.




Iniabot naman niya yung kamay niya sakin at kinuha ko naman yun saka siya nag-umpisa ulit na maglakad habang hawak hawak ang kamay ko.




Meron kaming tour guide na kasama at may mga ilang tao din na nakasabayan namin.




"Babylove, di ka ba napapagod?" tanong ko kay thea after ilang minutong paglalakad



"Ikaw?" Di niya ako sinagot instead tinanong niya din ako pabalik "pagod ka naba?"




Natawa ako ng bahagya sa kanya "oh anong nakakatawa?"




"Bilib talaga ako sayo baby ko" sabi ko sa kanya



Ngayon siya naman yung natawa "no wonder nainlab ka sakin" sabay wink




I scoffed "yabang ah"



"Yabang talaga lalo pa't akin ka na" banat niya



Sabay kaming natawa dun sa sinabi niya "oh. Oh. Wag kang masyadong kiligin" babala pa niya




Siraulo talaga "ang corny mo baby ha"




Ilang oras pa ang lumipas ng magpasya ang tour guide na magpahinga muna kami saglit at kumain muna since ilang oras pa ang lalakarin.



Umupo si thea sa lupa saka kinuha yung water bottle niya sa bag. Nagsquat naman ako sa harapan niya habang kumakain ng sandwich na inihanda ko at ng mommy niya para samin.



Di niya mabuksan yung cap ng water bottle niya kaya pinabukas niya sakin yun. Iniabot ko sa kanya yung sandwich na hawak ko saka siya kumagat dun "ano na lang kaya ako pag wala ka?" bigla bigla niyang tanong habang ngumunguya ng sandwich



Ngumiti ako sa kanya "isa ka na sigurong potato" natatawang sabi ko




"Your pretty, cute, sweetpotato" she said in her baby voice




She leaned over towards me while pouting her lips and instead ikiss ko siya ay yung baba ng water bottle niya yung pumasok sa bibig niya "uminom ka muna ng tubig" sinamaan lang niya ako ng tingin habang ako natatawa sa kanya





"Ang sweet niyo naman" narinig kong sabi ng isa naming kasamahan




Napalingon kami ni thea dun "ate san po yung sweet dun sa ginawa niya?" Tanong ni thea dun sa babae na ngayon ay natatawa kasama yung iba niyang kasama




"Kayo. Ang sweet niyo. Nilalanggam na kami dito" sabat naman nung isa




"Sorry naman po mga ate, kuya. Eto kasi...dun ka nga. Nilalanggam sila oh" kunwari tinataboy niya ako tss




When the heart skips a beatWhere stories live. Discover now