Chapter 28

489 18 0
                                    



Ally's POV



Kawawa naman mga kaibigan ko.


Parehong naguguluhan sa feelings nila for each other.



Ang di nila alam eh pareho sila ng problema. Problema nila ang isa't isa. Hahahaha


Si thea problema niya kung pano aminin kay krystal ang feelings niya while krystal pinoproblema niya kung ano ba talaga yung feelings na nafefeel niya kay thea.



O diba? Ang saya saya ng love story nila.



Ang saya saya ko din kasi siyempre alam ko yung nararamdaman nila. Siyempre isa kasi akong magiting na kaibigan. At bilang isang magiting na kaibigan eh pareho silang nagsasabi sakin ng problema nila sa isa't isa.



Naku for sure matutuwa si thea pag nalaman niya na may feelings din si krystal sa kanya although naguguluhan eh dun pa rin naman ang punta nun hahaha




"But I don't swing that way ly" nakikipagdebatehan ako ngayon kay krystal dito sa clinic




She won't give consideration kasi sa possibilities na she's into girls. I mean duh! Girl andiyan na nga yung possibilities oh. Nangyayari na sayo. Bakit di mo pa tanggapin na ganyan ka. Hayss



"I know but that's before. Iba na ngayon krys especially na may feelings ka na din for thea"



"I did not say that" agad niyang kontra


May amnesia ata to eh. Nakalimutan niya ba yung kinonfess niya sakin yesterday?



May pa 'Everytime she's around you feel butterflies in your stomach. You want to take care of her. You want her all by yourself' tapus sasabihin niya sakin ngayon na wala siyang feelings para kay thea na hindi niya sinabi yun? Aba'y sino niloloko niya?



Napabuntong hininga na lang ako "sige ideny mo lang. Papayagan kita ngayon pero sinasabi ko talaga sayo di makakatulong yang pagdedeny mo sa gusto mong malaman"




"Kasi naman eh. Straight ako alam mo yan"



Napasapo ako ng aking ulo "Push mo pa yan te makakatikim ka talaga sakin"



"Eh bat ba kasi pinipilit mo sabihin sakin na bakla ako. Eh di nga ako ganun" hay masasabunutan ko talaga to. Ang tigas ng ulo




"Hoy babae! Di ko pinipilit sabihin sayo na bakla ka. Ang akin lang andiyan na yung proof na di ka na straight!" pinapainit ng babaeng to ulo ko "lawakan mo nga pag-iisip mo" dagdag ko pa



Nasa ganun kaming conversation ng biglang sumulpot si nurse cassie.



"Oh bat kayo nagsisigawan" takang tanong niya "may problema ba?"



"Nurse cassie, eto kasing si krystal pinipilit niya sabihin sakin na straight siya eh may prweba na nga na magpapatunay na di na siya ganun"



"Ally!" sinamaan ako ng tingin ni krystal "nurse cassie wag ka makinig sa kanya"



"Wait, what do you mean?" Si nurse cassie



When the heart skips a beatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon