Chapter 41

487 18 5
                                    




"Girl, mabuti naman at naisipan mong pumasok ng school" bungad sakin ni ally.




Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway ng school papuntang cafeteria.




Before akong pumunta dito sa school ay binisita ko muna si thea dun sa ospital. Sinabihan ko din si tita tanya na babalik na lang ako dun mamaya pagkatapos ng school ko.


Natutuwa nga siyang malaman na papasok ako ngayon. Di kasi daw maganda na umabsent pa ako lalo at panigurado daw na di matutuwa si thea pag nalaman niya yun.




"Kailangan kung bumawi dun sa mga absences ko" sagot ko sa kanya





"Akala ko pa naman pababayaan mo na ang pag-aaral mo" she said




"Of course not" sagot ko "bakit ko naman gagawin yun"





Nang makarating na kami sa cafeteria ay agad kaming nag-order ng makakain saka naghanap ng bakanteng table.





Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni ally ng biglang dumating si lea kasama si george.




Naging kaibigan namin ni ally sina lea at george simula nung naging kami ni thea. Di naman sila mahirap kaibiganin since mga kilala naman namin sila dati pa ni ally. And no hard feelings din sa dalawa kahit na niloko nila si thea. Si thea nga na niloko parang wala lang sa kanya yung nangyari, so sino kami ni ally para magalit sa kanila especially ngayon alam namin yung totoo, diba? Naikwento na kasi lahat samin ni thea simula dun sa reason kung bakit naging sila ni george at lahat lahat.




"Look, whose back!" excited na sabi ni george ng makita ako.




Napangiti naman ako dun




"Hey, krys" bati sakin ni lea na ngayon ay nakaupo na sa gilid ko "buti naman pumasok kana"




"Yan din sinabi ko kanina sa kanya eh" sabat naman ni ally





Umalis muna si george para bumili ng foods nila ni lea.




"Andami mong namiss na lesson" sabi pa ni lea




"I know. Kaya nga andito na ako diba" sarkastikong sabi ko




Natawa naman sila ni ally.




"By the way, how are you holding up lately?" lea asked. She sounded concern




I heaved a sigh then slightly smile at them "I'm fine" I simply answered




"Babe, wala na silang veggie salad" si george na kakarating lang galing counter "binilhan na lang kita nito" sabay pakita kay lea ng sandwich na puro vegetable ang sangkap




Naging vegan na kasi si lea. Gusto niya daw healthy living. Like duh? Pag sinabi bang kumain ka ng veggie healthy life na yun? Ewan ko ba dito kay lea



"Mabuti naman at nagkacommon sense ka na babe" ewan ko lang kung joke yun o ano pero natawa kami dun ni ally sa sinabi ni lea kay george




"Babe naman" aww si boy george nagpapout haha




"Wag ka nga mag-pout di bagay. Halikan pa kita diyan eh" sabi ni lea na nagpangiti naman kay george na kanina lang nakapout haha




Mga baliw



"Magpapout ako para kiss mo ko" pabebeng sabi ni george na agad naman nagpout ulit.





When the heart skips a beatWhere stories live. Discover now